MGA HUKOM 20
20
Nagpasiya ang Bayan na Parusahan ang mga Nagkasala
1Nang magkagayo'y lumabas ang lahat ng mga anak ni Israel mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, at ang kapulungan ay nagtipon sa Panginoon gaya ng isang tao sa Mizpa, kabilang ang lupain ng Gilead.
2Ang mga pinuno ng buong bayan, ang lahat ng mga lipi ng Israel ay humarap sa kapulungan ng bayan ng Diyos, na apatnaraang libong lalaki na humahawak ng tabak.
3(Nabalitaan ng mga anak ni Benjamin na umahon ang mga anak ni Israel sa Mizpa.) At sinabi ng mga anak ni Israel, “Sabihin ninyo sa amin kung paanong ang kasamaang ito ay nangyari?”
4Ang Levita na asawa ng babaing pinatay ay sumagot at kanyang sinabi, “Ako at ang aking asawang-lingkod ay dumating sa Gibea na sakop ng Benjamin upang magpalipas ng gabi.
5Bumangon ang mga lalaki sa Gibea laban sa akin, at kinubkob ang bahay sa palibot laban sa akin nang kinagabihan. Ako'y kanilang pinag-isipang patayin, at kanilang hinalay ang aking asawang-lingkod, at siya'y namatay.
6Kaya't aking kinuha ang aking asawang-lingkod at aking pinagputul-putol, at ipinadala ko sa buong lupain ng mana ng Israel, sapagkat sila'y gumawa ng karumaldumal at ng kahalayan sa Israel.
7Kaya't ngayon, kayong mga anak ni Israel, kayong lahat, ibigay ninyo rito ang inyong payo at pasiya rito.”
8At ang buong bayan ay tumindig na parang isang tao na nagsasabi, “Hindi babalik ang sinuman sa amin sa kanyang tolda, ni uuwi man ang sinuman sa amin sa kanyang bahay.
9Kundi ngayo'y ito ang aming gagawin sa Gibea; aahon kami laban sa kanya sa pamamagitan ng palabunutan.
10Kukuha kami ng sampung lalaki sa isandaan, sa lahat ng mga lipi ng Israel, at isandaan sa bawat isang libo, at isang libo sa bawat sampung libo, upang ipagbaon ng pagkain ang taong-bayan, upang sa kanilang pagtungo ay pagbayarin nila ang Gibea ng Benjamin ayon sa lahat ng kahihiyan na kanilang ginawa sa Israel.”
11Sa gayo'y nagtipon ang lahat ng mga lalaki ng Israel laban sa lunsod na iyon, na nagkakaisang parang isang tao.
12At nagsugo ang mga lipi ng Israel ng mga lalaki sa buong lipi ng Benjamin, na sinasabi, “Anong kasamaan ito na nangyari sa gitna ninyo?
13Ngayon nga'y ibigay ninyo ang mga lalaki, ang masasamang tao na nasa Gibea upang aming patayin sila, at alisin ang kasamaan sa Israel.” Ngunit hindi pinakinggan ng mga anak ni Benjamin ang tinig ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Israel.
14Nagtipon ang mga anak ni Benjamin sa mga lunsod na patungo sa Gibea upang lumabas sa pakikidigma laban sa mga anak ni Israel.
15Ang mga anak ni Benjamin ay bumilang nang araw na iyon sa kanilang mga bayan, ng dalawampu't anim na libong lalaki na humahawak ng tabak, bukod pa ang mga naninirahan sa Gibea na bumilang ng pitong daang piling lalaki.
16Sa kabuuan ng hukbong ito ay may pitong daang piling lalaki na kaliwete; na bawat isa'y nakakapaghagis ng bato sa isang buhok, at hindi sumasala.
17Ang mga lalaki sa Israel, bukod pa ang sa Benjamin, ay nakabilang ng apatnaraang libong lalaki na humahawak ng tabak; lahat ng mga ito ay mga lalaking mandirigma.
18At ang mga anak ni Israel ay umahon sa Bethel upang sumangguni sa Diyos; at kanilang sinabi, “Sino ang unang aahon sa amin upang makipaglaban sa mga anak ni Benjamin?” At sinabi ng Panginoon, “Ang Juda ang unang aahon.”
19Kinaumagahan, bumangon ang mga anak ni Israel, at nagkampo sa tapat ng Gibea.
20Lumabas ang mga lalaki ng Israel upang makipaglaban sa Benjamin; at humanay ang mga lalaki ng Israel sa Gibea, sa pakikipaglaban sa kanila.
21Lumabas ang mga anak ni Benjamin sa Gibea at ang napatay sa mga Israelita sa araw na iyon ay dalawampu't dalawang libong lalaki.
22Ngunit ang bayan, ang mga lalaki ng Israel ay nagpakatapang, at muling humanay sa pakikipaglaban sa dakong pinagtipunan nila nang unang araw.
23At umahon ang mga anak ni Israel, at umiyak sa harap ng Panginoon hanggang sa kinahapunan. Sila'y sumangguni sa Panginoon, na sinasabi “Lalapit ba uli ako upang makipaglaban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid?” At sinabi ng Panginoon, “Umahon ka laban sa kanila.”
24Kaya't muling sumalakay ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikalawang araw.
25At lumabas ang Benjamin sa Gibea laban sa kanila nang ikalawang araw, at nakapatay muli sa mga anak ni Israel ng labingwalong libong lalaki; lahat ng mga ito ay may sandata.
