JEREMIAS 43
43
Dinala si Jeremias sa Ehipto
1Nang si Jeremias ay makatapos ng pagsasalita sa buong bayan ng lahat ng mga salitang ito ng Panginoon nilang Diyos, na ipinahatid sa kanya ng Panginoon nilang Diyos sa kanila,
2ay sinabi kay Jeremias nina Azarias na anak ni Hoshaias, Johanan na anak ni Carea, at ng lahat ng mga walang-galang na lalaki, “Nagsisinungaling ka. Hindi ka sinugo ng Panginoon nating Diyos upang sabihing, ‘Huwag kayong pumunta sa Ehipto upang manirahan doon;’
3kundi inilagay ka ni Baruc na anak ni Nerias laban sa amin, upang ibigay kami sa kamay ng mga Caldeo, upang mapatay nila kami o dalhin kaming bihag sa Babilonia.”
4Sa gayo'y si Johanan na anak ni Carea, pati ang lahat ng mga pinuno ng mga kawal, at ang buong bayan ay hindi sumunod sa tinig ng Panginoon na manatili sa lupain ng Juda.
5Kundi#2 Ha. 25:26 kinuha ni Johanan na anak ni Carea, at ng lahat ng mga pinuno ng mga kawal ang lahat ng nalabi ng Juda na bumalik upang manirahan sa lupain ng Juda mula sa lahat ng mga bansa na pinagtabuyan sa kanila—
6ang mga lalaki, mga babae, mga bata, ang mga prinsesa, at bawat taong iniwan ni Nebuzaradan na kapitan ng bantay kay Gedalias na anak ni Ahikam, na anak ni Safan; pati si Jeremias na propeta, at si Baruc na anak ni Nerias.
7At sila'y dumating sa lupain ng Ehipto sapagkat hindi nila sinunod ang tinig ng Panginoon. At sila'y dumating sa Tafnes.
8Pagkatapos ay dumating ang salita ng Panginoon kay Jeremias sa Tafnes, na sinasabi,
9“Maglagay ka ng malalaking bato sa iyong kamay, at ikubli mo ang mga iyon sa argamasa sa daanang papasok sa palasyo ni Faraon sa Tafnes, sa paningin ng mga taga-Juda;
10at sabihin mo sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Diyos ng Israel: Narito, aking isusugo at kukunin si Nebukadnezar na hari ng Babilonia na aking lingkod, at aking ilalagay ang kanyang trono sa mga batong ito na aking ikinubli; at kanyang ilaladlad ang kanyang talukbong sa ibabaw nito.
11Siya'y darating at kanyang sasaktan ang lupain ng Ehipto na ibibigay sa kamatayan ang mga itinakda sa kamatayan, sa pagkabihag ang mga itinakda sa pagkabihag, at sa tabak ang mga itinakda sa tabak.
12Ako'y magpapaningas ng apoy sa templo ng mga diyos ng Ehipto at kanyang susunugin ang mga iyon at dadalhing bihag. Kanyang babalutin ang lupain ng Ehipto na gaya ng pastol na binabalot ang sarili ng kanyang balabal, at siya'y payapang aalis mula roon.
13Kanyang babaliin ang matatayog na haligi ng Bet-shemes#43:13 o Heliopolis. na nasa lupain ng Ehipto, at ang mga templo ng mga diyos ng Ehipto ay kanyang susunugin ng apoy.’”
Kasalukuyang Napili:
JEREMIAS 43: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: