ISAIAS 66
66
Ang Paghatol ng Panginoon sa mga Bansa
1Ganito#Mt. 5:34; 23:22; Mt. 5:35 #Gw. 7:49, 50 ang sabi ng Panginoon:
“Ang langit ay aking trono,
at ang lupa ay aking tuntungan.
Ano ang bahay na inyong itatayo para sa akin?
At ano ang dako ng aking pahingahan?
2Sapagkat lahat ng mga bagay na ito ay nilikha ng aking kamay,
kaya't nangyari ang lahat ng mga bagay na ito, sabi ng Panginoon.
Ngunit ito ang taong aking titingnan,
siya na mapagpakumbaba at may nagsisising diwa,
at nanginginig sa aking salita.
3“Ang kumakatay ng baka ay gaya ng pumapatay ng tao;
ang nag-aalay ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso;
ang nag-aalay ng butil na handog ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy;
ang naghahandog ng kamanyang bilang pinakaalaala ay gaya ng pumupuri sa isang diyus-diyosan.
Pinili ng mga ito ang kanilang sariling mga lakad,
at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam.
4Pipili rin ako ng kapighatian para sa kanila,
at dadalhan ko sila ng kanilang takot;
sapagkat nang ako'y tumawag, walang sumagot,
nang ako'y magsalita ay hindi sila nakinig;
kundi sila'y gumawa sa aking paningin ng kasamaan,
at pinili ang hindi ko kinaluluguran.”
5Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon,
kayo na nanginginig sa kanyang salita:
“Ang inyong mga kapatid na namumuhi sa inyo
na nagtatakuwil sa inyo alang-alang sa aking pangalan,
ang nagsabi, ‘Luwalhatiin ang Panginoon,
upang makita namin ang inyong kagalakan;’
ngunit sila ay mapapahiya.
6“May tinig ng kaguluhan mula sa lunsod!
Isang tinig na mula sa templo!
Ang tinig ng Panginoon,
na naggagawad ng ganti sa kanyang mga kaaway!
7“Bago#Apoc. 12:5 siya nagdamdam,
siya'y nanganak;
bago dumating ang kanyang paghihirap,
siya'y nanganak ng isang lalaki.
8Sinong nakarinig ng ganyang bagay?
Sinong nakakita ng ganyang mga bagay?
Ipapanganak ba ang lupain sa isang araw?
Ilalabas ba sa isang sandali ang isang bansa?
Sapagkat sa pasimula pa lamang ng pagdaramdam ng Zion,
ay isinilang niya ang kanyang mga anak.
9Bubuksan ko ba ang bahay-bata at hindi ko paaanakin?
sabi ng Panginoon;
ako ba na nagpapaanak ang siyang magsasara ng bahay-bata?
sabi ng iyong Diyos.
10“Kayo'y magalak na kasama ng Jerusalem, at matuwa dahil sa kanya,
kayong lahat na umiibig sa kanya;
magalak kayong kasama niya sa katuwaan,
kayong lahat na tumatangis dahil sa kanya;
11upang kayo'y makasuso at mabusog
mula sa kanyang nakaaaliw na mga suso;
upang kayo'y ganap na makasipsip na may kasiyahan
mula sa kasaganaan ng kanyang kaluwalhatian.”
12Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon:
“Narito, ako'y magbibigay ng kapayapaan sa kanya na parang isang ilog,
at ng kaluwalhatian ng mga bansa ay parang umaapaw na batis;
at inyong sususuhin; kayo'y kakalungin sa kanyang balakang,
at lilibangin sa kanyang mga tuhod.
13Gaya ng inaaliw ng kanyang ina,
gayon ko aaliwin kayo;
kayo'y aaliwin sa Jerusalem.
14Inyong makikita, at magagalak ang inyong puso;
ang inyong mga buto ay giginhawang gaya ng sariwang damo;
at malalaman na ang kamay ng Panginoon ay nasa kanyang mga lingkod,
at ang kanyang galit ay laban sa kanyang mga kaaway.
15“Sapagkat, ang Panginoon ay darating na may apoy,
at ang kanyang mga karwahe ay gaya ng ipu-ipo;
upang igawad ang kanyang galit na may poot,
at ang kanyang saway na may ningas ng apoy.
16Sapagkat sa pamamagitan ng apoy ay ilalapat ng Panginoon ang hatol,
at sa pamamagitan ng kanyang tabak sa lahat ng mga tao,
at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.
17“Silang nagpapakabanal, at nagpapakalinis upang pumaroon sa mga halamanan, na sumusunod sa nasa gitna, na kumakain ng laman ng baboy, ng kasuklamsuklam, at ng daga; sila'y sama-samang darating sa isang wakas, sabi ng Panginoon.
18“Sapagkat nalalaman ko ang kanilang mga gawa at ang kanilang mga pag-iisip. Dumarating ang panahon upang tipunin ang lahat ng bansa at ang mga may iba't ibang wika; at sila'y paroroon at makikita ang aking kaluwalhatian.
19At ako'y maglalagay ng tanda sa gitna nila. At mula sa kanila ay aking susuguin ang mga nakaligtas sa mga bansa, sa Tarsis, Put, at Lud, na humahawak ng pana, sa Tubal at Javan, sa mga pulong malayo na hindi nakarinig ng aking kabantugan, o nakakita man ng aking kaluwalhatian. At kanilang ipahahayag ang aking kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa.
20At kanilang dadalhin ang lahat ng inyong mga kapatid mula sa lahat ng bansa bilang handog sa Panginoon, na nakasakay sa mga kabayo, sa mga karwahe, sa mga duyan, at sa mga mola, at sa mga kamelyo, sa aking banal na bundok na Jerusalem, sabi ng Panginoon, gaya ng pagdadala ng mga anak ni Israel ng kanilang handog na butil sa malinis na sisidlan sa bahay ng Panginoon.
21At ang ilan sa kanila ay kukunin ko ring mga pari at mga Levita, sabi ng Panginoon.
22“Sapagkat#Isa. 65:17; 2 Ped. 3:13; Apoc. 21:1 kung paanong ang mga bagong langit
at ang bagong lupa na aking lilikhain
ay mananatili sa harapan ko, sabi ng Panginoon,
gayon mananatili ang inyong lahi, at ang inyong pangalan.
23At mula sa bagong buwan hanggang sa isa pang bagong buwan,
at mula sa isang Sabbath hanggang sa isa pang Sabbath,
paroroon ang lahat ng laman upang sumamba sa harapan ko,
sabi ng Panginoon.
24“At#Mc. 9:48 sila'y lalabas at titingin sa mga bangkay ng mga taong naghimagsik laban sa akin, sapagkat ang kanilang uod ay hindi mamamatay, o mamamatay man ang kanilang apoy; at sila'y magiging kasuklamsuklam sa lahat ng laman.
Kasalukuyang Napili:
ISAIAS 66: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: