ISAIAS 64
64
1O buksan mo sana ang langit at ikaw ay bumaba,
upang ang mga bundok ay mayanig sa iyong harapan—
2gaya nang kapag tinutupok ng apoy ang kakahuyan,
at pinakukulo ng apoy ang tubig—
upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway,
at upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan!
3Nang ikaw ay gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay,
ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay nayanig sa iyong harapan.
4Sapagkat#1 Cor. 2:9 hindi narinig ng mga tao mula nang una,
o naulinigan man ng pandinig,
o ang mata man ay nakakita ng Diyos liban sa iyo,
na gumagawa para sa mga naghihintay sa kanya.
5Iyong sinasalubong siya na nagagalak na gumagawa ng katuwiran,
ang mga umaalala sa iyo sa iyong mga daan.
Narito, ikaw ay nagalit, at kami ay nagkasala;
matagal na panahon na kami sa aming mga kasalanan, at maliligtas ba kami?
6Kaming lahat ay naging gaya ng isang marumi,
at ang lahat naming katuwiran ay naging parang maruming kasuotan.
Kaming lahat ay nalalantang gaya ng dahon,
at tinatangay kami ng aming mga kasamaan na parang hangin.
7At walang tumatawag sa iyong pangalan,
na gumigising upang sa iyo ay manangan;
sapagkat ikinubli mo ang iyong mukha sa amin,
at ibinigay mo kami sa kamay ng aming mga kasamaan.
8Ngunit ngayon, O Panginoon, ikaw ay aming Ama;
kami ang luwad, at ikaw ang aming magpapalayok;
at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.
9Huwag kang lubhang magalit, O Panginoon,
at huwag mong alalahanin ang kasamaan magpakailanman.
Narito, tingnan mo, ngayon kaming lahat ay iyong bayan.
10Ang iyong mga lunsod na banal ay naging ilang,
ang Zion ay naging giba,
ang Jerusalem ay sira.
11Ang aming banal at magandang bahay,
kung saan ka pinuri ng aming mga magulang
ay nasunog sa apoy;
at lahat naming mahahalagang bagay ay nasira.
12Magpipigil ka ba sa mga bagay na ito, O Panginoon?
Ikaw ba'y tatahimik, at paghihirapan mo kaming mabuti?
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 64: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: