JEREMIAS 2
2
Ang Pag-aaruga ng Diyos sa Israel
1Ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
2“Humayo ka at ipahayag mo sa pandinig ng Jerusalem na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon:
Naaalala ko ang katapatan ng iyong kabataan,
ang iyong pag-ibig bilang babaing ikakasal,
kung paanong sumunod ka sa akin sa ilang,
sa lupaing hindi hinasikan.
3Ang Israel ay banal sa Panginoon,
ang unang bunga ng kanyang ani.
Lahat ng nagsikain nito ay nagkasala,
ang kasamaan ay dumating sa kanila, sabi ng Panginoon.”
4Pakinggan mo ang salita ng Panginoon, O sambahayan ni Jacob, at lahat ng mga angkan ng sambahayan ng Israel.
5Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Anong kamalian ang natagpuan sa akin ng inyong mga magulang
upang ako'y kanilang layuan,
at sumunod sa kawalang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?
6Hindi nila sinabi, ‘Nasaan ang Panginoon
na nag-ahon sa atin mula sa lupain ng Ehipto,
na pumatnubay sa atin sa ilang,
sa lupain ng mga disyerto at mga hukay,
sa lupain ng tagtuyot at malalim na kadiliman,
sa lupaing hindi dinaanan ng sinuman
at walang taong nanirahan?’
7At dinala ko kayo sa masaganang lupain,
upang sa mga bunga ng mabubuting bagay nito kayo ay kumain.
Ngunit nang kayo'y pumasok ang lupain ko'y inyong dinungisan,
at ang aking pamana ay ginawa ninyong karumaldumal.
8Hindi sinabi ng mga pari, ‘Nasaan ang Panginoon?’
Silang nagsisihawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin;
ang mga pinuno#2:8 o mga pastol. ay sumuway sa akin,
at ang mga propeta ay nagsalita ng propesiya sa pamamagitan ni Baal,
at nagsisunod sa mga bagay na walang pakinabang.
9“Kaya't makikipagtalo pa rin ako sa inyo, sabi ng Panginoon,
at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako.
10Sapagkat tumawid kayo sa mga baybayin ng Kittim,#2:10 o Cyprus. at inyong tingnan,
at magsugo kayo sa Kedar, at magsuring mainam;
at inyong tingnan kung may nangyari nang ganitong bagay.
11Nagpalit ba ang isang bansa ng mga diyos,
bagaman sila'y hindi mga diyos?
Ngunit ipinagpalit ng bayan ko ang kanilang kaluwalhatian
sa hindi pinakikinabangan.
12Magtaka kayo, O mga langit, sa bagay na ito,
at magulat kayo, mawasak kayong lubos, sabi ng Panginoon.
13Sapagkat ang bayan ko ay gumawa ng dalawang kasamaan:
tinalikuran nila ako,
ang bukal ng mga tubig na buháy,
at gumawa para sa kanila ng mga tipunan ng tubig
na mga sirang tipunan
na hindi malagyan ng tubig.
Mga Bunga ng Kataksilan ng Israel
14“Ang Israel ba'y alipin? Siya ba'y aliping ipinanganak sa bahay?
Bakit nga siya'y naging hayop na nasila?
15Ang mga batang leon ay nagsiungal laban sa kanya,
at sila'y malakas na nagsiungal.
Winasak nila ang kanyang lupain;
ang kanyang mga lunsod ay guho, walang naninirahan.
16Bukod dito'y binasag#2:16 o inahitan. ng mga anak ng Memfis at ng Tafnes
ang bao ng iyong ulo.
17Hindi ba ikaw na rin ang nagdala nito sa iyong sarili,
dahil sa iyong pagtalikod sa Panginoon mong Diyos,
nang kanyang patnubayan ka sa daan?
18At ano ngayon ang napala mo sa pagpunta sa Ehipto,
upang uminom ng tubig ng Nilo?
O anong napala mo sa pagpunta sa Asiria,
upang uminom ng tubig ng Eufrates?
19Parurusahan ka ng iyong sariling kasamaan,
at ang iyong pagtalikod ang sa iyo'y sasaway.
Alamin mo at iyong tingnan na masama at mapait
na iyong talikuran ang Panginoon mong Diyos,
at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoong Diyos ng mga hukbo.
Tumanggi ang Israel na Sambahin ang Diyos
20“Sapagkat matagal nang panahong binasag ko ang iyong pamatok
at ang mga gapos mo'y nilagot;
ngunit iyong sinabi, ‘Hindi ako maglilingkod.’
