Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JEREMIAS 46

46
Ang Pagkatalo ng Ehipto sa Carquemis
1Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa mga bansa.
2Tungkol#Isa. 19:1-25; Ez. 29:1–32:32 sa Ehipto. Tungkol sa hukbo ni Faraon Neco, na hari ng Ehipto na nasa tabi ng ilog ng Eufrates, sa Carquemis, na tinalo ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia, nang ikaapat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda:
3“Ihanda ninyo ang panangga at kalasag,
at kayo'y lumapit sa pakikipaglaban!
4Singkawan ninyo ang mga kabayo,
kayo'y sumakay, O mga mangangabayo!
Humanay kayo na may helmet;
pakintabin ang inyong mga sibat,
at isuot ang inyong kasuotang pandigma!
5Bakit ko nakita iyon?
Sila'y nanlulupaypay
at nagsisibalik.
Ang kanilang mga mandirigma ay ibinuwal
at mabilis na tumakas;
hindi sila lumilingon—
ang pagkasindak ay nasa bawat panig! sabi ng Panginoon.
6Ang maliksi ay huwag tumakbo,
ni ang malakas ay tumakas;
sa hilaga sa tabi ng Ilog Eufrates
sila ay natisod at bumagsak.
7“Sino itong bumabangon na katulad ng Nilo,
gaya ng mga ilog na ang mga tubig ay bumubulusok?
8Ang Ehipto ay bumabangong parang Nilo,
gaya ng mga ilog na ang tubig ay bumubulusok.
Kanyang sinabi, Ako'y babangon at tatakpan ko ang lupa.
Aking wawasakin ang lunsod at ang mga mamamayan nito.
9Sulong, O mga kabayo;
at kayo'y humagibis, O mga karwahe!
Sumalakay kayong mga mandirigma;
mga lalaki ng Etiopia at Put na humahawak ng kalasag;
ang mga lalaki ng Lud, na humahawak at bumabanat ng pana.
10Sapagkat ang araw na iyon ay sa Panginoong Diyos ng mga hukbo,
isang araw ng paghihiganti,
upang makaganti siya sa kanyang mga kaaway.
Ang tabak ay lalamon at mabubusog,
at magpapakalasing sa dugo nila.
Sapagkat ang Panginoong Diyos ng mga hukbo ay magkakaroon ng pag-aalay
sa hilagang lupain sa tabi ng Ilog Eufrates.
11Umahon ka sa Gilead, at kumuha ka ng balsamo,
O anak na birhen ng Ehipto!
Walang kabuluhang gumamit ka ng maraming gamot;
hindi ka na gagaling.
12Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan,
at ang daigdig ay punô ng iyong sigaw,
sapagkat ang mandirigma ay natisod sa kapwa mandirigma,
sila'y magkasamang nabuwal.”
13Ang#Jer. 43:10-13 salitang sinabi ng Panginoon kay Jeremias na propeta tungkol sa pagdating ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia upang salakayin ang lupain ng Ehipto:
Ang Pagdating ni Nebukadnezar
14“Ipahayag ninyo sa Ehipto, ihayag sa Migdol,
at ihayag sa Memfis at sa Tafnes;
Sabihin ninyo, ‘Tumayo ka at humanda ka,
sapagkat ang tabak ay lalamon sa palibot mo.’
15Bakit napayuko ang iyong malalakas?
Hindi sila tumatayo
sapagkat sila'y ibinagsak ng Panginoon.
16Tinisod niya ang marami, oo, at sila'y nabuwal sa isa't isa.
At sinabi nila sa isa't isa,
‘Bangon, at bumalik tayo sa ating sariling bayan,
at sa ating lupang sinilangan,
malayo sa tabak ng manlulupig.’
17Sila'y sumigaw roon. ‘Si Faraon, hari ng Ehipto ay isang ingay lamang.
Hinayaan niyang lumipas ang takdang oras!’
18“Habang buháy ako, sabi ng Hari,
na ang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo,
tunay na gaya ng Tabor sa gitna ng mga bundok,
at gaya ng Carmel sa tabing dagat,
gayon darating ang isa.
19Ihanda ninyo ang inyong dala-dalahan para sa pagkabihag,
O, anak na babae na nakatira sa Ehipto!
Sapagkat ang Memfis ay magiging sira,
susunugin at walang maninirahan.
20“Ang Ehipto ay isang napakagandang dumalagang baka;
ngunit isang salot ang dumarating mula sa hilaga—ito'y dumarating!
21Maging ang kanyang mga upahang kawal sa gitna niya
ay parang mga pinatabang guya.
Oo, sila ay pumihit at tumakas na magkakasama,
sila'y hindi nakatagal,
sapagkat ang araw ng kanilang pagkapinsala ay dumating sa kanila,
ang panahon ng kanilang kaparusahan.
22“Siya ay gumagawa ng tunog na gaya ng ahas na gumagapang na papalayo;
sapagkat ang kanyang mga kaaway ay dumarating na may kalakasan,
at dumarating laban sa kanya na may mga palakol,
gaya ng mga mamumutol ng kahoy.
23Kanilang pinutol ang kanyang kakahuyan, sabi ng Panginoon,
bagaman mahirap pasukin;
sapagkat sila'y higit na marami kaysa mga balang,
sila'y hindi mabilang.
24Ang anak na babae ng Ehipto ay malalagay sa kahihiyan;
siya'y ibibigay sa kamay ng isang sambayanan mula sa hilaga.”
25Sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Diyos ng Israel: “Ako'y nagdadala ng kaparusahan sa Amon ng Tebes, at kay Faraon, at sa Ehipto, at sa kanyang mga diyos at sa kanyang mga hari, kay Faraon at sa mga nagtitiwala sa kanya.
26Ibibigay ko sila sa kamay ng mga nagtatangka sa kanilang buhay, sa kamay ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia at sa kanyang mga pinuno. Pagkatapos ang Ehipto ay tatahanan na gaya ng mga araw noong una, sabi ng Panginoon.
Ililigtas ng Panginoon ang Kanyang Bayan
27“Ngunit#Jer. 30:10, 11 huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod,
ni manlulupaypay, O Israel,
sapagkat, narito, ililigtas kita mula sa malayo,
at ang iyong lahi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag.
Ang Jacob ay babalik at magiging tahimik at tiwasay,
at walang sisindak sa kanya.
28Huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon,
sapagkat ako'y kasama mo.
Sapagkat lubos kong wawakasan ang lahat ng mga bansa
na aking pinagtabuyan sa iyo;
ngunit ikaw ay hindi ko lubos na wawakasan.
Ngunit parurusahan kita nang hustong sukat,
at hindi kita iiwan sa anumang paraan na hindi mapaparusahan.”

Kasalukuyang Napili:

JEREMIAS 46: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in