HOSEAS 12
12
1Ang Efraim ay nanginginain sa hangin,
at humahabol sa hanging silangan sa buong araw;
sila'y nagpaparami ng mga kabulaanan at karahasan;
sila'y nakikipagkasundo sa Asiria,
at nagdadala ng langis sa Ehipto.
2Ang Panginoon ay may paratang laban sa Juda,
at parurusahan ang Jacob ayon sa kanyang mga lakad;
at pagbabayarin siya ayon sa kanyang mga gawa.
3Sa#Gen. 25:26 #Gen. 32:24-26 sinapupunan ay kanyang hinawakan sa sakong ang kanyang kapatid;
at sa kanyang pagkabinata ay nakipagbuno siya sa Diyos.
4Siya'y#Gen. 28:10-22 nakipagbuno sa anghel, at nanaig;
siya'y tumangis, at humiling ng pagpapala niya.
Nakatagpo niya siya sa Bethel,
at doo'y nakipag-usap siya sa kanya.#12:4 Sa Hebreo ay atin.
5Ang Panginoon, ang Diyos ng mga hukbo;
Panginoon ang kanyang pangalan!
6Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Diyos,
mag-ingat ng kabutihang-loob at katarungan,
at hintayin mong lagi ang iyong Diyos.
7Isang mangangalakal na may timbangang madaya sa kanyang mga kamay,
maibigin siya sa pang-aapi.
8At sinabi ng Efraim, “Tunay na ako'y mayaman,
ako'y nagkamal ng kayamanan para sa aking sarili;
sa lahat ng aking pakinabang
walang natagpuang paglabag sa akin
na masasabing kasalanan.”
9Ngunit#Lev. 23:42, 43 ako ang Panginoon mong Diyos
mula sa lupain ng Ehipto;
muli kitang patitirahin sa mga tolda,
gaya sa mga araw ng takdang kapistahan.
10Ako ay nagsalita sa mga propeta,
at ako ang nagparami ng mga pangitain;
at sa pamamagitan ng mga propeta ay nagbigay ako ng mga talinghaga.
11Sa Gilead ba'y may kasamaan?
Sila'y pawang walang kabuluhan.
Sa Gilgal ay naghahandog sila ng mga toro;
ang kanilang mga dambana ay parang mga bunton
sa mga lupang binungkal sa bukid.
12Si#Gen. 29:1-20 Jacob ay tumakas patungo sa lupain ng Aram,
at doon ay naglingkod si Israel dahil sa isang asawa,
at dahil sa isang asawa ay nag-alaga siya ng mga tupa.
13Sa#Exo. 12:50, 51 pamamagitan ng isang propeta ay iniahon ng Panginoon ang Israel mula sa Ehipto,
at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y napangalagaan.
14Ang Efraim ay nagbigay ng mapait na galit,
kaya't ibababa ng kanyang Panginoon ang mga kasamaan niya sa kanya
at pagbabayarin siya sa kanyang mga panlalait.
Kasalukuyang Napili:
HOSEAS 12: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: