MGA BILANG 2
2
Ang Bilang, mga Kampo, at mga Pinuno ng Bawat Anak ni Israel
1Nagsalita ang Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,
2“Ang mga anak ni Israel ay magkakampo, bawat lalaki sa tabi ng kanyang sariling watawat, na may sagisag ng mga sambahayan ng kanyang mga ninuno; magkakampo sila na nakaharap sa toldang tipanan sa palibot nito.
3Ang magkakampo sa silangan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay ang kabilang sa watawat ng kampo ng Juda, ayon sa kanilang mga pangkat. Ang magiging pinuno sa mga anak ni Juda ay si Naashon na anak ni Aminadab.
4Ang kanyang pangkat ayon sa nabilang sa kanila ay pitumpu't apat na libo at animnaraan.
5Ang magkakampo sa tabi niya ay ang lipi ni Isacar; at ang magiging pinuno sa mga anak ni Isacar ay si Natanael na anak ni Suar.
6Ang kanyang pangkat ayon sa nabilang doon ay limampu't apat na libo at apatnaraan.
7Sa lipi ni Zebulon ang magiging pinuno sa mga anak ni Zebulon ay si Eliab na anak ni Helon,
8at ang kanyang pangkat ayon sa nabilang doon ay limampu't pitong libo at apatnaraan.
9Lahat ng nabilang sa kampo ng Juda ay isandaan at walumpu't anim na libo at apatnaraan, ayon sa kanilang mga pangkat. Sila ang unang susulong.
10“Sa dakong timog ay ang watawat ng kampo ng Ruben, ayon sa kanilang mga pangkat, at ang magiging pinuno ng mga anak ni Ruben ay si Elisur na anak ni Sedeur.
11Ang kanyang pangkat ayon sa bilang ay apatnapu't anim na libo at limang daan.
12Ang magkakampo sa tabi niya ay ang lipi ni Simeon at ang magiging pinuno sa mga anak ni Simeon ay si Selumiel na anak ni Zurishadai.
13Ang kanyang pangkat at ang nabilang sa kanila ay limampu't siyam na libo at tatlong daan.
14Kasunod ang lipi ni Gad at ang magiging pinuno sa mga anak ni Gad ay si Eliasaf na anak ni Reuel:#2:14 tinatawag na Deuel.
15Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay apatnapu't limang libo animnaraan at limampu.
16Lahat ng nabilang sa kampo ni Ruben ay isandaan at limampu't isang libo apatnaraan at limampu, ayon sa kanilang mga pangkat. Sila ang pangalawang susulong.
17“Kung magkagayon, ang toldang tipanan ay susulong na kasama ng pangkat ng mga Levita sa gitna ng mga kampo, ayon sa kanilang pagkakampo ay gayon sila susulong, na bawat lalaki ay sa kanya-kanyang lugar ayon sa kanilang mga watawat.
18“Sa dakong kanluran ay ang watawat ng kampo ng Efraim, ayon sa kanilang mga pangkat, at ang magiging pinuno sa mga anak ni Efraim ay si Elisama na anak ni Amihud.
19Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay apatnapung libo at limang daan.
20Katabi niya ang lipi ni Manases at ang magiging pinuno sa mga anak ni Manases ay si Gamaliel na anak ni Pedasur.
21Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay tatlumpu't dalawang libo at dalawandaan.
22Ang lipi ni Benjamin at ang magiging pinuno sa mga anak ni Benjamin ay si Abidan na anak ni Gideoni.
23Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay tatlumpu't limang libo at apatnaraan.
24Ang lahat na nabilang sa kampo ng Efraim ay isandaan walong libo at isandaan, ayon sa kanilang mga pangkat. At sila ang pangatlong susulong.
25“Sa dakong hilaga ay ilalagay ang watawat ng kampo ng Dan, ayon sa kanilang mga pangkat at ang magiging pinuno sa mga anak ni Dan ay si Ahiezer na anak ni Amisadai.
26Ang kanilang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay animnapu't dalawang libo at pitong daan.
27Ang magkakampo na katabi niya ay ang lipi ni Aser; ang magiging pinuno sa mga anak ni Aser ay si Fegiel na anak ni Ocran.
28Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay apatnapu't isang libo at limang daan.
29Kasunod ang lipi ni Neftali at ang magiging pinuno sa mga anak ni Neftali ay si Ahira na anak ni Enan.
30Ang kanyang pangkat, at ang nabilang sa kanila ay limampu't tatlong libo at apatnaraan.
31Ang lahat na nabilang sa kampo ng Dan, ay isandaan at limampu't pitong libo at animnaraan. Sila ang huling susulong, ayon sa kanilang mga watawat.”
32Ito ang nabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno: ang lahat na nabilang sa mga kampo, ayon sa kanilang mga pangkat ay animnaraan at tatlong libo limang daan at limampu.
33Subalit ang mga Levita ay hindi binilang na kasama ng mga anak ni Israel gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
34Gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises ay gayon sila nagkampo sa tabi ng kanilang mga watawat, at gayon sila sumulong, na bawat isa'y ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno.
Kasalukuyang Napili:
MGA BILANG 2: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: