EZRA 8
8
Ang mga Taong Bumalik mula sa Pagkabihag
1Ito ang mga puno ng mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at ito ang talaan ng angkan ng mga naglakbay na kasama ko mula sa Babilonia, sa panahon ng paghahari ni Haring Artaxerxes:
2Sa mga anak ni Finehas, si Gershon; sa mga anak ni Itamar, si Daniel; sa mga anak ni David, si Hatus,
3sa mga anak ni Shecanias. Sa mga anak ni Paros, si Zacarias, na kasama niyang itinala ang isandaan at limampung lalaki.
4Sa mga anak ni Pahat-moab, si Eliehoenai na anak ni Zeraias, at kasama niya'y dalawandaang lalaki.
5Sa mga anak ni Shecanias, ang anak ni Jahaziel; at kasama niya'y tatlong daang lalaki.
6Sa mga anak ni Adin, si Ebed na anak ni Jonathan; at kasama niya ay limampung lalaki.
7Sa mga anak ni Elam, si Jeshaias na anak ni Atalia, at kasama niya'y pitumpung lalaki.
8Sa mga anak ni Shefatias, si Zebadias na anak ni Micael, at kasama niya'y walumpung lalaki.
9Sa mga anak ni Joab, si Obadias na anak ni Jehiel, at kasama niya'y dalawandaan at labing walong lalaki.
10Sa mga anak ni Shelomit, ang anak ni Josifias, at kasama niya'y isandaan at animnapung lalaki.
11Sa mga anak ni Bebai, si Zacarias na anak ni Bebai, at kasama niya ay dalawampu't walong lalaki.
12Sa mga anak ni Azgad, si Johanan na anak ni Hakatan, at kasama niya ay isandaan at sampung lalaki.
13Sa mga anak ni Adonikam, na mga huling dumating, ito ang kanilang mga pangalan: Elifelet, Jeiel, at Shemaya, at kasama nila ay animnapung lalaki.
14Sa mga anak ni Bigvai, sina Utai at Zacur#8:14 o Zabud. at kasama nila ay pitumpung lalaki.
Naghanap si Ezra ng mga Levita para sa Templo
15Tinipon ko sila sa ilog na umaagos patungo sa Ahava at doo'y nagkampo kami sa loob ng tatlong araw. Habang aking sinisiyasat ang taong-bayan at ang mga pari, wala akong natagpuan doon na mga anak ni Levi.
16Nang magkagayo'y ipinasundo ko sina Eliezer, Ariel, Shemaya, Elnatan, Jarib, Elnatan, Natan, Zacarias, at si Mesulam, na mga pangunahing lalaki, at sina Joiarib at Elnatan, na mga tagapagturo,
17at isinugo ko sila kay Iddo na pangunahing lalaki sa lugar ng Casipia. Sinabi ko sa kanila na kanilang sabihin kay Iddo at sa kanyang mga kapatid na mga lingkod sa templo sa lugar ng Casipia, na sila'y magpadala sa amin ng mga tagapaglingkod sa bahay ng aming Diyos.
18At sa pamamagitan ng mabuting kamay ng aming Diyos na sumasaamin, sila ay nagdala sa amin ng isang lalaking may karunungan mula sa mga anak ni Mahli, na anak ni Levi, na anak ni Israel, si Sherebias, kasama ang kanyang mga anak na lalaki at mga kapatid, na labingwalo.
19Kasama rin si Hashabias, at pati si Jeshaias mula sa mga anak ni Merari, kasama ang kanyang mga kapatid at kanyang mga anak na lalaki, na dalawampu.
20Bukod sa dalawandaan at dalawampung mga lingkod sa templo, na ibinukod ni David at ng kanyang mga pinuno upang tumulong sa mga Levita, silang lahat ay binanggit ayon sa pangalan.
Nanguna si Ezra sa Pag-aayuno at Pananalangin
21Pagkatapos ay nagpahayag ako roon ng ayuno, sa ilog ng Ahava, upang kami'y magpakumbaba sa harapan ng aming Diyos, upang humanap sa kanya ng matuwid na daan, para sa aming sarili, at sa aming mga anak, at sa lahat ng aming mga pag-aari.
22Ako'y nahiyang humingi sa hari ng isang pangkat ng mga kawal at mga mangangabayo upang ingatan kami laban sa mga kaaway sa aming daraanan; yamang aming sinabi sa hari, “Ang kamay ng aming Diyos ay para sa kabutihan ng lahat na humahanap sa kanya, at ang kapangyarihan ng kanyang poot ay laban sa lahat ng tumatalikod sa kanya.”
23Kaya't kami'y nag-ayuno at nagsumamo sa aming Diyos dahil dito, at siya'y nakinig sa aming pakiusap.
Mga Kaloob para sa Templo
24Nang magkagayo'y ibinukod ko ang labindalawa sa mga pangunahing pari: sina Sherebias, Hashabias, gayundin ang kanilang mga kamag-anak.
25At tinimbang ko sa kanila ang pilak, ginto, at ang mga kagamitan, ang handog para sa bahay ng aming Diyos, na inihandog ng hari, ng kanyang mga tagapayo, mga pinuno at ng buong Israel na nakaharap doon.
26Aking tinimbang sa kanilang kamay ang animnaraan at limampung talentong pilak, at mga sisidlang pilak na may halagang isandaang talento, at isandaang talentong ginto,
27dalawampung mangkok na ginto na may halagang isang libong dariko, at dalawang sisidlan na pinong makinang na tanso na kasinghalaga ng ginto.
28At sinabi ko sa kanila, “Kayo'y banal sa Panginoon, ang mga kagamitan ay banal, at ang pilak at ginto ay kusang-loob na handog sa Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno.
29Bantayan ninyo at ingatan ang mga ito hanggang sa inyong matimbang sa harapan ng mga punong pari, ng mga Levita, at ng mga puno ng mga sambahayan ng Israel sa Jerusalem, sa loob ng mga silid ng bahay ng Panginoon.”
30Sa gayo'y tinanggap ng mga pari at ng mga Levita ang timbang ng pilak, ginto, at ng mga kagamitan, upang dalhin sa Jerusalem, sa bahay ng aming Diyos.
Ang Pagbabalik sa Jerusalem
31Pagkatapos ay umalis kami sa ilog ng Ahava nang ikalabindalawang araw ng unang buwan, upang pumunta sa Jerusalem. Ang kamay ng aming Diyos ay kasama namin, at kanyang iniligtas kami sa kamay ng kaaway at sa mga pagtambang sa daan.
32Dumating kami sa Jerusalem at namalagi roon sa loob ng tatlong araw.
33Sa ikaapat na araw, sa loob ng bahay ng aming Diyos, ang pilak, ginto at ang mga kagamitan ay tinimbang sa kamay ng paring si Meremot, na anak ni Urias at kasama niya si Eleazar na anak ni Finehas, at kasama nila ang mga Levitang si Jozabad na anak ni Jeshua, at si Noadias na anak ni Binui.
34Ang kabuuan ay binilang at tinimbang, at ang timbang ng lahat ay itinala.
35Nang panahong iyon, ang mga dumating mula sa pagkabihag, ang mga bumalik na ipinatapon ay nag-alay ng handog na sinusunog sa Diyos ng Israel, labindalawang toro para sa buong Israel, siyamnapu't anim na lalaking tupa, pitumpu't pitong kordero, at labindalawang kambing na lalaki bilang handog pangkasalanan. Lahat ng ito'y handog na sinusunog sa Panginoon.
36Ibinigay rin nila ang mga bilin ng hari sa mga tagapamahala ng hari, at sa mga gobernador ng lalawigan sa kabila ng Ilog; at kanilang tinulungan ang taong-bayan at ang bahay ng Diyos.
Kasalukuyang Napili:
EZRA 8: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: