MATEO 12
12
Ang Katanungan tungkol sa Sabbath
(Mc. 2:23-28; Lu. 6:1-5)
1Nang#Deut. 23:25 panahong iyon ay dumaan si Jesus sa bukirin ng mga trigo nang araw ng Sabbath. Nagutom ang kanyang mga alagad at nagsimula silang pumitas ng mga uhay at kumain.
2Ngunit nang makita ito ng mga Fariseo, sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi ipinahihintulot na gawin sa Sabbath.”
3Subalit#1 Sam. 21:1-6 sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang nagutom siya at ang mga kasamahan niya;
4kung#Lev. 24:9 paanong pumasok siya sa bahay ng Diyos, at kumain siya ng tinapay na handog, na hindi ipinahihintulot na kainin niya o ng mga kasamahan niya, kundi ng mga pari lamang?
5O#Bil. 28:9, 10 hindi ba ninyo nabasa sa kautusan, kung paanong sa mga araw ng Sabbath ay winalang-galang ng mga pari sa templo ang Sabbath, at hindi sila nagkasala?
6Ngunit sinasabi ko sa inyo, isang higit na dakila kaysa templo ang narito.
7Ngunit#Mt. 9:13; Hos. 6:6 kung nalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko, at hindi handog,’ hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala.
8Sapagkat ang Anak ng Tao ay panginoon ng Sabbath.”
Ang Lalaking Tuyo ang Isang Kamay
(Mc. 3:1-6; Lu. 6:6-11)
9Umalis si Jesus#12:9 Sa Griyego ay siya. doon at pumasok sa kanilang sinagoga.
10At doon ay may isang taong tuyo ang isang kamay. Siya ay tinanong nila, “Matuwid bang magpagaling sa araw ng Sabbath?” upang siya'y maparatangan nila.
11Sinabi#Lu. 14:5 niya sa kanila, “Sino kaya sa inyo, na kung mayroon siyang isang tupa, at nahulog ito sa isang hukay sa araw ng Sabbath, ay hindi ba niya ito aabutin, at hahanguin?
12Gaano pa ngang higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath.”
13Pagkatapos ay sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” At iniunat nga niya, at naibalik ito sa dati, magaling na gaya ng isa.
14Ngunit umalis ang mga Fariseo at nagpulong laban sa kanya kung papaano siya pupuksain.
Ang Lingkod na Hinirang
15Nang malaman ito ni Jesus ay umalis siya roon. Sinundan siya ng marami at pinagaling niya silang lahat,
16at ipinag-utos niya sa kanila, na siya'y huwag nilang ipamamalita.
17Ito ay upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias, na sinasabi:
18“Narito#Isa. 42:1-4 (LXX) ang lingkod ko na aking hinirang,
ang minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa.
Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu,
at ipahahayag niya ang katarungan sa mga Hentil.
19Hindi siya makikipagtalo, o sisigaw,
o maririnig ng sinuman ang kanyang tinig sa mga lansangan.
20Hindi niya babaliin ang tambong nasugatan,
o papatayin ang nagbabagang mitsa,
hanggang ang katarungan ay dalhin niya sa tagumpay;
21at aasa ang mga Hentil sa kanyang pangalan.”
Paglapastangan sa Espiritu Santo
(Mc. 3:20-30; Lu. 11:14-23)
22Pagkatapos ay dinala kay Jesus#12:22 Sa Griyego ay sa kanya. ang isang bulag at pipi na inaalihan ng demonyo, at kanyang pinagaling ito kaya't ang dating pipi ay nakapagsalita at nakakita.
23At ang lahat ng tao ay namangha at nagsabi, “Ito na kaya ang Anak ni David?”
24Ngunit#Mt. 9:34; 10:25 nang marinig ito ng mga Fariseo ay sinabi nila, “Ang taong ito'y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan lamang ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.”
25Ngunit nalalaman niya ang mga iniisip nila, at sinabi niya sa kanila, “Ang bawat kahariang nahahati laban sa kanyang sarili ay mawawasak; at ang bawat lunsod o bahay na nahahati laban sa kanyang sarili ay hindi makakatayo.
26Kung pinalalayas ni Satanas si Satanas, siya ay nahahati laban sa kanyang sarili; paano ngang makakatayo ang kanyang kaharian?
27At kung sa pamamagitan ni Beelzebul ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, sa pamamagitan nino sila pinalalayas ng inyong mga anak? Kaya't sila ang magiging mga hukom ninyo.
28Ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, dumating na nga sa inyo ang kaharian ng Diyos.
29O paano bang makakapasok ang sinuman sa bahay ng malakas na tao at nakawin ang mga ari-arian nito, kung hindi muna gagapusin ang malakas na tao? At saka pa lamang niya mapagnanakawan ang bahay nito.
30Ang#Mc. 9:40 hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi ko kasamang nagtitipon ay nagkakalat.
31Kaya't sinasabi ko sa inyo, ang bawat kasalanan at paglapastangan ay ipatatawad sa mga tao; ngunit ang paglapastangan laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.
32At#Lu. 12:10 ang sinumang magsabi ng isang salita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin; ngunit ang sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin maging sa panahong ito o sa darating.
Sa Bunga Nakikilala
(Lu. 6:43-45)
33“O#Mt. 7:20; Lu. 6:44 gawin ninyong mabuti ang puno at mabuti ang bunga nito o gawin ninyong masama ang puno at masama ang bunga nito; sapagkat ang puno ay nakikilala sa pamamagitan ng kanyang bunga.
34Kayong#Mt. 3:7; 23:33; Lu. 3:7; Mt. 15:18; Lu. 6:45 lahi ng mga ulupong! Paano kayo makapagsasalita ng mabubuting bagay gayong kayo ay masasama? Sapagkat sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
35Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabubuting bagay mula sa kanyang mabuting kayamanan, at ang masamang tao ay naglalabas ng masasamang bagay mula sa kanyang masamang kayamanan.
36Subalit sinasabi ko sa inyo, na sa araw ng paghuhukom ay pananagutan ng mga tao ang bawat salita na binigkas na walang ingat.
37Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga salita ay pawawalang-sala ka at sa pamamagitan ng iyong salita ay mahahatulan ka.”
Hinanapan si Jesus ng Tanda
(Mc. 8:11, 12; Lu. 11:29-32)
38Pagkatapos,#Mt. 16:1; Mc. 8:11; Lu. 11:16 ilan sa mga eskriba at mga Fariseo ang nagwika sa kanya, “Guro, ibig naming makakita ng isang tanda mula sa iyo.”
39Ngunit#Mt. 16:4; Mc. 8:12 sumagot siya sa kanila, “Humahanap ng tanda ang isang masama at mapangalunyang lahi; ngunit walang tanda na ibibigay sa kanya, liban sa tanda ng propeta Jonas.
40Sapagkat#Jon. 1:17 kung paanong si Jonas ay nasa tiyan ng isang dambuhala sa dagat#12:40 o balyena. sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, gayundin naman ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing mapapasailalim ng lupa.
41Ang#Jon. 3:5 mga tao ng Ninive ay tatayo sa paghuhukom na kasama ng lahing ito at hahatulan nila ito, sapagkat nagsisi sila sa pangangaral ni Jonas; at masdan ninyo, may isang higit na dakila kaysa kay Jonas ang narito.
42Ang#1 Ha. 10:1-10; 2 Cro. 9:1-12 reyna ng timog ay tatayo sa paghuhukom na kasama ng lahing ito, at hahatulan niya ito, sapagkat nanggaling siya sa mga dulo ng daigdig upang makinig sa karunungan ni Solomon; at masdan ninyo, may isang higit na dakila kaysa kay Solomon ang narito.
Ang Pagbabalik ng Maruming Espiritu
(Lu. 11:24-26)
43“Kaya't nang makalabas mula sa isang tao ang maruming espiritu, nagpagala-gala ito sa mga dakong walang tubig na humahanap ng mapapagpahingahan, ngunit wala siyang matagpuan.
44Kaya't sinasabi niya, ‘Babalik ako sa aking bahay na pinanggalingan.’ Pagdating niya ay natagpuan niya iyong walang laman, nawalisan at naiayos na.
45Pagkatapos ay umalis siya, at nagsasama pa ng pitong espiritu na higit na masasama kaysa kanya, at sila'y pumapasok at naninirahan doon; at ang huling kalagayan ng taong iyon ay naging masahol pa kaysa una. Gayundin ang mangyayari sa masamang lahing ito.”
Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus
(Mc. 3:31-35; Lu. 8:19-21)
46Samantalang nagsasalita pa si Jesus#12:46 Sa Griyego ay siya. sa maraming tao, ang kanyang ina at mga kapatid na lalaki ay nakatayo sa labas at ibig nilang makausap siya.
47[May nagsabi sa kanya, “Narito, ang iyong ina at mga kapatid ay nakatayo sa labas, at ibig ka nilang makausap.”]#12:47 Ang ibang mga kasulatan ay walang talatang 47.
48Ngunit sumagot siya at sinabi sa nagsabi sa kanya, “Sino ang aking ina at sinu-sino ang aking mga kapatid?”
49Itinuro niya ang kamay niya sa kanyang mga alagad, at sinabi, “Narito ang aking ina at ang aking mga kapatid!
50Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking mga kapatid na lalaki at babae, at ina.”
Kasalukuyang Napili:
MATEO 12: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: