MIKAS 2
2
Ang Kapalaran ng mga Umaapi sa mga Dukha
1Kahabag-habag sila na nagbabalak ng kasamaan,
at gumagawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan!
Kapag dumating ang umaga, ay ginagawa nila ito,
sapagkat ito'y nasa kapangyarihan ng kanilang kamay.
2Sila'y nag-iimbot ng mga bukid, at kanilang kinakamkam;
at ng mga bahay at kanilang kinukuha;
at kanilang inaapi ang isang tao at ang kanyang sambahayan,
ang tao at ang kanyang mana.
3Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon:
Laban sa angkang ito ay nagbabalak ako ng kasamaan
na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg,
ni makalalakad man na may kahambugan;
sapagkat iyon ay magiging isang masamang panahon.
4Sa araw na iyon ay aawit ako nang pagtuya laban sa inyo,
at mananaghoy ng mapait na panaghoy,
at sasabihin, “Kami ay lubos na nasira;
kanyang binabago ang bahagi ng aking bayan;
ano't inilalayo niya sa akin!
Kanyang binabahagi ang aming mga bukid sa mga bumihag sa amin.”
5Kaya't mawawalan ka na ng maghahagis ng pisi sa pamamagitan ng palabunutan
sa kapulungan ng Panginoon.
6“Huwag kayong mangaral”—ganito sila nangangaral—
“walang dapat mangaral ng gayong mga bagay;
hindi tayo aabutan ng kahihiyan.”
7Ito ba ay dapat sabihin, O sambahayan ni Jacob,
Ang pagtitiis ba ng Panginoon ay ubos na?
Ang mga ito ba ang kanyang mga gawa?
Di ba ang aking mga salita ay gumagawa ng mabuti
sa lumalakad nang matuwid?
8Kamakailan ang aking bayan ay bumangon na gaya ng isang kaaway:
inyong hinubaran ng kasuotan
ang mga walang malay na nagdaraan,
na galing sa digmaan.
9Ang mga babae ng aking bayan ay inyong pinalalayas
sa kanilang masasayang bahay;
mula sa kanilang mga bata ay inyong inaalis
ang aking kaluwalhatian magpakailanman.
10Bumangon kayo at humayo,
sapagkat hindi ito lugar na pahingahan;
dahil sa karumihan na lumilipol
sa pamamagitan ng malubhang pagkawasak.
11Kung ang isang tao ay lumalakad at nagsasalita ng hangin at kasinungalingan,
na nagsasabi, “Ako'y mangangaral sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin.”
Siya ang magiging tagapagsalita para sa bayang ito!
12Tiyak na titipunin ko kayong lahat, O Jacob,
aking titipunin ang nalabi ng Israel;
akin silang ilalagay na magkakasama
na parang mga tupa sa isang kulungan,
na parang kawan sa pastulan nito,
isang maingay na pulutong ng mga tao.
13Nangunguna sa kanila ang nagbubukas ng daan;
sila'y lalampas at daraan sa pintuan
at lalabas doon.
Ang kanilang hari ay daraan sa harapan nila,
at ang Panginoon ang nasa unahan nila.
Kasalukuyang Napili:
MIKAS 2: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

:
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001