MATEO 14
14
Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo
(Mc. 6:14-29; Lu. 9:7-9)
1Nang panahong iyon ay narinig ng tetrarkang#14:1 pinuno ng ikaapat na bahagi ng isang teritoryo. si Herodes ang balita tungkol kay Jesus.
2At sinabi niya sa kanyang mga lingkod, “Ito ay si Juan na Tagapagbautismo na muling binuhay#14:2 Sa Griyego ay ibinangon. sa mga patay; kaya't nagagawa niya ang mga kababalaghang ito.”
3Sapagkat#Lu. 3:19, 20 dinakip ni Herodes si Juan, iginapos niya ito at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ng kanyang kapatid na si Felipe.#14:3 Sa ibang mga kasulatan ay asawa ng kanyang kapatid na lalaki.
4Sapagkat#Lev. 18:16; 20:21 sinabi ni Juan sa kanya, “Hindi ipinahihintulot sa iyo na angkinin mo siya.”
5Bagama't ibig niyang ipapatay si Juan, natakot siya sa mga tao sapagkat kanilang itinuturing si Juan#14:5 Sa Griyego ay siya. na isang propeta.
6Ngunit nang dumating ang pagdiriwang ng kaarawan ni Herodes, sumayaw sa gitna nila ang anak na babae ni Herodias, at ito ay ikinatuwa ni Herodes.
7Kaya't siya'y nangako na may sumpa na kanyang ibibigay ang anumang hilingin nito.
8Sa udyok ng kanyang ina ay sinabi niya, “Ibigay mo sa akin dito sa isang pinggan ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo!”
9Nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang mga sumpa at sa mga panauhin, ipinag-utos niyang ibigay iyon.
10Nagsugo siya at pinapugutan niya ng ulo si Juan sa bilangguan.
11Dinala na nasa isang pinggan ang kanyang ulo at ibinigay sa dalaga, at dinala naman nito sa kanyang ina.
12Dumating ang mga alagad ni Juan,#14:12 Sa Griyego ay kanyang mga alagad. kinuha ang bangkay at inilibing ito. Pagkatapos, sila'y umalis at ibinalita kay Jesus.
Ang Pagpapakain sa Limang Libo
(Mc. 6:30-44; Lu. 9:10-17; Jn. 6:1-14)
13Nang marinig ito ni Jesus, umalis siya roon na sakay ng isang bangka tungo sa isang ilang na lugar na wala siyang kasama. Nang mabalitaan ito ng maraming tao, naglakad silang sumunod sa kanya mula sa mga bayan.
14Pagdating niya sa pampang, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila at pinagaling niya ang mga maysakit sa kanila.
15Nang nagtatakipsilim na, lumapit sa kanya ang mga alagad niya, na nagsasabi, “Ilang na lugar ito, at lumipas na ang maghapon. Papuntahin mo na ang mga tao sa mga nayon upang makabili sila ng kanilang makakain.”
16Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi na kailangang umalis pa sila; bigyan ninyo sila ng makakain.”
17At sinabi nila sa kanya, “Mayroon lamang tayong limang tinapay at dalawang isda.”
18Sinabi niya, “Dalhin ninyo rito sa akin.”
19Ipinag-utos niya sa maraming tao na umupo sa damuhan. Pagkakuha niya sa limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit, binasbasan niya ang mga ito, pinagputul-putol at ibinigay ang mga tinapay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa maraming tao.
20Kumain silang lahat at nabusog. Kinuha nila ang mga lumabis na pinagputul-putol na tinapay, at napuno ang labindalawang kaing.
21At ang mga kumain ay may limang libong lalaki, bukod pa sa mga babae at sa mga bata.
Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig
(Mc. 6:45-52; Jn. 6:15-21)
22Pagkatapos ay pinasakay niya kaagad ang kanyang mga alagad sa bangka at pinauna niya sa kabilang ibayo, habang pinapauwi niya ang maraming tao.
23Pagkatapos niyang pauwiin ang maraming tao ay umakyat siyang mag-isa sa bundok upang manalangin. Pagsapit ng gabi, siya'y naroong nag-iisa.
24Ngunit ang bangka ng mga sandaling iyon ay malayong-malayo na sa dalampasigan#14:24 Sa ibang mga kasulatan ay nasa laot na ng dagat. na hinahampas ng mga alon, sapagkat pasalungat sa kanila ang hangin.
25Nang madaling-araw na#14:25 Sa Griyego ay ikaapat na pagbabantay sa gabi. ay lumapit siya sa kanila na lumalakad sa ibabaw ng dagat.
26At nang makita ng mga alagad na siya ay lumalakad sa ibabaw ng dagat, nasindak sila, na nagsasabi, ‘Multo!’ Nagsigawan sila sa takot.
27Ngunit nagsalita kaagad sa kanila si Jesus, na nagsasabi, “Lakasan ninyo ang inyong loob; ako ito. Huwag kayong matakot.”
28Sumagot sa kanya si Pedro at nagsabi, “Panginoon, kung ikaw iyan, ipag-utos mo sa akin na lumapit sa iyo sa ibabaw ng tubig.”
29Sinabi niya, “Halika.” Kaya't bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig patungo kay Jesus.
30Ngunit nang mapansin niya ang hangin,#14:30 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong salitang malakas. natakot siya, at nang siya'y papalubog na ay sumigaw siya, “Panginoon, iligtas mo ako!”
31Inabot kaagad ni Jesus ang kamay niya at hinawakan siya, na sinasabi sa kanya, “O ikaw na maliit ang pananampalataya, bakit ka nag-alinlangan?”
32Nang makasakay na sila sa bangka, ay huminto na ang hangin.
33Sinamba siya ng mga nasa bangka, na nagsasabi, “Tunay na ikaw ang Anak ng Diyos.”
Pinagaling ni Jesus ang mga Maysakit sa Genesaret
(Mc. 6:53-56)
34Nang makatawid na sila, dumating sila sa lupain ng Genesaret.
35Nang makilala siya ng mga tao sa pook na iyon ay nagpakalat sila ng balita sa buong lupain at dinala sa kanya ang lahat ng mga maysakit.
36Nakiusap sila sa kanya na mahipo man lamang nila ang laylayan ng kanyang damit; at ang lahat ng humipo nito ay gumaling.
Kasalukuyang Napili:
MATEO 14: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: