MGA BILANG 15
15
Batas tungkol sa Handog na Pinaraan sa Apoy
1Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2“Sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Pagpasok ninyo sa lupain na inyong titirahan na ibibigay ko sa inyo,
3at maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy mula sa bakahan o sa mga kawan, o ng hain upang tumupad ng panata, o ng kusang loob na handog, o sa inyong mga takdang kapistahan, upang gawing mabangong samyo sa Panginoon,
4kung gayon ang sinumang mag-aalay ng kanyang handog ay mag-alay sa Panginoon ng isang handog na butil, na ikasampung bahagi ng isang efa#15:4 Tingnan sa Talaan ng mga Timbang at Sukat. ng piling harina na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis;
5at ng alak na handog na inumin, na ikaapat na bahagi ng isang hin,#15:5 Tingnan sa Talaan ng mga Timbang at Sukat. ang iyong ihahanda na kasama ng handog na sinusunog, o ng alay sa bawat kordero.
6O kung isang lalaking tupa, ang iyong ihahanda para sa handog na butil ay dalawang ikasampung bahagi ng isang efa ng piling harina na hinaluan ng ikatlong bahagi ng isang hin ng langis.
7At bilang handog na inumin ay iyong ihahandog ang ikatlong bahagi ng isang hin ng alak na mabangong samyo sa Panginoon.
8Kapag maghahanda ka ng isang toro bilang handog na sinusunog, o bilang alay upang tuparin ang isang panata, o bilang handog pangkapayapaan sa Panginoon,
9ay iyong ihahandog nga na kasama ng toro ang isang handog na butil na tatlong ikasampung bahagi ng isang efa ng piling harina na hinaluan ng kalahating hin ng langis.
10At ang iyong iaalay na handog na inumin ay kalahating hin ng alak na handog na pinaraan sa apoy, na mabangong samyo sa Panginoon.
11Gayon ang gagawin sa bawat toro, bawat tupang lalaki, bawat korderong lalaki, o sa mga anak ng kambing.
12Ayon sa bilang ng inyong ihahanda, ay gayon ninyo gagawin sa bawat isa ayon sa kanilang bilang.
13Lahat ng katutubo sa lupain ay gagawa ng mga bagay na ito sa ganitong paraan, sa paghahandog ng handog na pinaraan sa apoy, na mabangong samyo sa Panginoon.
14At kung ang isang dayuhan ay nakikipamayan kasama ninyo, o sinumang kasama ninyo sa buong panahon ng inyong mga salinlahi, at maghahandog ng handog na pinaraan sa apoy, na mabangong samyo sa Panginoon ay kanyang gagawin ang gaya ng inyong ginagawa.
15Sa kapulungan ay magkakaroon ng isang tuntunin sa inyo, at sa dayuhang nakikipamayang kasama ninyo, isang tuntunin magpakailanman sa buong panahon ng inyong mga salinlahi. Kung paano kayo ay magiging gayundin ang dayuhan sa harap ng Panginoon.
16Magkakaroon#Lev. 24:22 sa inyo at sa dayuhan na nakikipamayan sa inyo ng isang kautusan at isang batas.’”
17At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
18“Sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Pagpasok ninyo sa lupaing aking pagdadalhan sa inyo,
19ay maghahandog kayo ng isang alay sa Panginoon tuwing kakain kayo ng tinapay ng lupain.
20Sa pinakauna sa inyong masang harina ay maghahandog kayo ng isang munting tinapay bilang isang handog. Kung paano ninyo ginagawa ang handog na mula sa giikan, ay gayon ninyo ihahandog ito.
21Sa pinakauna sa inyong masang harina ay magbibigay kayo sa Panginoon ng isang handog sa buong panahon ng inyong mga salinlahi.
22“‘Ngunit kapag kayo'y nagkamali at hindi ninyo tinupad ang lahat ng utos na ito, na sinabi ng Panginoon kay Moises,
23samakatuwid ay lahat ng iniutos ng Panginoon sa inyo sa pamamagitan ni Moises, mula sa araw na binigyan kayo ng Panginoon ng utos at mula noon, sa buong panahon ng inyong mga salinlahi;
24ay mangyayari na kung iyon ay ginawa nang hindi sinasadya, at hindi nalalaman ng kapulungan, ang buong kapulungan ay maghahandog ng isang batang toro na handog na sinusunog, na mabangong samyo sa Panginoon, kasama ng handog na butil niyon at handog na inumin niyon, ayon sa batas at isang lalaking kambing na handog pangkasalanan.
25Tutubusin ng pari ang buong kapulungan ng mga anak ni Israel, at sila'y patatawarin. Iyon ay hindi sinasadya at sila'y nagdala ng kanilang alay na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at ang kanilang handog pangkasalanan sa harap ng Panginoon, dahil sa kanilang pagkakamali.
26Ang buong sambayanan ng mga anak ni Israel ay patatawarin at ang dayuhan na nakikipamayan sa kanila, sapagkat ang buong bayan ay kasama sa pagkakamali.
Handog sa Pagkakasalang Hindi Sinasadya
27“‘Kung#Lev. 4:27-31 ang isang tao ay nagkasala nang hindi sinasadya, ay maghahandog nga siya ng isang kambing na babae na isang taong gulang na handog pangkasalanan.
28At tutubusin ng pari ang taong nagkamali sa harap ng Panginoon, kung tunay na siya'y nagkasala nang hindi sinasadya upang tubusin siya at siya'y patatawarin.
29Kayo'y magkakaroon ng isang batas sa kanya na nagkasala nang hindi sinasadya, sa kanya na katutubo sa bayan ng Israel, at sa dayuhan na nakikipamayan sa kanila.
30Ngunit ang tao na makagawa ng anuman nang buong kapusukan, maging katutubo sa lupain o dayuhan ay lumalapastangan sa Panginoon at ang taong iyon ay ititiwalag sa gitna ng kanyang bayan.
31Sapagkat kanyang hinamak ang salita ng Panginoon, at sinira ang kanyang utos; ang taong iyon ay lubos na ititiwalag. Ang kanyang kasamaan ay tataglayin niya.’”
Ang Parusa sa Pagsuway sa Batas ng Sabbath
32Samantalang ang mga anak ni Israel ay nasa ilang, nakakita sila ng isang lalaking namumulot ng kahoy sa araw ng Sabbath.
33Ang mga nakakita sa taong namumulot ng kahoy, ay dinala siya kina Moises at Aaron, at sa buong kapulungan.
34Kanilang inilagay siya sa kulungan, sapagkat hindi pa ipinahahayag kung ano ang gagawin sa kanya.
35Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Ang lalaki ay tiyak na papatayin; babatuhin siya ng buong kapulungan sa labas ng kampo.”
36Inilabas siya ng buong kapulungan sa kampo at siya'y kanilang pinagbabato hanggang sa mamatay, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Ipinag-utos ang Paglalagay ng Tirintas
37At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
38“Sabihin#Deut. 22:12 mo sa mga anak ni Israel na sila'y gumawa ng mga tirintas sa mga laylayan ng kanilang mga damit sa buong panahon ng kanilang mga salinlahi, at kanilang patungan ang tirintas ng bawat laylayan ng isang panaling asul.
39At sa inyo'y magiging isang tirintas upang inyong pagmasdan, at inyong maaalala ang lahat ng mga utos ng Panginoon at gawin ang mga iyon, upang huwag kayong sumunod sa inyong sariling puso at sa inyong sariling mga mata, na sanhi ng inyong pakikiapid.
40Sa gayon, inyong maaalala at gawin ang lahat ng aking mga utos, at maging banal kayo sa inyong Diyos.
41Ako ang Panginoon ninyong Diyos na naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto, upang maging inyong Diyos. Ako ang Panginoon ninyong Diyos.”
Kasalukuyang Napili:
MGA BILANG 15: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: