EXODO 2
2
Isinilang si Moises
1May isang lalaki sa lipi ni Levi na humayo at nag-asawa ng isang anak na babae ni Levi.
2Ang#Gw. 7:20; Heb. 11:23 babae ay naglihi at nanganak ng isang lalaki. Nang kanyang makita na ito ay maganda, kanyang itinago ito ng tatlong buwan.
3Nang hindi na niya ito maitago pa, ikinuha niya ito ng isang basket na yari sa papiro, at pinahiran niya ng betun at alkitran. Kanyang isinilid ang bata roon at inilagay sa talahiban sa tabi ng ilog.
4Tumayo sa malayo ang kanyang kapatid na babae upang malaman ang mangyayari sa bata.
5Noon, ang anak na babae ni Faraon ay lumusong upang maligo sa ilog, at naglakad ang kanyang mga alalay na babae sa tabi ng ilog. Kanyang nakita ang basket sa talahiban at ipinakuha sa kanyang alalay.
6Nang kanyang buksan ito, nakita niya ang bata; at narito, ang sanggol ay umiyak. At kanyang kinaawaan siya at sinabi, “Ito'y isa sa mga anak ng mga Hebreo.”
7Nang magkagayo'y sinabi ng kanyang kapatid na babae sa anak ng Faraon, “Aalis ba ako upang itawag kita ng isang tagapag-alaga mula sa mga babaing Hebrea na mag-aalaga ng bata para sa iyo?”
8Sinabi sa kanya ng anak ng Faraon, “Umalis ka.” Ang batang babae ay umalis at tinawag ang ina ng bata.
9Sinabi ng anak ng Faraon sa kanya, “Dalhin mo ang batang ito at alagaan mo para sa akin at uupahan kita.” Kaya't kinuha ng babae ang bata at inalagaan ito.
10Ang#Gw. 7:21 bata ay lumaki at kanyang dinala ito sa anak ng Faraon, at ito'y naging kanyang anak. Kanyang pinangalanan siyang Moises,#2:10 Sa Hebreo ay Sinagip. dahil sinabi niya, “Sapagkat aking iniahon siya sa tubig.”
Tumakas si Moises Patungong Midian
11Nang#Gw. 7:23-28 #Heb. 11:24 mga araw na iyon, nang malaki na si Moises, nagtungo siya sa kanyang mga kapatid, at nakita ang kanilang sapilitang paggawa. Kanyang nakita ang isang Ehipcio na binubugbog ang isang Hebreo na isa sa kanyang mga kapatid.
12Siya'y tumingin sa magkabi-kabilang dako at nang siya'y walang makitang tao, kanyang pinatay ang Ehipcio at kanyang itinago sa buhanginan.
13Nang siya'y lumabas nang sumunod na araw, may dalawang lalaking Hebreo na naglalaban; at kanyang sinabi sa gumawa ng masama, “Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama?”
14Sinabi niya, “Sinong naglagay sa iyo bilang pinuno at hukom sa amin? Iniisip mo bang patayin ako, gaya nang pagpatay mo sa Ehipcio?” Natakot si Moises at kanyang inisip, “Tiyak na ang bagay na ito ay alam na.”
15Nang#Gw. 7:29; Heb. 11:27 mabalitaan ng Faraon ang bagay na ito, ninais niyang patayin si Moises.
Subalit si Moises ay tumakas mula kay Faraon at nanirahan sa lupain ng Midian. Siya'y umupo sa tabi ng isang balon.
16Ang pari#2:16 o pinuno. noon sa Midian ay may pitong anak na babae. Sila'y dumating at umigib ng tubig at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama.
17Ang mga pastol ay dumating at sila'y ipinagtabuyan; ngunit si Moises ay tumindig at sila'y ipinagtanggol, at pinainom ang kanilang kawan.
18Nang sila'y dumating kay Reuel#2:18 o Jetro. na kanilang ama ay sinabi nito, “Bakit napakadali ninyong dumating ngayon?”
19Kanilang sinabi, “Iniligtas kami ng isang Ehipcio mula sa kamay ng mga pastol at saka iniigib pa niya kami ng tubig at pinainom ang kawan.”
20Sinabi niya sa kanyang mga anak, “Saan siya naroon? Bakit ninyo iniwan ang lalaking iyon? Tawagin ninyo siya upang makakain ng tinapay.”
21Si Moises ay nasiyahang makitira sa lalaking iyon at kanyang ibinigay kay Moises si Zifora na kanyang anak na babae.
22Nanganak siya ng isang lalaki at kanyang pinangalanang Gershom sapagkat sinabi ni Moises, “Ako'y manlalakbay sa ibang lupain.”
23Pagkaraan ng maraming araw, ang hari ng Ehipto ay namatay. Ang bayang Israel ay dumaing dahil sa pagkaalipin at sila'y humingi ng tulong. Ang kanilang daing dahil sa pagkaalipin ay nakarating sa Diyos.
24Narinig#Gen. 15:13, 14 ng Diyos ang kanilang daing at naalala ng Diyos ang kanyang tipan kina Abraham, Isaac, at Jacob.
25At tiningnan ng Diyos ang mga anak ni Israel at nalaman ng Diyos ang kanilang kalagayan.
Kasalukuyang Napili:
EXODO 2: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: