Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. Ang lupa ay walang anyo at walang laman, at binalot sa kadiliman ang kalaliman samantalang ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng mga tubig. At sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag,” at nagkaroon ng liwanag. Nakita ng Diyos na ang liwanag ay mabuti, at ibinukod ng Diyos ang liwanag sa kadiliman. Tinawag ng Diyos ang liwanag na Araw, at ang kadiliman ay tinawag niyang Gabi. Nagkaroon ng gabi at nagkaroon ng umaga nang unang araw. Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig at paghiwalayin nito ang tubig.” Ginawa ng Diyos ang kalawakan at ibinukod ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan. At ito ay nangyari. Tinawag ng Diyos ang kalawakan na Langit. Nagkaroon ng gabi at nagkaroon ng umaga nang ikalawang araw. Sinabi ng Diyos, “Magtipon ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako at hayaang lumitaw ang lupa.” At ito ay nangyari.
Basahin GENESIS 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 1:1-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas