JEREMIAS 51
51
Karagdagang Hatol sa Babilonia
1Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Narito, ako'y magbabangon ng isang laban sa Babilonia,
at laban sa mga naninirahan sa Lebkamai;#51:1 LEBKAMAI: Isang lihim na pangalan para sa Babilonia.
2Ako'y magpapadala sa Babilonia ng mga dayuhan,
at kanilang tatahipan siya,
at kanilang aalisan ng laman ang kanyang lupain,
kapag sila'y dumating laban sa kanya mula sa bawat panig
sa araw ng kaguluhan.
3Huwag iumang ng mamamana ang kanyang pana,
at huwag siyang hayaang makatayo sa kanyang baluti.
Huwag ninyong hahayaang makaligtas ang kanyang mga kabataang lalaki;
lubos ninyong lipulin ang kanyang buong hukbo.
4Sila'y patay na mabubuwal sa lupain ng mga Caldeo,
at sinugatan sa kanyang mga lansangan.
5Sapagkat ang Israel at Juda ay hindi pa pinababayaan
ng kanilang Diyos, ng Panginoon ng mga hukbo,
bagaman ang lupain ng mga Caldeo ay punô ng pagkakasala
laban sa Banal ng Israel.
6“Tumakas kayo mula sa gitna ng Babilonia,
at iligtas ng bawat tao ang kanyang buhay!
Huwag kayong mapuksa nang dahil sa pagpaparusa sa kanya
sapagkat ito ang panahon ng paghihiganti ng Panginoon;
siya'y kanyang pagbabayarin.
7Ang#Apoc. 17:2-4; 18:3 Babilonia noon ay gintong kopa sa kamay ng Panginoon
na lumasing sa buong daigdig;
ang mga bansa ay uminom ng kanyang alak,
kaya't ang mga bansa ay nauulol.
8Ang Babilonia ay biglang nabuwal at nadurog;
tangisan ninyo siya!
Dalhan ninyo siya ng balsamo para sa kanyang sakit,
baka sakaling siya'y gumaling.
9Ibig#Apoc. 18:5 sana nating gumaling ang Babilonia,
ngunit siya'y hindi napagaling.
Pabayaan ninyo siya, at bawat isa sa atin ay humayo
sa kanya-kanyang sariling lupain;
sapagkat ang kanyang kahatulan ay umaabot hanggang sa langit,
at naitaas hanggang sa himpapawid.
10Inilabas ng Panginoon ang pagpapawalang-sala sa atin;
halikayo, at ating ipahayag sa Zion
ang gawa ng Panginoon nating Diyos.
11“Patalasin ninyo ang mga palaso!
Kunin ninyo ang mga kalasag!
Pinukaw ng Panginoon ang espiritu ng mga hari ng mga Medo, sapagkat ang kanyang layunin tungkol sa Babilonia ay wasakin ito, sapagkat iyon ang paghihiganti ng Panginoon, ang paghihiganti para sa kanyang templo.
12Magtaas kayo ng watawat laban sa mga pader ng Babilonia,
patibayin ninyo ang bantayan,
maglagay kayo ng mga bantay,
kayo'y maghanda ng mga panambang;
sapagkat binalak at ginawa ng Panginoon
ang kanyang sinabi tungkol sa mga naninirahan sa Babilonia.
13O#Apoc. 17:1 ikaw na naninirahan sa tabi ng maraming tubig,
sagana sa mga kayamanan,
dumating na ang iyong wakas,
at ang sukat ng iyong kasakiman.
14Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa sa pamamagitan ng kanyang sarili:
Tiyak na pupunuin kita ng mga tao, na kasindami ng balang,
at sila'y sisigaw ng sigaw ng tagumpay laban sa iyo.
Awit ng Pagpupuri sa Diyos
15“Siya ang gumawa ng lupa sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan,
nagtatag ng sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang karunungan,
at sa pamamagitan ng kanyang unawa ay iniladlad niya ang mga langit.
16Kapag siya'y nagsasalita, nagkakaroon ng pagkakaingay ng mga tubig sa kalangitan,
at kanyang pinaiilanglang ang mga singaw mula sa mga dulo ng lupa.
Siya'y gumagawa ng mga kidlat para sa ulan,
at inilalabas niya ang hangin mula sa kanyang mga imbakan.
17Bawat tao ay hangal at walang kaalaman;
bawat panday-ginto ay inilagay sa kahihiyan ng kanyang mga diyus-diyosan,
sapagkat ang kanyang mga rebulto ay kasinungalingan,
at walang hininga sa mga iyon.
18Ang mga iyon ay walang kabuluhan, isang gawa ng pandaraya;
sa panahon ng kanilang kaparusahan ay malilipol sila.
19Hindi gaya ng mga ito ang bahagi ng Jacob,
sapagkat siya ang humubog sa lahat ng bagay,
at ang lipi ng kanyang pamana;
ang kanyang pangalan ay Panginoon ng mga hukbo.
Ang Sandata ng Panginoon
20“Ikaw ang aking pandigmang palakol at sandatang pandigma;
sa pamamagitan mo ay dinudurog ko ang mga bansa,
at sa pamamagitan mo ay winawasak ko ang mga kaharian.
21Sa pamamagitan mo ay dinudurog ko ang kabayo at ang kanyang sakay;
sa pamamagitan mo ay dinudurog ko ang karwahe at ang nagpapatakbo niyon.
22Sa pamamagitan mo ay dinudurog ko ang lalaki at babae;
sa pamamagitan mo ay dinudurog ko ang matanda at ang bata;
sa pamamagitan mo ay dinudurog ko ang binata at ang dalaga.
23Sa pamamagitan mo ay dinudurog ko ang pastol at ang kanyang kawan;
sa pamamagitan mo ay dinudurog ko ang magbubukid at ang kanyang mga hayop na katuwang;
at sa pamamagitan mo ay dinudurog ko ang mga tagapamahala at ang mga pinuno.
24“Ngunit pagbabayarin ko ang Babilonia at ang lahat ng naninirahan sa Caldea sa harap mismo ng inyong paningin sa lahat ng kasamaan na kanilang ginawa sa Zion, sabi ng Panginoon.
25“Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon, O mapangwasak na bundok,
na sumisira ng buong lupa;
at aking iuunat ang aking kamay laban sa iyo,
at pagugulungin kita mula sa batuhan,
at gagawin kitang sunog na bundok.
26Wala silang batong kukunin sa iyo na gagawing panulok,
o ng isang bato bilang pundasyon,
kundi ikaw ay magiging wasak magpakailanman,
sabi ng Panginoon.
27“Magtaas kayo ng watawat sa lupa,
inyong hipan ang trumpeta sa gitna ng mga bansa,
ihanda ninyo ang mga bansa sa pakikidigma laban sa kanya,
ipatawag ninyo laban sa kanya ang mga kaharian
ng Ararat, Minni, at Askenaz;
pumili kayo ng pinuno laban sa kanya;
magdala kayo ng mga kabayo na gaya ng pulutong na mga balang.
28Ihanda ninyo ang mga bansa sa pakikidigma laban sa kanya,
ang mga hari ng mga Medo, ang kanilang mga tagapamahala at mga kinatawan,
at ang bawat lupain na kanilang nasasakupan.
29At ang lupain ay nanginginig at namimilipit sa sakit,
sapagkat ang mga layunin ng Panginoon laban sa Babilonia ay nananatili,
upang wasakin ang lupain ng Babilonia,
na walang naninirahan.
30Ang mga mandirigma ng Babilonia ay huminto sa pakikipaglaban,
sila'y nanatili sa kanilang mga muog;
ang kanilang lakas ay naubos,
sila'y naging parang mga babae,
ang kanyang mga tirahan ay nasusunog,
ang kanyang mga halang ay nabali.
31Ang isang mananakbo ay tumatakbo upang sumalubong sa isa pa,
at ang isang sugo upang sumalubong sa isa pang sugo,
upang ibalita sa hari ng Babilonia
na ang kanyang lunsod ay nasakop sa magkabilang dulo;
32ang mga tawiran ay naagaw,
ang mga tambo ay nasunog ng apoy,
at ang mga mandirigma ay natatakot.
33Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Diyos ng Israel:
Ang anak na babae ng Babilonia ay parang giikan
sa panahon na iyon ay niyayapakan;
gayunma'y sandali na lamang
at ang panahon ng pag-aani sa kanya ay darating.”
34“Nilamon ako ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia,
dinurog niya ako,
ginawa niya akong sisidlang walang laman,
nilulon niya akong gaya ng halimaw;
pinuno niya ang kanyang tiyan ng aking masasarap na pagkain;
ako'y kanyang iniluwa.
35Ang karahasang ginawa sa akin at sa aking kamag-anak ay mahulog nawa sa Babilonia,”
sasabihin ng taga-Zion.
“Ang dugo ko nawa ay mahulog sa mga mamamayan ng Caldea,”
sasabihin ng Jerusalem.
Sasaklolohan ng Panginoon ang Israel
36Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon:
“Narito, ipaglalaban kita at igaganti kita nang lubusan.
Tutuyuin ko ang kanyang dagat
at tutuyuin ko ang kanyang bukal.
37Ang Babilonia ay magiging mga bunton ng mga guho,
tahanan ng mga asong mailap,
isang katatakutan at tampulan ng pagkutya,
walang maninirahan.
38“Sila'y magkakasamang uungal na parang mga leon;
sila'y uungal na parang mga batang leon.
39Kapag sila'y nag-init ay ipaghahanda ko sila ng isang salu-salo,
at akin silang lalasingin, hanggang sa sila'y magkatuwaan
at matulog nang walang hanggang pagtulog,
at hindi na magising, sabi ng Panginoon.
40Ibababa ko sila sa katayan na parang mga kordero,
gaya ng mga lalaking tupa at mga kambing na lalaki.
Ang Sinapit ng Babilonia
41“Ano't nasakop ang Sheshach,#51:41 SHESHACH: Isang lihim na pangalan para sa Babilonia.
at ang kapurihan ng buong lupa ay naagaw!
Ano't ang Babilonia ay naging
katatakutan sa gitna ng mga bansa!
42Ang dagat ay umapaw sa Babilonia;
siya'y natakpan ng nagngangalit nitong mga alon.
43Ang kanyang mga lunsod ay naging katatakutan,
isang tuyong lupain at ilang,
isang lupain na walang taong naninirahan,
o dinaraanan man ng sinumang anak ng tao.
44At aking parurusahan si Bel sa Babilonia,
at aking ilalabas mula sa kanyang bibig ang kanyang nilulon.
Ang mga bansa ay hindi na dadagsa pa sa kanya,
ang pader ng Babilonia ay bumagsak!
45“Lumabas kayo sa kalagitnaan niya, bayan ko!
Iligtas ng bawat isa ang kanyang buhay
mula sa mabangis na galit ng Panginoon!
46Huwag manlupaypay ang inyong puso, o matakot man kayo
sa balitang naririnig sa lupain,
kapag may ulat na dumating sa isang taon,
at pagkatapos niyon ay isa pang ulat sa isa pang taon,
at ang karahasan ay nasa lupain,
at ang pinuno ay laban sa pinuno.
47“Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating
na aking parurusahan ang mga larawang inanyuan ng Babilonia;
ang kanyang buong lupain ay mapapahiya,
at ang lahat ng mapapatay sa kanya ay bubulagta sa gitna niya.
48Kung#Apoc. 18:20 magkagayo'y ang langit at ang lupa,
at lahat ng naroroon
ay aawit sa kagalakan dahil sa Babilonia;
sapagkat ang mga mangwawasak ay darating laban sa kanila mula sa hilaga, sabi ng Panginoon.
49Ang#Apoc. 18:24 Babilonia ay dapat bumagsak dahil sa pinaslang sa Israel,
kung paanong ang mga pinaslang sa buong lupa ay nabuwal dahil sa Babilonia.
Ang Mensahe ng Diyos sa mga Israelita sa Babilonia
50“Kayong nakatakas sa tabak,
humayo kayo, huwag kayong magsitigil!
Alalahanin ninyo ang Panginoon mula sa malayo,
at papasukin ninyo ang Jerusalem sa inyong pag-iisip:
51‘Kami ay napahiya, sapagkat kami ay nakarinig ng pagkutya;
ang kasiraang-puri ay tumakip sa aming mga mukha,
sapagkat ang mga dayuhan ay pumasok
sa mga banal na dako ng bahay ng Panginoon.’
52“Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon,
na ako'y maglalapat ng hatol sa kanyang mga larawang inanyuan;
at sa buong lupain niya
ay daraing ang malubhang nasugatan.
53Kahit abutin pa ng Babilonia ang langit,
at kahit patibayin pa niya ang kanyang malakas na kataasan,
gayunma'y darating sa kanya ang mga manglilipol mula sa akin,
sabi ng Panginoon.
54“Pakinggan ninyo! Isang sigaw mula sa Babilonia!
Ang ingay ng malaking pagkawasak mula sa lupain ng mga Caldeo!
55Sapagkat gigibain ng Panginoon ang Babilonia
at patatahimikin ang kanyang mga makapangyarihang tinig.
Ang kanilang mga alon ay uugong na gaya ng maraming tubig,
ang ingay ng kanilang tinig ay itinataas;
56sapagkat ang isang mangwawasak ay dumating sa kanya,
laban sa Babilonia,
ang kanyang mga mandirigma ay hinuhuli,
ang kanilang mga busog ay pinagpuputul-putol;
sapagkat ang Panginoon ay Diyos ng paghihiganti,
siya'y tiyak na maniningil.
57Lalasingin ko ang kanyang mga pinuno at ang kanyang mga taong pantas,
ang kanyang mga tagapamahala, mga punong-kawal, at ang kanyang mga mandirigma;
sila'y matutulog nang walang hanggang pagtulog at hindi magigising,
sabi ng Hari, na ang pangalan ay ang Panginoon ng mga hukbo.
58“Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo:
Ang malawak na pader ng Babilonia
ay lubos na magigiba,
at ang kanyang matataas na pintuan
ay matutupok ng apoy.
Ang mga tao ay nagpapagal sa walang kabuluhan,
at ang mga bansa ay nagpapakapagod para lamang sa apoy.”
Ang Mensahe ni Jeremias ay Ipinadala sa Babilonia
59Ang salita na iniutos ni propeta Jeremias kay Seraya na anak ni Nerias, na anak ni Maasias, nang siya'y pumunta sa Babilonia na kasama ni Zedekias na hari ng Juda, nang ikaapat na taon ng kanyang paghahari. Si Seraya ay tagapamahala.
60Kaya't isinulat ni Jeremias sa isang aklat ang lahat ng kasamaan na darating sa Babilonia, ang lahat ng salitang ito na isinulat tungkol sa Babilonia.
61Sinabi ni Jeremias kay Seraya: “Pagdating mo sa Babilonia, basahin mong lahat ang mga salitang ito,
62at iyong sabihin, ‘O Panginoon, sinabi mo tungkol sa lugar na ito na iyong pupuksain, anupa't walang maninirahan doon, maging tao o hayop man, at ito'y magiging wasak magpakailanman.’
63Pagkatapos#Apoc. 18:21 mong basahin ang aklat na ito, talian mo na may kasamang bato, at ihagis mo sa gitna ng Eufrates,
64at sabihin mo, ‘Ganito lulubog ang Babilonia, at hindi na muling lumitaw dahil sa kapinsalaan na aking dadalhin sa kanya.’” Hanggang dito ang mga salita ni Jeremias.
Kasalukuyang Napili:
JEREMIAS 51: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: