ISAIAS 38
38
Nagkasakit si Hezekias
(2 Ha. 20:1-11; 2 Cro. 32:24-26)
1Nang mga araw na iyon, nagkasakit si Hezekias at halos mamamatay na siya. At si Isaias na propeta na anak ni Amoz ay pumunta sa kanya, at nagsabi sa kanya, “Ganito ang sabi ng Panginoon: Ayusin mo ang iyong sambahayan; sapagkat ikaw ay mamamatay, at hindi ka na mabubuhay.”
2Nang magkagayo'y ibinaling ni Hezekias ang kanyang mukha sa dingding, at nanalangin sa Panginoon.
3Kanyang sinabi, “Alalahanin mo, O Panginoon, ipinapakiusap ko sa iyo, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo ng may katapatan at buong puso, at gumawa ng mabuti sa iyong paningin.” At si Hezekias ay umiyak na may kapaitan.
4Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon kay Isaias:
5“Humayo ka at sabihin mo kay Hezekias, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ni David na iyong ama: Aking narinig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha; narito, aking daragdagan ng labinlimang taon ang iyong buhay.
6At aking ililigtas ka at ang lunsod na ito sa kamay ng hari ng Asiria, at ipagtatanggol ko ang lunsod na ito.
7“Ito ang magiging tanda sa iyo mula sa Panginoon, na gagawin ng Panginoon ang bagay na ito na kanyang ipinangako:
8Narito, aking pababalikin ang anino sa mga baytang na pinababa sa mga baytang ni Ahaz sa pamamagitan ng araw ng sampung baytang.” Sa gayo'y umurong ang anino ng araw ng sampung baytang sa mga baytang na binabaan nito.
9Ang sulat ni Hezekias na hari sa Juda, nang siya'y magkasakit, at gumaling sa kanyang sakit:
10Aking sinabi, Sa kalagitnaan ng aking buhay ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol.
Ako'y pinagkaitan sa mga nalalabi kong mga taon.
11Aking sinabi, hindi ko makikita ang Panginoon,
sa lupain ng nabubuhay;
hindi ko na makikita pa ang tao,
na kasama ng mga naninirahan sa sanlibutan.
12Ang tirahan ko'y binunot, at inilayo sa akin
na gaya ng tolda ng pastol;
gaya ng manghahabi ay binalumbon ko ang aking buhay;
kanyang ihihiwalay ako sa habihan;
mula sa araw hanggang sa kinagabihan ay tatapusin mo ako.
13Hanggang sa kinaumagahan, ako'y humingi ng saklolo,
katulad ng leon ay binali niya ang lahat kong mga buto;

14Gaya ng langay-langayan o ng tagak ay humihibik ako;
ako'y tumatangis na parang kalapati.
Ang aking mga mata ay nangangalumata sa pagtingala;
O Panginoon, naaapi ako, ikaw nawa'y maging katiwasayan ko!
15Ngunit ano ang aking masasabi? Sapagkat siya'y nagsalita sa akin,
at kanya namang ginawa.
Lahat ng tulog ko ay nakatakas,
dahil sa paghihirap ng aking kaluluwa.
16O Panginoon, sa pamamagitan ng mga bagay na ito, nabubuhay ang mga tao;
at nasa lahat ng ito ang buhay ng aking espiritu.
Kaya't ibalik mo ang aking lakas, at ako'y buhayin mo!
17Narito, tiyak na para sa aking kapakanan
ay nagtamo ako ng malaking kahirapan;
ngunit iyong pinigil ang aking buhay
mula sa hukay ng pagkawasak,
sapagkat iyong itinapon ang lahat ng aking mga kasalanan
sa iyong likuran.
18Sapagkat hindi ka maaaring pasalamatan ng Sheol,
hindi ka maaaring purihin ng kamatayan!
Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makakaasa
sa iyong katapatan.
19Ang buháy, ang buháy, siya'y nagpapasalamat sa iyo,
gaya ng ginagawa ko sa araw na ito;
ipinaalam ng ama sa mga anak
ang iyong katapatan.
20Ang Panginoon ang magliligtas sa akin,
at kami ay aawit sa saliw ng mga panugtog na kawad,
sa lahat ng araw ng aming buhay
sa bahay ng Panginoon.
21Sinabi ni Isaias, “Magsikuha sila ng isang kimpal na igos, at ilagay na tapal sa bukol upang siya'y gumaling.”
22Sinabi rin ni Hezekias, “Ano ang tanda na ako'y aakyat sa bahay ng Panginoon?”
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 38: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: