LEVITICO 24
24
Pangangalaga sa mga Ilawan
(Exo. 27:20, 21)
1At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2“Iutos mo sa mga anak ni Israel na dalhan ka nila ng dalisay na langis ng olibo na hinalo para sa ilawan, upang patuloy na magningas ang ilawan.
3Sa labas ng tabing ng patotoo, sa toldang tipanan, ito ay laging aayusin ni Aaron, mula hapon hanggang sa umaga sa harapan ng Panginoon. Ito'y isang tuntunin magpakailanman sa buong panahon ng inyong salinlahi.
4Aayusin niyang palagi ang mga ilaw sa ibabaw ng ilawan na yari sa lantay na ginto sa harapan ng Panginoon.
Ang Tinapay na Handog sa Diyos
5“Kukuha#Exo. 25:30 ka ng piling harina, at sa pamamagitan nito ay magluluto ka ng labindalawang tinapay; dalawang ikasampung bahagi ng efa ang sa bawat tinapay.
6Ilalagay mo ang mga iyon sa dalawang hanay, anim sa bawat hanay, sa ibabaw ng hapag na dalisay na ginto.
7Maglalagay ka sa bawat hanay ng dalisay na kamanyang, upang maging handog na tanda para sa tinapay bilang handog na pinaraan sa apoy para sa Panginoon.
8Sa bawat Sabbath ay palaging aayusin ito ni Aaron sa harapan ng Panginoon para sa mga anak ni Israel, bilang isang tungkuling walang hanggan.
9Ito#Mt. 12:4; Mc. 2:26; Lu. 6:4 ay magiging kay Aaron at sa kanyang mga anak, at ito ay kanilang kakainin sa dakong banal, sapagkat ito ay kabanal-banalang bahagi para sa kanya mula sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, isang walang hanggang bahagi.”
Isang Halimbawa ng Makatarungang Pagpaparusa
10Noon, ang anak na lalaki ng isang babaing Israelita na ang ama'y Ehipcio ay pumunta sa mga anak ni Israel. Nag-away sa kampo ang anak ng babaing Israelita at ang isang Israelita.
11At nilapastangan ng anak ng babaing Israelita ang Pangalan, sa isang pagsumpa. Siya'y kanilang dinala kay Moises, at ang pangalan ng kanyang ina ay Shelomit, na anak ni Debri sa lipi ni Dan.
12Kanilang inilagay siya sa bilangguan hanggang sa ang hatol ay ipahayag sa kanila ng Panginoon.
13At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
14“Dalhin mo ang manlalait sa labas ng kampo; at ang lahat ng nakarinig sa kanya ay magpatong ng kanilang mga kamay sa kanyang ulo, at hayaang batuhin siya ng buong kapulungan.
15At sasabihin mo sa mga anak ni Israel, “Sinumang lumait sa kanyang Diyos ay mananagot sa kanyang kasalanan.
16Ang lumapastangan sa pangalan ng Panginoon ay tiyak na papatayin; at babatuhin siya ng buong kapulungan; maging dayuhan o katutubo sa lupain ay papatayin kapag nilapastangan ang Pangalan.
17Sinumang#Exo. 21:12 pumatay ng tao ay papatayin,
18at ang pumatay ng hayop ay magpapalit nito; buhay sa buhay.
19Kapag pininsala ng sinuman ang kanyang kapwa, gaya ng kanyang ginawa ay gayundin ang gagawin sa kanya,
20bali#Exo. 21:23-25; Deut. 19:21; Mt. 5:38 sa bali, mata sa mata, ngipin sa ngipin; ayon sa kanyang pagkapinsala sa tao, siya ay pipinsalain.
21Ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit nito at ang pumatay ng isang tao ay papatayin.
22Magkakaroon#Bil. 15:16 kayo ng isa lamang batas para sa dayuhan at para sa katutubo; sapagkat ako ang Panginoon ninyong Diyos.”
23Nagsalita ng gayon si Moises sa mga anak ni Israel, at kanilang dinala ang taong nanlait sa labas ng kampo, at siya'y pinagbabato. At ginawa ng mga anak ni Israel ang ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
Kasalukuyang Napili:
LEVITICO 24: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: