JEREMIAS 13
13
Ang Pamigkis na Lino
1Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, “Humayo ka at bumili ka ng isang pamigkis na lino, at ibigkis mo sa iyong baywang at huwag mong ilubog sa tubig.”
2Kaya't bumili ako ng pamigkis ayon sa salita ng Panginoon, at inilagay ko sa aking baywang.
3At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin sa ikalawang pagkakataon, na sinasabi,
4“Kunin mo ang pamigkis na iyong binili, na nasa iyong baywang, at bumangon ka at pumunta sa Eufrates, at ikubli mo ito sa isang bitak ng malaking bato.”
5Kaya't pumunta ako, at ikinubli ko iyon sa tabi ng Eufrates gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon.
6At nangyari, pagkaraan ng maraming araw sinabi ng Panginoon sa akin, “Bumangon ka, pumunta ka sa Eufrates at kunin mo roon ang pamigkis na iniutos kong itago mo roon.”
7Pumunta nga ako sa Eufrates, at hinukay ko at kinuha ang pamigkis mula sa dakong pinagtaguan ko nito. At narito, bulok na ang pamigkis at hindi na mapapakinabangan.
8Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon na sinasabi,
9“Ganito ang sabi ng Panginoon: Sa gayon ko rin bubulukin ang kapalaluan ng Juda at ang malaking kapalaluan ng Jerusalem.
10Ang masamang bayang ito, na ayaw makinig sa mga salita ko, na may katigasang sumusunod sa kanilang puso, at sumunod sa ibang mga diyos upang paglingkuran at sambahin sila, ay magiging gaya ng pamigkis na ito, na hindi na mapapakinabangan.
11Sapagkat kung paanong ang pamigkis ay kumakapit sa baywang ng isang lalaki, gayon ko pinakapit sa akin ang buong sambahayan ng Israel at ang buong sambahayan ng Juda, sabi ng Panginoon; upang sila para sa akin ay maging isang bayan, isang pangalan, isang kapurihan at kaluwalhatian, ngunit ayaw nilang makinig.
Ang Sisidlan ng Alak
12“Kaya't sasabihin mo sa kanila ang salitang ito. ‘Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel, “Bawat sisidlan ng alak ay mapupuno ng alak:”’ At kanilang sasabihin sa iyo, ‘Hindi ba namin nalalaman na ang bawat sisidlan ng alak ay mapupuno ng alak?’
13Kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoon: Aking pupunuin ng kalasingan ang lahat ng naninirahan sa lupaing ito: ang mga hari na nakaluklok sa trono ni David, ang mga pari, ang mga propeta, at ang lahat ng naninirahan sa Jerusalem.
14At pag-uumpugin ko sila, maging ang mga magulang at ang mga anak na magkakasama, sabi ng Panginoon. Hindi ako magpapatawad, o maaawa man, o mahahabag, upang sila'y hindi ko lipulin.’”
Nagbabala si Jeremias tungkol sa Kapalaluan
15Dinggin ninyo at bigyang-pansin, huwag kayong maging palalo,
sapagkat nagsalita ang Panginoon.
16Luwalhatiin ninyo ang Panginoon ninyong Diyos,
bago siya magpadilim,
bago matisod ang inyong mga paa
sa mga madilim na bundok,
at habang kayo'y naghahanap ng liwanag,
ay gagawin niya itong anino ng kamatayan
at gagawin niya itong pusikit na kadiliman.
17Ngunit kung hindi kayo makikinig,
ang aking kaluluwa ay lihim na iiyak dahil sa inyong kapalaluan;
at ang mga mata ko ay iiyak nang mapait at dadaluyan ng mga luha,
sapagkat ang kawan ng Panginoon ay dinalang-bihag.
18Sabihin mo sa hari at sa inang reyna,
“Kayo'y magpakumbaba, kayo'y umupo,
sapagkat ang inyong magandang korona
ay bumaba na mula sa inyong ulo.”
19Ang mga bayan ng Negeb ay nasarhan,
at walang magbukas sa mga iyon,
ang buong Juda ay nadalang-bihag,
buong nadalang-bihag.
20“Itanaw ninyo ang inyong mga mata,
at masdan ninyo ang mga nanggagaling sa hilaga.
Nasaan ang kawan na ibinigay sa iyo,
ang iyong magandang kawan?
21Ano ang iyong sasabihin kapag kanilang inilagay bilang iyong puno
yaong tinuruan mo upang makipagkaibigan sa iyo?
Hindi ka ba masasaktan
gaya ng isang babae na manganganak?
22At kung iyong sasabihin sa iyong puso,
‘Bakit dumating sa akin ang mga bagay na ito?’
Dahil sa laki ng iyong kasamaan
ay itinaas ang iyong palda
at nagdaranas ka ng karahasan.
23Mababago ba ng taga-Etiopia ang kanyang balat,
o ng leopardo ang kanyang mga batik?
Kung gayon ay makakagawa rin kayo ng mabuti,
kayong mga sanay gumawa ng masama.
24Ikakalat ko kayo#13:24 Sa Hebreo ay sila. na gaya ng ipa
na itinaboy ng hangin mula sa ilang.
25Ito ang iyong kapalaran,
ang bahaging itinakda ko sa iyo, sabi ng Panginoon;
sapagkat kinalimutan mo ako,
at nagtiwala ka sa kasinungalingan.
26Ako mismo ang magtataas ng iyong palda sa ibabaw ng iyong mukha,
at ang iyong kahihiyan ay makikita.
27Nakita ko ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa,
ang iyong mga pangangalunya, at mga paghalinghing, ang kahalayan ng iyong pakikiapid,
sa mga burol sa parang.
Kahabag-habag ka, O Jerusalem!
Gaano pa katagal
bago ka maging malinis?”
Kasalukuyang Napili:
JEREMIAS 13: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: