EZEKIEL 12
12
Inilarawan ni Ezekiel ang Paglaya ng Israel
1Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2“Anak#Isa. 6:9, 10; Jer. 5:21; Mc. 8:18 ng tao, ikaw ay naninirahan sa gitna ng isang mapaghimagsik na sambahayan na may mga mata upang makakita, ngunit hindi nakakakita; na may mga tainga upang makarinig, ngunit hindi makarinig; sapagkat sila'y isang mapaghimagsik na sambahayan.
3Dahil dito, anak ng tao, maghanda ka ng dala-dalahan ng bihag. Habang maliwanag pa ang araw ay pumunta ka sa pagkabihag na nakikita nila. Ikaw ay lalakad na gaya ng bihag mula sa iyong lugar hanggang sa ibang lugar na nakikita nila. Baka sakaling kanilang maunawaan ito, bagaman sila'y isang mapaghimagsik na sambahayan.
4Ilalabas mo ang iyong dala-dalahan kapag araw na nakikita nila, bilang dala-dalahan sa pagkabihag. Ikaw ay lalabas sa hapon na kanilang nakikita na gaya ng mga tao na dapat tumungo sa pagkabihag.
5Bumutas ka sa pader na nakatingin sila at lumabas ka sa pamamagitan niyon.
6Habang nakatingin sila ay iyong papasanin ang dala-dalahan sa iyong balikat, at dadalhing papalabas sa dilim. Tatakpan mo ang iyong mukha upang hindi mo makita ang lupa: sapagkat ginawa kitang isang tanda sa sambahayan ni Israel.”
7At aking ginawa ang ayon sa iniutos sa akin. Inilabas ko ang aking dala-dalahan nang araw, na gaya ng dala-dalahan sa pagkabihag, at nang hapon ay bumutas ako sa pader sa pamamagitan ng aking kamay. Lumabas ako sa dilim, at pinasan ko sa aking balikat ang aking kagamitan habang sila'y nakatingin.
8Kinaumagahan, dumating ang salita ng Panginoon sa akin, na sinasabi,
9“Anak ng tao, hindi ba ang sambahayan ni Israel, ang mapaghimagsik na sambahayan, ay nagsabi sa iyo, ‘Anong ginagawa mo?’
10Sabihin mo sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Ang pahayag na ito ay tungkol sa pinuno ng Jerusalem at sa buong sambahayan ni Israel na nasa gitna nila.’
11Sabihin mo, ‘Ako'y inyong tanda: kung ano ang aking ginawa, gayon ang gagawin sa kanila; sila'y patungo sa pagkabihag, sa pagkatapon.’
12Ang pinuno na nasa gitna nila ay magpapasan ng kanyang dala-dalahan sa kanyang balikat sa dilim, at lalabas. Bubutasin nila ang pader at lalabas doon. Siya'y magtatakip ng kanyang mukha, upang hindi niya makita ang lupa.
13At#2 Ha. 25:7; Jer. 52:11 ilaladlad ko ang aking lambat sa ibabaw niya, at siya'y mahuhuli sa aking bitag. Aking dadalhin siya sa Babilonia sa lupain ng mga Caldeo; gayunma'y hindi niya ito makikita, at siya'y mamamatay doon.
14Aking pangangalatin sa bawat dako ang lahat ng nasa palibot niya, ang kanyang mga katulong, at ang lahat niyang mga pulutong. At aking huhugutin ang tabak sa likuran nila.
15Kanilang malalaman na ako ang Panginoon, kapag sila'y aking pinangalat sa gitna ng mga bayan at mga bansa.
16Ngunit hahayaan kong makatakas sa tabak ang ilan sa kanila, sa taggutom at sa salot, upang kanilang maipahayag ang lahat nilang kasuklamsuklam sa gitna ng mga bansa na kanilang pinaroroonan. At kanilang malalaman na ako ang Panginoon.”
Ang Tanda ng Panginginig ng Propeta
17Bukod dito'y ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi:
18“Anak ng tao, kainin mo ang iyong tinapay na may panginginig, at inumin mo ang iyong tubig na may pangangatal at may pagkatakot.
19At sabihin mo sa mga mamamayan ng lupain, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos tungkol sa mga naninirahan sa Jerusalem sa lupain ng Israel: Kanilang kakainin na may pagkatakot ang kanilang tinapay, at nanlulupaypay na iinom ng kanilang tubig, sapagkat ang kanyang lupain ay mawawalan ng lahat nitong laman dahil sa karahasan ng lahat ng naninirahan doon.
20Ang mga lunsod na tinitirhan ay mawawasak at ang lupain ay masisira; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.’”
Ang mga Palasak na Kasabihan
21At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
22“Anak ng tao, ano ang kawikaang ito na mayroon ka tungkol sa lupain ng Israel, na sinasabi, ‘Ang mga araw ay tumatagal, at ang bawat pangitain ay nawawalang kabuluhan’?
23Kaya't sabihin mo sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Wawakasan ko ang kawikaang ito, at hindi na gagamitin pang kawikaan sa Israel.’ Ngunit sabihin mo sa kanila, ‘Ang mga araw ay malapit na, at ang katuparan ng bawat pangitain.
24Sapagkat hindi na magkakaroon pa ng anumang huwad na pangitain o ng di tunay na panghuhula sa loob ng sambahayan ni Israel.
25Sapagkat ako na Panginoon ay magsasalita ng salita na aking sasalitain, at ito ay matutupad. Hindi na ito magtatagal pa, ngunit sa inyong mga araw, O mapaghimagsik na sambahayan, aking sasalitain ang salita, at aking tutuparin, sabi ng Panginoong Diyos.’”
26Ang salita ng Panginoon ay muling dumating sa akin, na sinasabi,
27“Anak ng tao, narito, silang nasa sambahayan ni Israel ay nagsasabi, ‘Ang pangitain na kanyang nakikita ay sa darating pang maraming mga araw, at siya'y nagsasalita ng propesiya sa mga panahong malayo.’
28Kaya't sabihin mo sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Hindi na magtatagal pa ang aking mga salita, kundi ang salita na aking sinasalita ay matutupad, sabi ng Panginoon.’”
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 12: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: