Ito ang aklat ng lahi ni Jesu-Cristo, na anak ni David, na anak ni Abraham. Naging anak ni Abraham si Isaac; naging anak ni Isaac si Jacob; at naging anak ni Jacob si Juda at ang mga kapatid nito; naging anak ni Juda kay Tamar sina Perez at Zera; naging anak ni Perez si Hesron; at naging anak ni Hesron si Aram; naging anak ni Aram si Aminadab; naging anak ni Aminadab si Naashon; at naging anak ni Naashon si Salmon; naging anak ni Salmon kay Rahab si Boaz; naging anak ni Boaz kay Ruth si Obed; at naging anak ni Obed si Jesse; naging anak ni Jesse si Haring David. At naging anak ni David sa asawa ni Urias si Solomon; naging anak ni Solomon si Rehoboam; naging anak ni Rehoboam si Abias; at naging anak ni Abias si Asaf; naging anak ni Asaf si Jehoshafat; naging anak ni Jehoshafat si Joram; at naging anak ni Joram si Uzias; naging anak ni Uzias si Jotam; naging anak ni Jotam si Ahaz; at naging anak ni Ahaz si Hezekias; naging anak ni Hezekias si Manases; naging anak ni Manases si Amos; at naging anak ni Amos si Josias; naging anak ni Josias si Jeconias at ang kanyang mga kapatid, nang panahon na dalhin silang bihag sa Babilonia. Pagkatapos silang dalhing bihag sa Babilonia, naging anak ni Jeconias si Sealtiel; at naging anak ni Sealtiel si Zerubabel; naging anak ni Zerubabel si Abiud; naging anak ni Abiud si Eliakim; at naging anak ni Eliakim si Azor; naging anak ni Azor si Zadok; naging anak ni Zadok si Akim; at naging anak ni Akim si Eliud; naging anak ni Eliud si Eleazar; naging anak ni Eleazar si Matan; at naging anak ni Matan si Jacob; naging anak ni Jacob si Jose na asawa ni Maria, na siyang nagsilang kay Jesus na tinatawag na Cristo.
Basahin MATEO 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MATEO 1:1-16
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas