EZEKIEL 19
19
Pamimighati para sa mga Pinuno ng Israel
1At ikaw, tumaghoy ka para sa mga pinuno ng Israel,
2at iyong sabihin:
Parang isang babaing leon ang iyong ina!
Siya'y humiga sa gitna ng mga leon,
na inaalagaan ang kanyang mga anak.
3Pinalaki niya ang isa sa kanyang mga anak;
siya'y naging isang batang leon,
at natuto siyang manghuli;
siya'y nanlapa ng mga tao.
4Ang mga bansa ay nagpatunog ng babala laban sa kanya;
siya'y dinala sa kanilang hukay;
at dinala nila siyang nakakawit
sa lupain ng Ehipto.
5Nang makita niya na siya'y naghintay,
at ang kanyang pag-asa ay nawala,
kumuha siya ng isa pa sa kanyang mga anak,
at ginawa siyang batang leon.
6Siya'y nagpagala-galang kasama ng mga leon;
siya'y naging batang leon,
at siya'y natutong manghuli, at nanlapa ng mga tao.
7At giniba niya ang kanilang mga tanggulan,
at sinira ang kanilang mga lunsod;
at ang lupain ay natakot, at ang lahat na naroon,
sa ugong ng kanyang ungal.
8Nang magkagayo'y naglagay ang mga bansa
ng mga bitag laban sa kanya sa bawat dako;
inilatag nila ang kanilang lambat laban sa kanya;
dinala siya sa kanilang hukay.
9Inilagay nila siya sa isang kulungan na may kawit,
at dinala nila siya sa hari ng Babilonia;
at dinala nila siya sa pamamagitan ng lambat,
upang ang kanyang tinig ay huwag nang marinig
sa mga bundok ng Israel.
10Ang iyong ina ay parang ubas sa iyong ubasan
na itinanim sa tabi ng tubig,
siya'y mabunga at punô ng mga sanga,
dahil sa maraming tubig.
11Ang kanyang pinakamatibay na sanga
ay naging setro ng namumuno;
ito ay tumaas na tunay
sa makapal na sanga;
ito'y namasdan sa kataasan
sa karamihan ng kanilang mga sanga.
12Ngunit ang puno ng ubas ay binunot dahil sa poot,
inihagis sa lupa;
tinuyo ito ng hanging mula sa silangan;
at inalis ang bunga nito,
ang kanyang matitibay na sanga ay nabali,
at tinupok ng apoy.
13Ngayo'y inilipat ito ng taniman sa ilang,
sa isang tuyo at uhaw na lupain.
14At lumabas ang apoy sa mga sanga nito,
at tinupok ang kanyang mga sanga at bunga,
kaya't doo'y walang naiwang matibay na sanga,
walang setro para sa isang pinuno.
Ito ay panaghoy, at naging panaghoy.
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 19: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

:
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001