Sapagkat sa bawat mataas na burol
at sa lilim ng bawat luntiang punungkahoy
ay yumuko kang tulad sa mahalay na babae.#2:20 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw.
21Gayunma'y itinanim kita na isang piling puno ng ubas,
na pawang dalisay na binhi.
Bakit nga naging bansot ka
at naging ligaw na ubas?
22Kahit maligo ka ng lihiya,
at gumamit ng maraming sabon,
ang mantsa ng iyong pagkakasala ay nasa harapan ko pa rin, sabi ng Panginoong Diyos.
23Paano mo nasasabi, ‘Hindi ako nadungisan,
hindi ako sumunod sa mga Baal’?
Tingnan mo ang iyong daan sa libis!
Alamin mo kung ano ang iyong ginawa!
Ikaw ay isang matuling batang kamelyo na pinagsala-salabat ang kanyang mga daan,
24isang mailap na asno na sanay sa ilang,
na sa kanyang init ay sinisinghot ang hangin!
Sinong makakapigil sa kanyang pagnanasa?
Hindi na mapapagod pa ang mga nagsisihanap sa kanya;
sa kanyang kabuwanan ay kanilang matatagpuan siya.
25Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang panyapak,
at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw.
Ngunit iyong sinabi, ‘Walang pag-asa,
sapagkat ako'y umibig sa mga dayuhan,
at ako'y susunod sa kanila!’
26“Kung paanong ang isang magnanakaw ay napapahiya kapag nahuhuli,
gayon mapapahiya ang sambahayan ni Israel;
sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga pinuno,
ang kanilang mga pari, at ang kanilang mga propeta,
27na nagsasabi sa punungkahoy, ‘Ikaw ay aking ama;’
at sa bato, ‘Ipinanganak mo ako.’
Sapagkat sila'y tumalikod sa akin,
at hindi ang kanilang mukha.
Ngunit sa panahon ng kanilang kaguluhan ay sinasabi nila,
‘Bumangon ka at iligtas mo kami!’
28Ngunit nasaan ang iyong mga diyos
na ginawa mo para sa iyo?
Hayaan mo silang magsibangon, kung maililigtas nila kayo
sa panahon ng iyong kaguluhan,
sapagkat kung gaano karami ang iyong mga bayan
ay gayon ang iyong mga diyos, O Juda.
29“Bakit kayo nagrereklamo laban sa akin?
Kayong lahat ay naghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon.
30Sa walang kabuluhan ang mga anak ninyo'y aking sinaktan;
sila'y hindi tumanggap ng saway.
Nilamon ng inyong sariling tabak ang inyong mga propeta,
na gaya ng leong mapamuksa.
31At ikaw, O salinlahi, dinggin ninyo ang salita ng Panginoon.
Ako ba'y naging lupang ilang sa Israel,
o isang lupain ng makapal na kadiliman?
Bakit sinasabi ng aking bayan, ‘Kami ay malaya,
hindi na kami lalapit pa sa iyo’?
32Malilimutan ba ng isang dalaga ang kanyang mga hiyas,
o ng isang ikakasal na babae ang kanyang kasuotan?
Gayunma'y kinalimutan ako ng aking bayan
sa di mabilang na mga araw.
33“Kay galing mong pinamahalaan ang iyong lakad
upang humanap ng mga mangingibig!
Anupa't maging sa masasamang babae
ay itinuro mo ang iyong mga lakad.
34Sa iyong mga palda ay natagpuan din
ang dugong ikinabubuhay ng mga dukhang walang sala;
hindi mo sila natagpuan na sapilitang pumapasok.
Gayunman, sa kabila ng lahat ng mga ito
35ay sinasabi mo, ‘Ako'y walang sala;
tunay na ang kanyang galit sa akin ay lumayo na.’
Narito, sa kahatulan ay dadalhin kita,
sapagkat iyong sinabi, ‘Hindi ako nagkasala.’
36Kay dali mong magpagala-gala
na binabago mo ang iyong lakad!
Ilalagay ka sa kahihiyan ng Ehipto
na gaya ng panghihiya sa iyo ng Asiria.
37Mula doon ay lalabas ka rin
na ang iyong mga kamay ay nakapatong sa iyong ulo,
sapagkat itinakuwil ng Panginoon ang iyong mga pinagkakatiwalaan,
at sa pamamagitan nila'y hindi ka magtatagumpay.
Kasalukuyang Napili:
JEREMIAS 2: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: