ISAIAS 44
44
Walang Ibang Diyos
1“Ngunit ngayo'y pakinggan mo, O Jacob na aking lingkod,
at Israel na aking pinili!
2Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo,
at mula sa sinapupunan ay nagbigay sa iyo ng anyo, na siyang tutulong sa iyo:
Huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod;
Jeshurun, na aking pinili.
3Sapagkat bubuhusan ko ng tubig ang uhaw na lupa,
at ng mga bukal ang tuyong lupa;
aking ibubuhos ang aking Espiritu sa lahi mo,
at ang aking pagpapala sa mga anak mo.
4Sila'y sisibol sa gitna ng mga damo, gaya ng sauce,
tulad ng mga halaman sa dumadaloy na batis.
5Sasabihin ng isang ito, ‘Ako'y sa Panginoon,’
at tatawaging Jacob ng iba ang kanyang sarili,
at isusulat ng iba sa kanyang kamay, ‘Sa Panginoon,’
at tatawagin ang kanyang sarili sa pangalang Israel.”
6Ganito#Isa. 48:12; Apoc. 1:17; 2:8; 22:13 ang sabi ng Panginoon, ang Hari ng Israel,
at ng kanyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo:
“Ako ang una at ang huli;
at liban sa akin ay walang Diyos.
7At sino, na gaya ko, tatawag, at magpapahayag,
at mag-aayos sa ganang akin,
mula nang aking itatag ang matandang bayan?
At ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.
8Kayo'y huwag matakot, o mangilabot man
hindi ko ba ipinahayag sa iyo nang una, at sinabi iyon?
At kayo ang aking mga saksi!
May Diyos ba liban sa akin?
Oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.”
Walang Kabuluhang Pagtitiwala
9Lahat ng gumagawa ng mga diyus-diyosan ay walang kabuluhan, at ang mga bagay na kanilang kinalulugdan ay hindi mapapakinabangan. At ang kanilang mga saksi ay hindi nakakakita ni nakakaalam, upang sila'y mapahiya.
10Sino ang nag-anyo sa isang diyos, o naghulma ng larawang inanyuan, na di pakikinabangan sa anuman?
11Narito, lahat ng kanyang kasama ay mapapahiya; ang mga manggagawa ay mga tao lamang. Hayaang magtipon silang lahat, hayaan silang magsitayo; sila'y matatakot, sila'y sama-samang mapapahiya.
12Ang panday na may kagamitang bakal ay gumagawa nito sa mga baga, at sa pamamagitan ng mga pamukpok, siya'y humuhugis sa pamamagitan ng malakas na bisig. Siya'y nagugutom, at ang kanyang lakas ay nawawala, siya'y hindi umiinom ng tubig, at nanghihina.
13Ang karpintero ay nag-uunat ng isang pising panukat, kanyang tinatandaan iyon ng lapis, kanyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam at tinatandaan ng mga kompas. Hinuhugisan niya ito ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang manirahan sa bahay.
14Pumuputol siya para sa kanya ng mga sedro, at kumukuha siya ng puno ng roble at ng ensina, pinapatibay niya para sa kanya sa gitna ng mga punungkahoy sa gubat. Siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at pinalalago iyon ng ulan.
15Pagkatapos iyon ay magiging panggatong para sa tao; kumukuha siya ng bahagi nito upang ipagpainit sa sarili. Siya'y nagsisindi ng apoy at nagluluto ng tinapay. Gagawa rin siya ng isang diyos, at sasambahin iyon; ginagawa niya itong larawang inanyuan at lumuluhod sa harapan niyon.
16Kanyang iginagatong ang kalahati niyon sa apoy, at ang kalahati nito ay ikinakain niya ng karne, siya'y nag-iihaw ng iihawin at nasisiyahan. Siya'y nagpapainit din at nagsasabi, “Aha, ako'y naiinitan, aking nakikita ang apoy!”
17At ang nalabi ay ginagawa niyang diyos, ang kanyang diyus-diyosan. Kanya itong niluluhuran at sinasamba, dinadalanginan, at nagsasabi, “Iligtas mo ako; sapagkat ikaw ay aking diyos!”
18Hindi nila nalalaman, o nauunawaan man; sapagkat ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag makakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang makaunawa.
19At walang nakakaalala o mayroon mang kaalaman, o pang-unawa upang magsabi, “Aking sinunog ang kalahati niyon sa apoy; ako ay nagluto din ng tinapay sa mga baga niyon; ako'y nag-ihaw ng karne at kinain ko; at gagawin ko ba ang nalabi niyon na kasuklamsuklam? Magpapatirapa ba ako sa isang pirasong kahoy?”
20Siya'y kumakain ng abo; iniligaw siya ng nadayang kaisipan, at hindi niya mailigtas ang kanyang kaluluwa, o makapagsabi, “Wala bang kasinungalingan sa aking kanang kamay?”
Ang Tagapagligtas ng Israel
21Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, O Jacob,
at Israel, sapagkat ikaw ay aking lingkod;
aking inanyuan ka, ikaw ay aking lingkod;
O Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.
22Aking pinawi na parang ulap ang mga pagsuway mo,
at ang iyong mga kasalanan na gaya ng ambon,
manumbalik ka sa akin sapagkat ikaw ay tinubos ko.
23Umawit ka, O langit, sapagkat ginawa iyon ng Panginoon;
kayo'y sumigaw, O mga mababang bahagi ng lupa;
kayo'y biglang mag-awitan, O mga bundok,
O gubat, at bawat punungkahoy doon!
Sapagkat tinubos ng Panginoon ang Jacob,
at luluwalhatiin ang kaniyang sarili sa Israel.
24Ganito ang sabi ng Panginoon, ang iyong Manunubos,
at nag-anyo sa iyo mula sa sinapupunan:
“Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay;
na mag-isang nagladlad ng mga langit,
na naglatag ng lupa—sinong kasama ko?
25na#1 Cor. 1:20 bumibigo sa mga tanda ng mga sinungaling,
at ginagawang hangal ang mga manghuhula;
na nagpapaurong sa mga pantas,
at ginagawang kahangalan ang kanilang kaalaman;
26na nagpapatunay sa salita ng kanyang lingkod,
at nagsasagawa ng payo ng kanyang mga sugo;
na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, ‘Siya'y paninirahan;’
at tungkol sa mga lunsod ng Juda, ‘Matatayo sila,
at aking ibabangon ang kanilang pagkaguho.’
27Na nagsasabi sa kalaliman, ‘Ikaw ay matuyo,
aking tutuyuin ang iyong mga ilog;’
28na#2 Cro. 36:23; Ezra 1:2 nagsasabi tungkol kay Ciro, ‘Siya'y aking pastol,
at kanyang tutuparin ang lahat ng aking kaligayahan’;
na nagsasabi tungkol sa Jerusalem, ‘Siya'y matatayo,’
at sa templo, ‘Ang iyong pundasyon ay ilalagay.’”
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 44: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: