MATEO 20
20
Ang mga Manggagawa sa Ubasan
1“Sapagkat ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na pinuno ng sambahayan, na maagang lumabas sa umaga upang umupa ng mga manggagawa para sa kanyang ubasan.
2Matapos makipagkasundo sa mga manggagawa ng isang denario sa isang araw ay kanyang isinugo sila sa kanyang ubasan.
3At paglabas niya nang ikatlong oras,#20:3 o ikasiyam ng umaga sa makabagong pagbilang ng oras. nakita niya ang iba sa pamilihan na nakatayong walang ginagawa.
4at sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo sa ubasan, at anumang nararapat ay ibibigay ko sa inyo.’ At pumunta sila.
5Paglabas niyang muli nang malapit na ang ikaanim#20:5 o magtatanghaling-tapat sa makabagong pagbilang ng oras. na oras at ikasiyam,#20:5 o ikatlo ng hapon sa makabagong pagbilang ng oras. gayundin ang ginawa niya.
6At nang malapit na ang ikalabing-isang oras,#20:6 o ikalima ng hapon sa makabagong pagbilang ng oras. lumabas siya at nakakita siya ng iba na nakatayo; at sinabi niya sa kanila, ‘Bakit nakatayo kayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?’
7Sinabi nila sa kanya, ‘Sapagkat walang umuupa sa amin.’ Sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta rin kayo sa ubasan.’
8Nang#Lev. 19:13; Deut. 24:15 magdadapit-hapon na, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo ang mga manggagawa, at bayaran mo sila ng mga upa mula sa mga nahuli hanggang sa mga nauna.’
9Nang lumapit ang mga inupahan nang ikalabing-isang oras,#20:9 o ikalima ng hapon sa makabagong pagbilang ng oras. tumanggap ang bawat isa sa kanila ng isang denario.
10At nang lumapit ang mga nauna, ang akala nila'y tatanggap sila ng mas malaking halaga; ngunit tumanggap din ang bawat isa sa kanila ng isang denario.
11At nang tanggapin nila ito ay nagreklamo sila sa pinuno ng sambahayan,
12na nagsasabi, ‘Isang oras lamang nagtrabaho ang mga huling ito, at ipinantay mo sila sa amin na nagtiis ng hirap at nakakapasong init sa maghapon.’
13Ngunit sumagot siya at sinabi sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya; hindi ba't nakipagkasundo ka sa akin sa isang denario?
14Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Nais kong ibigay sa huling nagtrabaho ang kagaya ng ibinigay ko sa iyo.
15Ako ba ay hindi pinahihintulutang gumawa ng nais ko sa mga bagay na pag-aari ko? O naiinggit ka ba#20:15 Sa Griyego ay masama ba ang mata mo. sapagkat ako'y mabuti?’
16Kaya't#Mt. 19:30; Mc. 10:31; Lu. 13:30 ang huli ay mauuna, at ang una ay mahuhuli.”#20:16 Sa ibang mga kasulatan ay may dagdag na, “Sapagkat marami ang tinawag ngunit kakaunti ang pinili.”
Ikatlong Pagsasabi ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan
(Mc. 10:32-34; Lu. 18:31-34)
17Habang umaahon si Jesus patungo sa Jerusalem, ibinukod niya ang labindalawang alagad, at sa daan ay sinabi niya sa kanila,
18“Narito, umaahon tayo patungong Jerusalem. Ibibigay ang Anak ng Tao sa mga punong pari at sa mga eskriba; at kanilang hahatulan siya ng kamatayan.
19At kanilang ibibigay siya sa mga Hentil upang kutyain, hagupitin at ipako sa krus; at siya'y muling mabubuhay sa ikatlong araw.”
Ang Kahilingan ng Ina nina Santiago at Juan
(Mc. 10:35-45)
20Pagkatapos ay lumapit kay Jesus#20:20 Sa Griyego ay sa kanya. ang ina ng mga anak ni Zebedeo, na kasama ang kanyang mga anak na lalaki. Siya'y lumuhod sa kanya at may hiniling na isang bagay sa kanya.
21At sinabi niya sa kanya, “Ano ang ibig mo?” Sinabi niya sa kanya, “Ipag-utos mo na itong dalawa kong anak ay umupo, ang isa sa iyong kanan, at ang isa sa iyong kaliwa, sa iyong kaharian.”
22Ngunit sumagot si Jesus at sinabi, “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Kaya ba ninyong inuman ang kopa na malapit ko nang inuman? Sinabi nila sa kanya, “Kaya namin.”
23Sinabi niya sa kanila, “Talagang iinuman ninyo ang aking kopa, ngunit ang maupo sa aking kanan at sa aking kaliwa ay hindi ako ang magkakaloob, kundi iyon ay para sa kanila na pinaglalaanan ng aking Ama.”
24Nang marinig ito ng sampu ay nagalit sila sa dalawang magkapatid.
25Ngunit#Lu. 22:25, 26 tinawag sila ni Jesus at sinabi sa kanila, “Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay nangingibabaw na panginoon sa kanila, at ang mga dakila sa kanila ay gumagamit ng kapangyarihan sa kanila.
26Hindi#Mt. 23:11; Mc. 9:35; Lu. 22:26 maaaring magkagayon sa inyo, kundi ang sinuman sa inyo na nagnanais maging dakila ay kailangang maging lingkod ninyo;
27at sinuman sa inyo na nagnanais na maging una ay kailangang maging alipin ninyo,
28kung paanong ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at upang ibigay ang kanyang buhay na pantubos sa marami.”
Pinagaling ang Dalawang Bulag
(Mc. 10:46-52; Lu. 18:35-43)
29Nang sila'y papalabas na sa Jerico, sumunod sa kanya ang napakaraming tao.
30May dalawang lalaking bulag na nakaupo sa tabi ng lansangan. Nang marinig nilang nagdaraan si Jesus, sila'y sumigaw na nagsasabi, “Mahabag#20:30 Sa ibang mga kasulatan ay may salitang Panginoon. ka sa amin, Anak ni David!”
31Ngunit sinaway sila ng maraming tao upang sila'y tumahimik, ngunit lalo silang nagsisigaw na nagsasabi, “Mahabag ka sa amin Panginoon, Anak ni David!”
32Tumigil si Jesus, at sila'y tinawag, at sinabi, “Anong nais ninyong gawin ko sa inyo?”
33Sinabi nila sa kanya, “Panginoon, mabuksan nawa ang mga mata namin.”
34Dahil sa habag ay hinipo ni Jesus ang kanilang mga mata. Kaagad, nakakita silang muli at sila'y sumunod sa kanya.
Kasalukuyang Napili:
MATEO 20: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: