JEREMIAS 6
6
Ang Jerusalem ay Pinaligiran ng mga Kaaway
1Tumakas kayo upang maligtas, O mga anak ni Benjamin,
mula sa gitna ng Jerusalem!
Hipan ninyo ang trumpeta sa Tekoa,
at magtaas ng hudyat sa Bet-hacquerim;
sapagkat may nagbabadyang kasamaan sa hilaga,
at isang malaking pagkawasak.
2Ang maganda at maayos na anak na babae ng Zion
ay pupuksain ko.
3Ang mga pastol at ang kanilang mga kawan ay darating laban sa kanya;
magtatayo sila ng kanilang mga tolda sa palibot niya,
sila'y magpapakain ng tupa, sa kanya-kanyang lugar ang bawat isa.
4“Maghanda kayo upang digmain siya,
bangon, at tayo'y sumalakay sa katanghaliang-tapat!”
“Kahabag-habag tayo! sapagkat ang araw ay kumikiling,
sapagkat ang mga dilim ng gabi ay humahaba!”
5“Bangon, at tayo'y sumalakay nang gabi,
at gibain natin ang kanyang mga palasyo!”
6Sapagkat ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo,
“Putulin ninyo ang kanyang mga punungkahoy,
at magtayo kayo ng bunton laban sa Jerusalem.
Ito ang lunsod na dapat parusahan;
walang anumang bagay sa loob niya kundi kalupitan.
7Kung paanong pinananatiling sariwa ng isang bukal ang kanyang tubig,
gayon niya pinananatiling sariwa ang kanyang kasamaan;
karahasan at pagwasak ang naririnig sa loob niya;
pagkakasakit at mga sugat ang laging nasa harapan ko.
8Tumanggap ka ng babala, O Jerusalem,
baka mapalayo ako sa iyo;
at ikaw ay gawin kong wasak,
isang lupaing hindi tinatahanan.”
Ang Mapanghimagsik na Israel
9Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo:
“Pupulutin nilang lubusan na gaya ng sa puno ng ubas
ang nalabi sa Israel;
gaya ng mamimitas ng ubas ay idaan mo uli ang iyong kamay
sa mga sanga nito.”
10Kanino ako magsasalita at magbibigay ng babala,
upang sila'y makinig?
Ang kanilang mga tainga ay nakapinid,#6:10 Sa Hebreo ay di-tuli.
at hindi sila makarinig:
Narito, ang salita ng Panginoon sa kanila ay kadustaan;
ito'y hindi nila kinaluluguran.
11Ngunit ako'y punô ng poot ng Panginoon;
ako'y pagod na sa pagpipigil nito.
“Ibuhos mo ito sa mga bata sa lansangan,
at gayundin sa pagtitipon ng kabinataan;
sapagkat ang lalaki at ang kanyang asawa ay kapwa kukunin,
maging ang may gulang at ang napakatanda na.
12At#Jer. 8:10-12 ang kanilang mga bahay ay ibibigay sa iba,
ang kanilang mga bukid at ang kanilang mga asawa na magkakasama,
sapagkat iuunat ko ang aking kamay
laban sa mga naninirahan sa lupain,” sabi ng Panginoon.
13“Sapagkat mula sa pinakamaliit sa kanila hanggang sa pinakamalaki sa kanila,
ang bawat isa ay sakim sa pinagkakakitaan;
at mula sa propeta hanggang sa pari man,
bawat isa'y gumagawang may panlilinlang.
14Kanilang#Ez. 13:10 pinagaling nang bahagya ang sugat ng aking bayan,
na sinasabi, ‘Kapayapaan, kapayapaan’;
gayong wala namang kapayapaan.
15Sila ba'y nahiya dahil sa ginawa nilang karumaldumal?
Hindi, kailanma'y hindi sila nahiya;
kung paano mamula ang pisngi ay hindi nila alam.
Kaya't sila'y mabubuwal na kasama ng mga nabubuwal;
sa panahon na akin silang parurusahan, sila'y babagsak,” sabi ng Panginoon.
16Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Tumayo kayo sa mga daan at tumingin,
at ipagtanong ninyo ang mga sinaunang landas,
kung saan naroon ang mabuting daan; at lumakad kayo roon,
at kayo'y makakatagpo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.
Ngunit kanilang sinabi, ‘Hindi kami lalakad doon.’
17Ako'y naglagay ng mga bantay sa inyo, na sinasabi,
‘Inyong pakinggan ang tunog ng trumpeta!’
Ngunit kanilang sinabi, ‘Hindi kami makikinig.’
18Kaya't inyong pakinggan, mga bansa,
at inyong alamin, O kapulungan, kung ano ang mangyayari sa kanila.
19Pakinggan mo, O lupa: ako'y nagdadala ng kasamaan sa bayang ito,
na bunga ng kanilang mga pakana,
sapagkat sila'y hindi nakinig sa aking mga salita;
at tungkol sa aking kautusan, ito'y kanilang itinakuwil.
20Sa anong layunin nagdadala kayo sa akin ng insenso mula sa Sheba,
o ng matamis na tubó mula sa malayong lupain?
Ang inyong mga handog na sinusunog ay hindi maaaring tanggapin,
ni ang inyo mang mga handog ay nakakalugod sa akin.
21Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon,
‘Tingnan mo, ako'y maglalagay ng mga batong katitisuran
sa harap ng bayang ito na kanilang katitisuran;
ang mga magulang at kasama ang mga anak,
ang kapitbahay at ang kanyang kaibigan ay mapapahamak.’”
22Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Tingnan mo, isang bayan ay dumarating mula sa lupain sa hilaga,
ang isang malaking bansa ay gigisingin mula sa mga kadulu-duluhang bahagi ng lupa.
23Sila'y nagsisihawak ng pana at ng sibat;
sila'y malupit at walang habag;
ang kanilang tunog ay gaya ng nagngangalit na dagat;
sa mga kabayo sila'y nakasakay,
nakahanay na gaya ng isang lalaki para sa digmaan,
laban sa iyo, O anak na babae ng Zion!”
24Narinig namin ang balita tungkol doon,
ang aming mga kamay ay walang magawa;
napigilan kaming lahat ng kahapisan,
ng sakit na gaya ng sa isang babae sa panganganak.
25Huwag kang lumabas sa parang,
o lumakad man sa daan;
sapagkat may tabak ang kaaway,
ang kilabot ay nasa bawat dako.
26O anak na babae ng bayan ko, magbihis ka ng damit-sako,
at gumulong ka sa abo,
tumangis ka na gaya ng sa bugtong na anak,
ng pinakamapait na pag-iyak;
sapagkat biglang darating sa atin ang mangwawasak.
27“Ginawa kitang isang tagasubok at tagapagdalisay sa gitna ng aking bayan:
upang iyong malaman at masubok ang kanilang mga daan.
28Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik,
gumagala na may paninirang-puri;
sila'y tanso at bakal,
silang lahat ay kumikilos na may kabulukan.
29Ang panghihip ay humihihip nang malakas;
ang tingga ay natutunaw sa apoy;
sa walang kabuluhan na nagpapatuloy ang pagdalisay,
sapagkat ang masasama ay hindi natatanggal.
30Tatawagin silang pilak na itinakuwil,
sapagkat itinakuwil sila ng Panginoon.”
Kasalukuyang Napili:
JEREMIAS 6: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: