JUAN 18
18
Ang Pagdakip kay Jesus
(Mt. 26:47-56; Mc. 14:43-50; Lu. 22:47-53)
1Nang masabi ni Jesus ang mga salitang ito, siya'y umalis na kasama ng kanyang mga alagad na tumawid sa libis ng Cedron, patungo sa isang pook na may isang halamanan, na pinasok niya at ng kanyang mga alagad.
2Alam din ni Judas, na sa kanya'y nagkanulo, ang lugar sapagkat madalas na si Jesus ay nakikipagtipon doon kasama ng kanyang mga alagad.
3Kaya't si Judas ay nagdala ng pulutong ng mga kawal at ng mga punong-kawal mula sa mga punong pari at mga Fariseo, at pumunta roon na may mga ilawan, mga sulo, at mga sandata.
4Si Jesus na nakakaalam ng lahat ng mga bagay na mangyayari sa kanya ay lumabas, at sa kanila'y sinabi, “Sino ang inyong hinahanap?”
5Sumagot sila, “Si Jesus na taga-Nazaret.” Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ako nga iyon.” Si Judas na nagkanulo sa kanya ay nakatayong kasama nila.
6Nang sabihin ni Jesus sa kanila, “Ako nga,” umurong sila at bumagsak sa lupa.
7Kaya't muli niyang tinanong sila, “Sino ang inyong hinahanap?” At sinabi nila, “Si Jesus na taga-Nazaret.”
8Sumagot si Jesus, “Sinabi ko sa inyo na, ‘Ako nga’. Kung ako ang inyong hinahanap, hayaan ninyong makaalis ang mga taong ito.”
9Ito ay upang matupad ang salitang sinabi niya, “Sa mga ibinigay mo sa akin ay wala akong iwinala kahit isa.”
10Pagkatapos, si Simon Pedro na may tabak ay hinugot ito, at tinaga ang alipin ng pinakapunong pari, at tinagpas ang kanyang kanang tainga. Ang pangalan ng alipin ay Malco.
11Kaya't#Mt. 26:39; Mc. 14:36; Lu. 22:42 sinabi ni Jesus kay Pedro, “Ibalik mo ang iyong tabak sa kaluban. Hindi ko ba iinuman ang kopang ibinigay sa akin ng Ama?”
Si Jesus sa Harap ni Anas
12Kaya't dinakip at iginapos si Jesus ng mga kawal at ng kanilang kapitan, at ng mga punong-kawal ng mga Judio.
13Siya'y dinala muna kay Anas, sapagkat siya'y biyenan ni Caifas, na pinakapunong pari nang panahong iyon.
14Si#Jn. 11:49, 50 Caifas ang siyang nagpayo sa mga Judio na dapat na ang isang tao'y mamatay alang-alang sa bayan.
Ipinagkaila ni Pedro si Jesus
(Mt. 26:69, 70; Mc. 14:66-68; Lu. 22:55-57)
15Sumunod si Simon Pedro kay Jesus, at gayundin ang isa pang alagad. Sapagkat ang alagad na iyon ay kilala ng pinakapunong pari, siya ay pumasok na kasama ni Jesus sa patyo ng pinakapunong pari.
16Samantala, si Pedro ay nakatayo sa pintuan sa labas. Kaya't ang alagad na kilala ng pinakapunong pari ay lumabas at kinausap ang babaing tanod sa pinto, at ipinasok si Pedro.
17Sinabi kay Pedro ng babaing tanod sa pinto, “Hindi ba ikaw ay isa sa mga alagad ng taong ito?” Sinabi niya, “Hindi.”
18Ang mga alipin at ang mga punong-kawal ay nagpapaningas ng siga sapagkat maginaw. Sila'y nakatayo roon at nagpapainit. Si Pedro ay kasama rin nila na nakatayo at nagpapainit.
Tinanong ng Pinakapunong Pari si Jesus
(Mt. 26:59-66; Mc. 14:55-64; Lu. 22:66-71)
19Tinanong ng pinakapunong pari si Jesus tungkol sa kanyang mga alagad at sa kanyang itinuturo.
20Sinagot siya ni Jesus, “Ako'y hayagang nagsalita sa sanlibutan. Ako'y laging nagtuturo sa mga sinagoga at sa templo, na pinagtitipunan ng lahat ng mga Judio, at wala akong sinabi sa lihim.
21Bakit ako'y iyong tinatanong? Tanungin mo silang nakarinig sa akin, kung anong sinabi ko sa kanila. Ang mga ito ang nakakaalam ng mga bagay na sinabi ko.”
22At nang kanyang masabi ito ay sinampal si Jesus ng isa sa mga punong-kawal na nakatayo roon, na nagsasabi, “Ganyan ka bang sumagot sa pinakapunong pari?”
23Sinagot siya ni Jesus, “Kung ako'y nagsalita ng masama, patunayan mo ang kasamaan, subalit kung mabuti, bakit mo ako sinasampal?”
24Pagkatapos ay ipinadala siyang nakagapos ni Anas kay Caifas na pinakapunong pari.
Muling Ipinagkaila ni Pedro si Jesus
(Mt. 26:71-75; Mc. 14:69-72; Lu. 22:58-62)
25Nakatayo si Pedro na nagpapainit ng sarili. Sinabi nila sa kanya, “Hindi ba ikaw ay isa rin sa kanyang mga alagad?” Ikinaila niya ito at sinabi, “Hindi.”
26Sinabi ng isa sa mga alipin ng pinakapunong pari, na kamag-anak ng tinagpasan ni Pedro ng tainga, “Hindi ba ikaw ang nakita kong kasama niya sa halamanan?”
27Muling nagkaila si Pedro at kaagad tumilaok ang isang manok.
Si Jesus sa Harapan ni Pilato
(Mt. 27:1, 2, 11-14; Mc. 15:1-5; Lu. 23:1-5)
28Pagkatapos ay dinala nila si Jesus mula kay Caifas hanggang sa palasyo ng gobernador.#18:28 Sa Griyego ay pretorio. Noon ay maaga pa at sila'y hindi pumasok sa punong-himpilan, upang hindi marumihan,#18:28 marumihan ayon sa kautusan ni Moises. at upang sila'y makakain ng kordero ng paskuwa.
29Kaya't lumabas si Pilato at sinabi sa kanila, “Anong paratang ang dala ninyo laban sa taong ito?”
30Sila'y sumagot at sinabi sa kanya, “Kung ang taong ito'y hindi gumawa ng masama, ay hindi sana namin dinala sa iyo.”
31Sinabi ni Pilato sa kanila, “Kunin ninyo siya, at siya'y inyong hatulan ayon sa inyong batas.” Sinabi ng mga Judio sa kanya, “Hindi kami pinahihintulutan na ipapatay ang sinumang tao.”
32Ito#Jn. 3:14; 12:32 ay upang matupad ang salitang sinabi ni Jesus, nang kanyang ipahiwatig kung sa anong paraan ng kamatayan siya mamamatay.
33Si Pilato ay muling pumasok sa palasyo ng gobernador, at tinawag si Jesus, at sinabi sa kanya, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?”
34Sumagot si Jesus, “Sinasabi mo ba ito mula sa iyong sarili, o may ibang nagsabi sa iyo tungkol sa akin?”
35Si Pilato ay sumagot, “Ako ba'y Judio? Ang iyong sariling bansa at ang mga punong pari ang nagdala sa iyo sa akin. Ano bang ginawa mo?”
36Sumagot si Jesus, “Ang kaharian ko ay hindi mula sa sanlibutang ito. Kung ang kaharian ko ay mula sa sanlibutang ito, ang aking mga tauhan ay makikipaglaban sana upang ako'y huwag maibigay sa mga Judio; ngunit ang aking kaharian ay hindi mula rito.”
37Sinabi sa kanya ni Pilato, “Kung gayon, ikaw ay hari?” Sumagot si Jesus, “Ikaw ang nagsasabing ako'y hari. Ako'y ipinanganak dahil dito, at dahil dito ay pumarito ako sa sanlibutan, upang magpatotoo sa katotohanan. Ang bawat isang panig sa katotohanan ay nakikinig sa aking tinig.”
Hinatulan si Jesus na Mamatay
(Mt. 27:15-31; Mc. 15:6-20; Lu. 23:13-25)
38Sinabi sa kanya ni Pilato, “Ano ang katotohanan?”
At nang masabi niya ito ay lumabas siyang muli sa mga Judio at sa kanila'y sinabi, “Wala akong makitang anumang kasalanan sa kanya.
39Ngunit kayo'y may kaugalian na maaari kong pakawalan ang isang tao para sa inyo sa Paskuwa. Gusto ba ninyong pakawalan ko para sa inyo ang Hari ng mga Judio?”
40Sila'y sumigaw na muli, “Hindi ang taong ito, kundi si Barabas.” Si Barabas ay isang tulisan.
Kasalukuyang Napili:
JUAN 18: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: