EZEKIEL 34
34
Pahayag Laban sa mga Pinuno ng Israel
1At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na sinasabi,
2“Anak ng tao, magsalita ka ng propesiya laban sa mga pastol ng Israel, magsalita ka ng propesiya, at iyong sabihin sa mga pastol, Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Kahabag-habag ang mga pastol ng Israel na pinakakain ang kanilang sarili! Hindi ba dapat pakainin ng mga pastol ang mga tupa?
3Kayo'y kumakain ng taba, at kayo'y nagsusuot ng lana, inyong pinapatay ang mga pinataba, ngunit hindi ninyo pinakakain ang mga tupa.
4Hindi ninyo pinalakas ang payat, hindi ninyo pinagaling ang maysakit, o inyo mang tinalian ang may pilay, o inyo mang ibinalik ang naligaw, o inyo mang hinanap ang nawala, kundi inyong pinamumunuan sila na may karahasan at kalupitan.
5Kaya't#Bil. 27:17; 1 Ha. 22:17; Mt. 9:36; Mc. 6:34 sila'y nangalat dahil sa walang pastol, at sila'y naging pagkain sa lahat ng mababangis na hayop sa parang, at nangalat.
6Ang aking mga tupa ay nangalat, sila'y nagsilaboy sa lahat ng bundok, at sa bawat mataas na burol. Ang aking mga tupa ay nangalat sa buong ibabaw ng lupa, at walang naghanap o nagmalasakit sa kanila.
7“Kaya't kayong mga pastol, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon:
8Kung paanong ako'y nabubuhay, sabi ng Panginoong Diyos, sapagkat ang aking mga tupa ay naging biktima, at ang aking mga tupa ay naging pagkain ng lahat ng mababangis na hayop, dahil sa walang pastol, at sapagkat hindi hinanap ng aking mga pastol ang aking mga tupa, kundi ang mga pastol ay nagsikain, at hindi pinakain ang aking mga tupa;
9kaya't kayong mga pastol, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon:
10Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos, Narito, ako'y laban sa mga pastol. Aking aalisin ang aking mga tupa sa kanilang kamay, at akin silang patitigilin sa pagpapakain sa mga tupa. Hindi na pakakainin ng mga pastol ang kanilang sarili. Aking ililigtas ang aking mga tupa sa kanilang mga bibig upang huwag silang maging pagkain nila.
Ang Mabuting Pastol
11“Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, ako mismo ang maghahanap sa aking mga tupa, at aking pagmamalasakitan sila.
12Kung paanong hinahanap ng pastol ang kanyang kawan kapag ang ilan sa kanyang mga tupa ay nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa araw na maulap at makapal na kadiliman.
13Aking ilalabas sila sa mga bayan, titipunin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain. Pakakainin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga bukal ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain.
14Aking pakakainin sila sa mabuting pastulan, at ang matataas na bundok ng kataasan ng Israel ang kanilang magiging pastulan. Doo'y mahihiga sila sa mabuting lupaing pastulan, at sa matabang pastulan ay manginginain sila sa mga bundok ng Israel.
15Ako mismo ang magiging pastol ng aking mga tupa at sila'y dadalhin ko sa kapahingahan, sabi ng Panginoong Diyos.
16Aking hahanapin ang nawala at ibabalik ang naligaw, tatalian ang nabalian, at palalakasin ang mahihina, ngunit aking lilipulin ang mataba at malakas. Aking pakakainin sila ng kahatulan.
17“At tungkol sa inyo, aking kawan, ganito ang sabi ng Panginoong Diyos: Narito, ako'y hahatol sa pagitan ng tupa at tupa, sa pagitan ng mga lalaking tupa at mga lalaking kambing.
18Hindi pa ba sapat sa inyo na kumain sa mabuting pastulan, kundi dapat pa ninyong tapakan ng inyong mga paa ang nalabi sa inyong pastulan? Kapag umiinom kayo ng malinaw na tubig, dapat pa ba ninyong parumihin ng inyong mga paa ang nalabi?
19At dapat bang kainin ng aking mga tupa ang niyapakan ng inyong mga paa, at kanilang inumin ang dinumihan ng inyong mga paa?
20“Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos sa kanila: Narito, ako, samakatuwid baga'y ako ang hahatol sa matabang tupa at sa payat na tupa.
21Sapagkat inyong itinutulak ng tagiliran at ng balikat, at inyong sinusuwag ng inyong mga sungay ang lahat ng may sakit, hanggang sa inyong maikalat sila.
22Aking ililigtas ang aking kawan, at hindi na sila magiging biktima; at ako ang hahatol sa pagitan ng mga tupa.
23Ako'y#Apoc. 7:17 maglalagay ng isang pastol sa kanila, ang aking lingkod na si David, at kanyang pakakainin sila. Kanyang pakakainin sila at siya'y magiging kanilang pastol.
24At akong#Ez. 37:24 Panginoon ay magiging kanilang Diyos, at ang aking lingkod na si David ay magiging pinuno nila; akong Panginoon ang nagsalita.
25“Ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at aking aalisin ang mababangis na hayop sa lupain; at sila'y maninirahang tiwasay sa ilang, at matutulog sa mga kakahuyan.
26Aking gagawing mapapalad sila at ang mga dakong nasa palibot ng aking burol. Aking pababagsakin ang ulan sa kapanahunan; sila'y magiging ulan ng pagpapala.
27Ang punungkahoy sa parang ay magbubunga, ang lupa'y magbibigay ng kanyang pakinabang, at sila'y magiging tiwasay sa kanilang lupain. Kanilang malalaman na ako ang Panginoon, kapag aking pinutol ang bakal ng kanilang pamatok, at aking nailigtas sila sa kamay ng mga umalipin sa kanila.
28Sila'y hindi na magiging biktima ng mga bansa, o lalamunin man sila ng hayop sa lupa; kundi sila'y maninirahang tiwasay at walang mananakot sa kanila.
29Aking pagkakalooban sila ng masasaganang pananim at sila'y hindi na malilipol pa ng taggutom sa lupain, o magdaranas pa man ng pagkutya ng mga bansa.
30At kanilang malalaman na akong Panginoon nilang Diyos ay kasama nila, at sila na sambahayan ni Israel ay aking bayan, sabi ng Panginoong Diyos.
31Kayo'y mga tupa ko, mga tupa ng aking bayan, at ako'y inyong Diyos, sabi ng Panginoong Diyos.”
Kasalukuyang Napili:
EZEKIEL 34: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: