HEBREO 8
8
Ang Tagapamagitan ng Mas Mabuting Tipan
1Ngayon,#Awit 110:1 ang pangunahing bagay na aming sinasabi ay ito: Mayroon tayong gayong Pinakapunong Pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kamahalan sa kalangitan,
2isang ministro sa santuwaryo at sa tunay na tabernakulo na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.
3Sapagkat itinalaga ang bawat pinakapunong pari upang maghandog ng mga kaloob at ng mga alay. Kaya't kailangan din namang siya'y magkaroon ng kanyang ihahandog.
4Kaya't kung siya'y nasa lupa, hindi siya maaaring maging pari, sapagkat mayroon nang mga paring naghandog ng mga kaloob ayon sa kautusan.
5Sila'y#Exo. 25:40 naglilingkod sa anyo at anino ng makalangit na santuwaryo; sapagkat si Moises ay binalaan ng Diyos nang malapit na niyang itayo ang tabernakulo, “Tiyakin mo na iyong gagawin ang lahat ng mga bagay ayon sa huwarang ipinakita sa iyo sa bundok.”
6Subalit ngayo'y nagtamo si Cristo#8:6 Sa Griyego ay siya. ng ministeryong higit na marangal, yamang siya'y tagapamagitan sa isang higit na mabuting tipan na pinagtibay sa higit na mabubuting pangako.
7Sapagkat kung ang unang tipang iyon ay walang kapintasan, hindi na sana kailangang humanap pa ng pangalawa.
8Sapagkat#Jer. 31:31-34 (LXX) nang makakita ang Diyos#8:8 Sa Griyego ay siya. ng kapintasan sa kanila, ay sinabi niya,
“Ang mga araw ay tiyak na darating, sabi ng Panginoon,
na ako'y gagawa ng isang bagong tipan sa sambahayan ni Israel
at sa sambahayan ni Juda,
9hindi ayon sa tipang aking ginawa sa kanilang mga ninuno,
nang araw na hawakan ko sila sa kamay, upang sila'y ihatid papalabas sa lupain ng Ehipto,
sapagkat sila'y hindi nagpatuloy sa aking tipan,
kaya't ako'y hindi nagmalasakit sa kanila, sabi ng Panginoon.
10Ito ang tipang aking gagawin sa sambahayan ni Israel
pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon:
ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pag-iisip,
at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga puso,
at ako'y magiging Diyos nila,
at sila'y magiging bayan ko.
11At hindi magtuturo ang bawat isa sa kanila sa kanyang kababayan,
o magsasabi ang bawat isa sa kanyang kapatid, ‘Kilalanin mo ang Panginoon,’
sapagkat ako'y makikilala nilang lahat,
mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila sa kanila.
12Sapagkat ako'y magiging mahabagin sa kanilang mga kasamaan,
at ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.”
13Sa pagsasalita tungkol sa “bagong tipan,” ginawa niyang lipas na ang una. At ang ginawang lipas na at tumatanda ay malapit nang maglaho.
Kasalukuyang Napili:
HEBREO 8: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: