naging anak ni Jacob si Jose na asawa ni Maria, na siyang nagsilang kay Jesus na tinatawag na Cristo. Samakatuwid, ang lahat ng salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David ay labing-apat. Mula kay David hanggang sa pagkadalang-bihag sa Babilonia ay labing-apat na salinlahi; at mula sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labing-apat din na salinlahi. Ganito ang pagkapanganak kay Jesu-Cristo. Nang si Maria na kanyang ina ay nakatakdang ikasal kay Jose, bago sila magsama, si Maria ay natuklasang nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Si Jose na kanyang asawa, palibhasa'y isang taong matuwid at ayaw ilagay sa kahihiyan si Maria, ay nagpasiya na lamang na kanyang hiwalayan ito nang lihim. Ngunit samantalang pinag-iisipan niya ito, ang isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kanya sa panaginip na nagsasabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria na iyong asawa sapagkat ang ipinaglilihi niya ay mula sa Espiritu Santo. Siya'y manganganak ng isang lalaki, at ang pangalang itatawag mo sa kanya ay Jesus, sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Narito, magdadalang-tao ang isang birhen at manganganak ng isang lalaki, at ang pangalang itatawag nila sa kanya ay Emmanuel” (na ang ibig sabihin ay kasama natin ang Diyos). Nang bumangon si Jose mula sa pagkakatulog, ginawa niya ang ipinag-utos sa kanya ng anghel ng Panginoon. Siya'y kanyang tinanggap bilang kanyang asawa. Ngunit hindi niya ito nakilala hanggang sa maipanganak nito ang isang lalaki na pinangalanan niyang Jesus.
Basahin MATEO 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MATEO 1:16-25
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas