JOB 22
22
Ang Paratang ni Elifaz kay Job
1Nang magkagayo'y sumagot si Elifaz na Temanita, at sinabi,
2“Mapapakinabangan#Job 35:6-8 ba ng Diyos ang isang tao?
Tunay na kapaki-pakinabang sa kanyang sarili ang matalino.
3May kasiyahan ba sa Makapangyarihan sa lahat kung matuwid ka?
O kapag pinasasakdal mo ang iyong mga lakad ay may pakinabang ba siya?
4Dahil ba sa iyong takot sa kanya na ikaw ay sinasaway niya,
at pumapasok siya sa paghuhukom na kasama ka?
5Hindi ba malaki ang iyong kasamaan?
Mga kasamaan mo'y walang hangganan.
6Sapagkat kumuha ka ng sangla sa iyong kapatid kapalit ng wala,
ang hubad ay hinubaran mo ng kasuotan nila.
7Hindi ka nagbigay ng tubig sa pagod upang uminom,
at ikaw ay nagkait ng tinapay sa gutom.
8Ang makapangyarihang tao ang nagmay-ari ng lupa;
at tumahan doon ang taong pinagpala.
9Ang mga babaing balo ay pinaalis mong walang dala,
at nadurog ang mga kamay ng mga ulila.
10Kaya't ang mga silo ay nasa palibot mo,
at biglang takot ang sumasaklot sa iyo,
11dumilim ang iyong ilaw, anupa't hindi ka makakita,
at tinatabunan ka ng tubig-baha.
12“Hindi ba ang Diyos ay nasa itaas ng kalangitan?
Masdan mo ang pinakamataas na mga bituin, sila'y napakaringal!
13At iyong sinasabi, ‘Ano bang nalalaman ng Diyos?
Makakahatol ba siya sa kadilimang lubos?
14Makakapal na ulap ang bumabalot sa kanya, kaya't hindi siya nakakakita;
sa balantok ng langit ay lumalakad siya!’
15Mananatili ka ba sa dating daan,
na ang masasamang tao'y ito ang nilakaran?
16Sila'y inagaw bago dumating ang kapanahunan nila;
ang kanilang patibayan ay nadala ng baha.
17Sinabi nila sa Diyos, ‘Lumayo ka sa amin;’
at, ‘Anong magagawa sa amin ng Makapangyarihan sa lahat?’
18Gayunma'y pinuno niya ang kanilang mga bahay ng mabubuting bagay—
ngunit ang payo ng masama ay malayo sa akin.
19Nakikita ito ng matutuwid at sila'y natutuwa;
at tinatawanan sila ng walang sala na may pangungutya,
20na nagsasabi, ‘Tiyak na malilipol ang ating mga kalaban,
at tinupok ng apoy ang sa kanila'y naiwan.’
21“Sumang-ayon ka sa Diyos, at ikaw ay mapapayapa;
at ang mabuti ay darating sa iyo.
22Iyong tanggapin ang turo mula sa kanyang bibig,
at ilagak mo ang kanyang mga salita sa iyong puso.
23Kapag ikaw ay manunumbalik sa Makapangyarihan sa lahat, at magpapakumbaba ka,
kung iyong ilalayo ang kasamaan mula sa iyong mga tolda,
24kapag inilagay mo ang ginto sa alabok,
at ang ginto ng Ofir sa gitna ng mga bato ng mga batis,
25at kung ang iyong ginto ay ang Makapangyarihan sa lahat,
at siyang iyong mahalagang pilak,
26kung gayo'y magagalak ka sa Makapangyarihan sa lahat,
at ang iyong mukha sa Diyos ay iyong itataas.
27Ikaw ay dadalangin sa kanya, at kanyang diringgin ka;
at iyong tutuparin ang iyong mga panata.
28Ikaw ay magpapasiya ng isang bagay, at iyon ay matatatag para sa iyo;
at ang liwanag ay sisilang sa iyong mga daan.
29Sapagkat ibinababa ng Diyos ang mapagmataas,#22:29 Sa Hebreo ay kapag hinamak ka nila, Palalo.
ngunit ang mapagpakumbaba ay kanyang inililigtas.
30Kanyang ililigtas ang taong walang kasalanan;
maliligtas ka sa pamamagitan ng kalinisan ng iyong mga kamay.”
Kasalukuyang Napili:
JOB 22: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: