ISAIAS 2
2
Kapayapaang Walang Hanggan
(Mik. 4:1-3)
1Ang salita na nakita ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem.
2At mangyayari sa mga huling araw,
na ang bundok ng bahay ng Panginoon
ay matatatag bilang pinakamataas sa mga bundok,
at itataas sa ibabaw ng mga burol;
at lahat ng bansa ay pupunta roon.
3Maraming tao ang darating at magsasabi:
“Halina kayo, at tayo'y umahon sa bundok ng Panginoon,
sa bahay ng Diyos ni Jacob;
upang turuan niya tayo ng kanyang mga daan,
at tayo'y lumakad sa kanyang mga landas.”
Sapagkat mula sa Zion ay lalabas ang tagubilin,
at ang salita ng Panginoon mula sa Jerusalem.
4Kanyang#Joel 3:10; Mik. 4:3 hahatulan ang mga bansa,
at magpapasiya para sa maraming tao;
at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod,
at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit;
ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa,
o matututo pa ng pakikipagdigma.
5O sambahayan ni Jacob,
halikayo at tayo'y lumakad
sa liwanag ng Panginoon.
Wawakasan ang Kapalaluan
6Sapagkat tinanggihan mo ang iyong bayan,
ang kay Jacob na sambahayan,
sapagkat sila'y punô ng mga manghuhula mula sa silangan,
at mga mangkukulam na gaya ng mga Filisteo,
at sila'y nakikipagkamay sa mga anak ng mga dayuhan.
7Ang kanilang lupain naman ay punô ng pilak at ginto,
at walang katapusan ang kanilang mga kayamanan;
ang kanila namang lupain ay punô ng mga kabayo,
at ang kanilang mga karwahe ay wala ring katapusan.
8Ang kanilang lupain ay punô ng mga diyus-diyosan;
kanilang sinasamba ang gawa ng kanilang mga kamay,
na ginawa ng kanilang sariling mga daliri.
9Kaya't ang tao ay hinahamak
at ang mga tao ay ibinababa—
huwag mo silang patawarin!
10Pumasok#Apoc. 6:15; 2 Tes. 1:9 ka sa malaking bato,
at magkubli ka sa alabok,
mula sa pagkatakot sa Panginoon
at sa karangalan ng kanyang kamahalan.
11Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay ibababa,
at ang kapalaluan ng mga tao ay pangungumbabain,
at ang Panginoon lamang ang itataas
sa araw na iyon.
12Sapagkat may araw ang Panginoon ng mga hukbo
laban sa lahat ng palalo at mapagmataas,
laban sa lahat ng itinaas at ito'y ibababa;
13laban sa lahat ng sedro ng Lebanon,
na matayog at mataas;
at laban sa lahat ng ensina ng Basan;
14laban sa lahat ng matataas na bundok,
at laban sa lahat ng mga burol na matayog,
15laban sa bawat matayog na tore,
at laban sa bawat matibay na pader,
16laban sa lahat ng mga sasakyang-dagat ng Tarsis,
at laban sa lahat ng magagandang barko.
17At ang kahambugan ng tao ay hahamakin,
at ang pagmamataas ng mga tao ay ibababa;
at ang Panginoon lamang ang itataas sa araw na iyon.
18Ang mga diyus-diyosan ay mapapawing lubos.
19Ang mga tao ay papasok sa mga yungib ng malalaking bato,
at sa mga butas ng lupa,
sa harapan ng pagkatakot sa Panginoon,
at sa karangalan ng kanyang kamahalan,
kapag siya'y bumangon upang yanigin ang lupa.
20Sa araw na iyon ay ihahagis ng mga tao
ang kanilang mga diyus-diyosang pilak, at ang kanilang mga diyus-diyosang ginto,
na kanilang ginawa upang sambahin,
sa mga daga at mga paniki;
21upang pumasok sa mga siwang ng malalaking bato,
at sa mga bitak ng mga bangin,

22Layuan ninyo ang tao,
na ang hinga ay nasa kanyang ilong,
sapagkat ano siya para pahalagahan?
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 2: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: