HOSEAS 3
3
Si Hoseas at ang Babaing Mangangalunya
1At sinabing muli ng Panginoon sa akin, “Humayo ka uli, ibigin mo ang isang babae na minamahal ng kanyang asawa, bagama't isang mangangalunya, kung paanong iniibig ng Panginoon ang mga anak ni Israel, bagaman sila'y bumaling sa ibang mga diyos, at gustong-gusto ang mga tinapay na may pasas.”
2Sa gayo'y binili ko siya sa halagang labinlimang siklong pilak, isang omer na sebada, at ng isang takal na alak.
3At sinabi ko sa kanya, “Dapat kang manatiling akin sa loob ng maraming araw. Huwag kang maging bayarang babae,#3:3 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. o pipisan sa ibang lalaki, at magiging gayon din ako sa iyo.”
4Sapagkat ang mga anak ni Israel ay mananatili nang maraming araw na walang hari, at walang prinsipe, walang alay at walang haligi, walang efod o terafim.
5Pagkatapos ang mga anak ni Israel ay manunumbalik at hahanapin nila ang Panginoon nilang Diyos at si David na kanilang hari. Darating silang may takot sa Panginoon at sa kanyang kabutihan sa mga huling araw.
Kasalukuyang Napili:
HOSEAS 3: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: