Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EZEKIEL 41

41
Ang Sukat ng Templo
1At dinala niya ako sa templo at sinukat ang mga haligi. Anim na siko ang luwang ng haligi sa magkabilang panig.
2Ang luwang ng pasukan ay sampung siko; at ang mga pader sa tagiliran ng pasukan ay limang siko sa magkabilang panig. Sinukat niya ang haba ng templo at iyon ay apatnapung siko, at ang luwang nito ay dalawampung siko.
3Nang magkagayo'y pumasok siya sa loob, at sinukat ang mga haligi sa pasukan, na ito'y dalawang siko. Ang pasukan ay anim na siko at ang luwang ng pasukan ay pitong siko.
4At sinukat niya ang haba ng silid, dalawampung siko at ang luwang ay dalawampung siko sa harapan ng templo. At sinabi niya sa akin, “Ito ang dakong kabanal-banalan.”
Ang mga Silid na Nakadikit sa Pader
5Nang magkagayo'y sinukat niya ang pader ng bahay, anim na siko ang kapal; at ang luwang ng bawat tagilirang silid, apat na siko, sa palibot ng templo.
6At ang mga tagilirang silid ay tatlong palapag, patung-patong at tatlumpu sa bawat palapag. Mayroong mga suhay sa palibot ng pader ng bahay upang magsilbing haligi para sa mga tagilirang-silid, upang ang mga ito ay hindi pabigat sa pader ng bahay.
7At ang mga tagilirang silid ay papaluwang habang paitaas nang paitaas kagaya ng paglaki ng mga suhay sa bawat palapag sa palibot ng templo. Sapagkat ang paligid ng bahay ay pataas nang pataas, kaya't ang daan mula sa pinakamababang palapag hanggang sa pinakamataas na palapag sa pamamagitan ng gitnang palapag.
8Nakita ko rin na ang bahay ay may nakatayong plataporma sa palibot. Ang mga pundasyon ng mga tagilirang silid ay mayroong sukat na isang buong tambo na anim na siko ang haba.
9Ang kapal ng panlabas na pader ng mga tagilirang silid ay limang siko, at ang bahaging bukas ng plataporma ay limang siko. Sa pagitan ng plataporma ng bahay
10at ng mga silid ng patyo ay dalawampung siko sa palibot ng bahay sa bawat panig.
11Ang mga pintuan ng mga tagilirang silid ay bukas sa bahagi ng plataporma na iniwang nakabukas—isang pintuan sa hilaga at isang pintuan sa timog. Ang luwang ng naiwang bukas ay limang siko sa palibot.
Ang Gusali sa Gawing Kanluran
12Ang gusaling nakaharap sa bakuran ng bahay sa bahaging kanluran ay pitumpung siko ang luwang; at ang pader ng gusali ay limang siko ang kapal sa palibot, at ang haba niyon ay siyamnapung siko.
Ang Kabuuang Sukat ng Bahay
13Pagkatapos ay sinukat niya ang bahay, isandaang siko ang haba; ang bakuran, ang bahay at ang pader niyon, isandaang siko ang haba;
14gayundin ang luwang ng silangang harapan ng bahay at ang bakuran, isandaang siko.
Ang Bahay
15At sinukat niya ang haba ng gusali sa harapan ng bakuran na nasa likuran niyon, at ang mga galeria niyon sa magkabilang dako, isandaang siko; at ang looban ng templo at ang mga bulwagan ng looban.
16Ang mga pasukan at ang mga nasasarang bintana at ang mga galeria sa palibot sa tatlong palapag, ang katapat na pasukan ay napapaligiran ng tabla sa palibot, mula sa sahig hanggang sa mga bintana (natatakpan ang mga bintana),
17sa pagitan ng itaas ng pintuan, hanggang sa pinakaloob ng bahay, at sa labas. At sa lahat ng pader sa palibot sa loob at sa labas ay sinukat.
18Ito ay niyari ng may nakaukit na mga kerubin at mga puno ng palma, isang puno ng palma sa pagitan ng mga kerubin. Bawat kerubin ay may dalawang mukha:
19ang mukha ng isang tao na nakaharap sa puno ng palma sa isang panig, at mukha ng batang leon na nakaharap sa puno ng palma sa kabilang panig. Ang mga ito ay nakaukit sa palibot ng buong bahay.
20Mula sa sahig hanggang sa itaas ng pintuan ay may nakaukit na mga kerubin at mga puno ng palma, gayon din sa pader ng templo.
Ang Dambanang Kahoy
21Ang mga haligi ng pintuan ng patyo ay parisukat; at sa harapan ng banal na dako ang anyo ng isang haligi ay kagaya ng iba.
22Ang dambana ay kahoy, tatlong siko ang taas, at ang haba ay dalawang siko, at dalawang siko ang luwang. Ang mga sulok niyon, ang patungan at mga tagiliran ay kahoy. Sinabi niya sa akin, “Ito ang mesa na nasa harapan ng Panginoon.”
Ang mga Pinto
23Ang bulwagan at ang banal na dako ay may tigdalawang pintuan.
24Ang mga pintuan ay may tigdadalawang pinto, dalawang tiklop na pinto para sa bawat pintuan.
25Sa mga pintuan ng patyo ay nakaukit ang mga kerubin at mga puno ng palma, gaya ng nakaukit sa mga pader; at may pasukan na kahoy sa harapan ng bulwagan sa labas.
26May panloob na bintana at mga puno ng palma sa magkabilang panig, sa tagilirang pader ng bulwagan; ganito ang mga tagilirang silid ng bahay at mga pasukan.

Kasalukuyang Napili:

EZEKIEL 41: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in