26Nang magkagayo'y umahon ang lahat ng mga anak ni Israel, ang buong bayan, bumalik sa Bethel, umiyak, at umupo roon sa harap ng Panginoon. Nag-ayuno nang araw na iyon hanggang sa gabi. Sila'y naghandog ng mga handog na sinusunog at ng mga handog pangkapayapaan sa harap ng Panginoon.
27At itinanong ng mga anak ni Israel sa Panginoon (sapagkat ang kaban ng tipan ng Diyos ay naroon nang mga araw na iyon,
28at si Finehas na anak ni Eleazar na anak ni Aaron, ang naglilingkod nang mga araw na iyon,) na sinasabi, “Lalabas ba akong muli upang makipaglaban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid, o titigil na ako?” At sinabi ng Panginoon, “Umahon ka, sapagkat bukas ay ibibigay ko siya sa iyong kamay.”
29Kaya't ang Israel ay naglagay ng mananambang sa buong palibot ng Gibea.
30At umahon ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikatlong araw, at humanay laban sa Gibea, gaya ng dati.
31Nilabanan ng mga anak ni Benjamin ang taong-bayan, at sila'y inilayo sa lunsod. Gaya ng dati, kanilang pinasimulang saktan ang taong-bayan sa mga pangunahing lansangan, na ang isa'y paahon sa Bethel, at ang isa'y sa Gibea, gayundin sa parang at nakapatay ng halos tatlumpung lalaki ng Israel.
32At inakala ng mga anak ni Benjamin, “Sila'y nagapi sa harapan natin, gaya ng una.” Ngunit sinabi ng mga anak ni Israel, “Tayo'y tumakas at ilayo natin sila mula sa bayan patungo sa mga lansangan.”
33Ang malaking bahagi ng mga Israelita ay umatras patungo sa Baal-tamar samantalang ang mga Israelita na nakaabang ay lumabas mula sa kanilang lugar, sa kanluran ng Geba.
34At dumating laban sa Gibea ang sampung libong piling lalaki ng Israel, at ang paglalaban ay tumindi, ngunit hindi nalalaman ng mga Benjaminita na ang kapahamakan ay malapit na sa kanila.
35Ginapi ng Panginoon ang Benjamin sa harap ng Israel; at ang pinatay ng mga anak ni Israel sa Benjamin nang araw na iyon ay dalawampu't limang libo at isandaang lalaki. Lahat ng mga ito ay may sandata.
Ang Benjamin ay Tinalo
36Sa gayo'y nakita ng mga anak ni Benjamin na sila'y nagapi. Binigyang kaluwagan ng mga lalaki ng Israel ang Benjamin, sapagkat sila'y umaasa sa mga nakaabang na kanilang inilagay laban sa Gibea.
37Mabilis na sumalakay ang mga nag-aabang sa Gibea at pinagtataga ang lahat ng tao sa lunsod.
38Nagkaroon ng kasunduan ang mga anak ng Israel at ang mga nakaabang, na kapag sila'y nagpailanglang ng makapal na usok mula sa bayan,
39ang mga lalaki ng Israel ay dapat humarap para sa pakikipaglaban. Noon ay pinasisimulan nang saktan at patayin ng Benjamin ang may tatlumpung lalaki ng Israel. At kanilang sinabi, “Tiyak na sila'y natalo sa harap natin gaya nang unang pakikipaglaban.”
40Ngunit nang ang hudyat na haliging usok ay magpasimulang pumailanglang mula sa bayan, ang mga Benjaminita ay lumingon sa likuran nila, at nakita nila na ang buong bayan ay nasusunog hanggang sa langit.
41Humarap ang mga lalaki ng Israel, at ang mga lalaki ng Benjamin ay natakot, sapagkat kanilang nakita na ang kasamaan ay malapit na sa kanila.
42Kaya't sila'y tumalikod papalayo sa mga lalaki ng Israel patungo sa ilang; ngunit inabutan sila ng labanan at ang mga lumabas sa mga bayan ang lumipol sa kanila sa gitna ng ilang.
43Kanilang pinalibutan ang mga Benjaminita at kanilang hinabol at kanilang inabutan sa pahingang dako hanggang sa tapat ng Gibea, sa dakong sinisikatan ng araw.
44At ang napatay sa Benjamin ay labingwalong libong lalaki; lahat ng mga ito ay mga matatapang na mga mandirigma.
45Nang sila'y lumiko at tumakas sa dakong ilang sa bato ng Rimon limang libong lalaki sa kanila ang napatay sa mga pangunahing lansangan at sila'y hinabol hanggang sa Gidom, at napatay sa kanila ang dalawang libong lalaki.
46Kaya't lahat ng napatay nang araw na iyon sa Benjamin ay dalawampu't limang libong lalaki na may sandata; lahat ng mga ito ay mga matatapang na mandirigma.
47Ngunit animnaraang lalaki ang bumalik at tumakas sa dakong ilang sa bato ng Rimon, at nanatili sa bato ng Rimon sa loob ng apat na buwan.
48Binalikan ng mga lalaki ng Israel ang mga anak ni Benjamin at sila'y pinagtataga, ang buong lunsod, ang mga tao, ang kawan, at ang lahat ng kanilang natagpuan. Bukod dito'y ang lahat ng mga bayan na kanilang natagpuan ay kanilang sinunog.
Kasalukuyang Napili:
MGA HUKOM 20: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: