JOB 14
14
Maikli ang Buhay ng Tao
1“Ang tao, na ipinanganak ng babae
ay may kaunting araw, at punô ng kaguluhan.
2Siya'y umuusbong na gaya ng bulaklak, at nalalanta;
siya'y nawawalang gaya ng anino, at hindi namamalagi.
3At iyo bang iminumulat ang iyong mga mata sa isang gaya nito,
at dinadala siya sa kahatulan na kasama mo?
4Sinong makakakuha ng malinis na bagay mula sa marumi?
Walang sinuman.
5Yamang ang kanyang mga araw ay itinakda na,
at ang bilang ng kanyang mga buwan ay nasa iyo,
at iyong itinalaga ang kanyang mga hangganan upang huwag siyang makaraan;
6ilayo mo sa kanya ang iyong paningin, at ikaw ay huminto,
upang siya'y masiyahan sa kanyang araw tulad ng isang taong upahan.
7“Sapagkat may pag-asa sa isang punungkahoy,
na kung ito'y putulin ay muling sisibol,
at ang sariwang sanga niyon ay hindi hihinto.
8Bagaman ang kanyang ugat ay tumanda sa lupa,
at ang tuod niyon ay mamatay sa lupa;
9gayunma'y sa pamamagitan ng amoy ng tubig ay sisibol iyon,
at magsasanga na gaya ng batang halaman.
10Ngunit ang tao ay namamatay at ibinabaon;
ang tao ay nalalagutan ng hininga, at saan siya naroon?
11Kung paanong ang tubig ay lumalabas sa dagat,
at ang ilog ay humuhupa at natutuyo;
12gayon ang tao ay humihiga at hindi na bumabangon;
hanggang sa ang langit ay mawala, siya'y hindi na muling magigising,
ni mapupukaw man sa kanilang pagkakatulog.
13O sa Sheol ay ikubli mo ako nawa,
itago mo ako hanggang sa ang iyong poot ay mawala,
takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at ako'y iyong alalahanin!
14Kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya?
Lahat ng araw ng aking pagpupunyagi ay ipaghihintay ko,
hanggang sa dumating ang pagbabago ko.
15Ikaw ay tatawag, at ako'y sasagot sa iyo;
iyong nanasain ang gawa ng mga kamay mo.
16Kung magkagayo'y bibilangin mo ang aking mga hakbang,
at hindi mo babantayan ang aking kasalanan.
17Ang aking pagsalangsang ay itatago sa isang lalagyan,
at iyong tatakpan ang aking kasamaan.
18“Ngunit ang bundok ay natitibag at nawawala,
at ang bato ay inalis sa kinaroroonan niyon;
19inaagnas ng tubig ang mga bato;
tinatangay ng mga baha niyon ang alabok ng lupa;
sa gayon mo winasak ang pag-asa ng tao.
20Ikaw ay nananaig kailanman laban sa kanya, at siya'y pumapanaw;
iyong binabago ang kanyang mukha, at iyong pinalayas siya.
21Ang kanyang mga anak ay nagkaroon ng karangalan, at hindi niya nalalaman;
sila'y ibinababa, ngunit hindi niya iyon nahahalata.
22Ngunit ang sakit lamang ng kanyang katawan ay nagbibigay ng sakit sa kanya,
at nagluluksa lamang siya para sa kanyang sarili!”
Kasalukuyang Napili:
JOB 14: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: