ISAIAS 58
58
Ang Tumpak na Pag-aayuno
1“Sumigaw ka nang malakas, huwag kang magpigil,
ilakas mo ang iyong tinig na parang trumpeta;
at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsuway,
at sa sambahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.
2Gayunma'y hinahanap nila ako araw-araw,
at kinalulugdan nilang malaman ang aking mga daan;
na parang sila'y isang bansa na gumawa ng kabutihan,
at ang tuntunin ng kanilang Diyos ay hindi tinalikuran;
hinihingan nila ako ng matutuwid na kahatulan,
sila'y nalulugod sa paglapit sa Diyos.
3‘Bakit kami ay nag-ayuno, at hindi mo nakikita?
Bakit hindi mo napapansin ang aming pagpapakumbaba?’
Sa araw ng inyong pag-aayuno ay hinahanap ninyo ang inyong sariling kalayawan,
at inyong pinahihirapan ang lahat ninyong mga manggagawa.
4Narito, kayo'y nag-aayuno upang makipag-away at makipagtalo,
at upang manakit ng masamang kamao.
Hindi kayo nag-aayuno sa araw na ito,
upang maiparinig ang inyong tinig sa itaas.
5Iyan ba ang ayuno na aking pinili?
Isang araw upang magpakumbaba ang tao sa kanyang sarili?
Iyon ba'y ang iyuko ang kanyang ulo na parang yantok,
at maglatag ng damit-sako at abo sa ilalim niya?
Iyo bang tatawagin ito na ayuno,
at araw na katanggap-tanggap sa Panginoon?
6“Hindi ba ito ang ayuno na aking pinili:
na kalagin ang mga tali ng kasamaan,
na kalasin ang mga panali ng pamatok,
na palayain ang naaapi,
at baliin ang bawat pamatok?
7Hindi#Mt. 25:34 ba ito ay upang ibahagi ang iyong tinapay sa nagugutom,
at dalhin sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan?
Kapag nakakita ka ng hubad, iyong bihisan;
at huwag kang magkubli sa iyong sariling laman?
8Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga,
at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw;
at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo;
ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay sa likod.
9Kung magkagayo'y tatawag ka at ang Panginoon ay sasagot;
ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako.
“Kung iyong alisin sa gitna mo ang pamatok,
ang pang-alipusta, at ang pagsasalita ng masama;
10kung magmamagandang-loob ka sa gutom,
at iyong tugunin ang nais ng nagdadalamhati,
kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman,
at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang-tapat.
11At patuloy na papatnubayan ka ng Panginoon,
at masisiyahan ang iyong kaluluwa sa tuyong dako,
at palalakasin ang iyong mga buto;
at ikaw ay magiging parang halamanang nadilig,
at parang bukal na ang tubig ay hindi nauubos.
12At mula sa inyo ay itatayo ang dating sirang dako;
ikaw ay magbabangon ng mga saligan ng maraming salinlahi;
at ikaw ay tatawaging tagapag-ayos ng sira,
ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan.
13“Kapag iyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath,
sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw;
at iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan,
at marangal ang banal na araw ng Panginoon,
at ito'y iyong pinarangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad,
ni hahanap ng iyong sariling kalayawan ni magsasalita ng iyong mga salita;
14kung magkagayo'y malulugod ka sa Panginoon,
at pasasakayin kita sa mga matataas na dako sa lupa;
at pakakainin kita ng mana ni Jacob na iyong ama,
sapagkat sinalita ng bibig ng Panginoon.”
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 58: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: