MGA BILANG 29
29
Handog sa Pista ng mga Trumpeta
(Lev. 23:23-25)
1Sa unang araw ng ikapitong buwan ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon. Huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain. Ito ay araw para sa inyo na paghihip ng mga trumpeta.
2Kayo'y maghahandog ng isang handog na sinusunog na mabangong samyo sa Panginoon, ng isang batang toro, isang lalaking tupa, pitong korderong lalaki na isang taong gulang at walang kapintasan.
3Ang handog na butil ng mga iyon, na piling harina, na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasampung bahagi para sa toro, dalawang ikasampung bahagi para sa lalaking tupa,
4at isang ikasampung bahagi para sa bawat kordero sa pitong kordero,
5at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan upang ipantubos sa inyo,
6bukod pa sa handog na sinusunog sa bagong buwan, at sa handog na butil niyon, at sa palagiang handog na sinusunog at sa handog na butil niyon, at sa mga inuming handog niyon, ayon sa kanilang tuntunin na mabangong samyo na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
Mga Handog sa Araw ng Pagtubos
(Lev. 23:26-32)
7At#Lev. 16:29-34 sa ikasampung araw nitong ikapitong buwan ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon at inyong pahihirapan ang inyong mga kaluluwa, at huwag kayong gagawa ng anumang gawa,
8kundi kayo'y maghahandog sa Panginoon ng isang handog na sinusunog na mabangong samyo; isang batang toro, isang tupang lalaki, pitong korderong lalaki na isang taong gulang, mga walang kapintasan para sa inyo.
9Ang handog na butil ng mga iyon, na piling harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasampung bahagi para sa toro, dalawang ikasampung bahagi para sa isang lalaking tupa,
10isang ikasampung bahagi para sa bawat kordero sa pitong kordero;
11isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan, bukod pa sa handog pangkasalanan na pantubos at sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil, at sa mga inuming handog ng mga iyon.
Mga Handog sa Pista ng mga Kubol
(Lev. 23:33-44)
12Sa#Lev. 23:34; Deut. 16:13-15 ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagtitipon; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain at mangingilin kayo sa loob ng pitong araw para sa Panginoon.
13Maghahandog kayo ng isang handog na sinusunog, handog na pinaraan sa apoy na mabangong samyo para sa Panginoon: labintatlong batang toro, dalawang tupang lalaki, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang, na mga walang kapintasan.
14Ang handog na butil ng mga iyon, na piling harina na hinaluan ng langis ay tatlong ikasampung bahagi ng efa para sa bawat toro sa labintatlong toro, dalawang ikasampung bahagi sa bawat lalaking tupa para sa dalawang lalaking tupa,
15at isang ikasampung bahagi para sa bawat kordero sa labing-apat na kordero;
16isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil niyon at sa inuming handog niyon.
17Sa ikalawang araw ay maghahandog kayo ng labindalawang batang toro, dalawang lalaking tupa, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang at walang kapintasan.
18Ang handog na harina ng mga iyon, at ang mga handog na inumin para sa mga toro, sa mga lalaking tupa, at sa mga kordero ayon sa bilang ng mga iyon, alinsunod sa tuntunin;
19isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil, at sa mga handog na inumin ng mga iyon.
20Sa ikatlong araw ay labing-isang toro, dalawang lalaking tupa, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang at walang kapintasan,
21handog na butil at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga lalaking tupa, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa tuntunin,
22at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil niyon, at sa handog na inumin niyon.
23Sa ikaapat na araw ay sampung toro, dalawang lalaking tupa, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang na walang kapintasan,
24handog na butil ng mga iyon at ang mga handog na inumin para sa mga toro, sa mga lalaking tupa, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa tuntunin;
25at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, sa handog na butil niyon, at sa handog na inumin niyon.
26Sa ikalimang araw ay siyam na toro, dalawang lalaking tupa, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang na walang kapintasan,
27kasama ang handog na butil at ang handog na inumin para sa mga toro, sa mga lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa tuntunin;
28at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil niyon, at sa handog na inumin niyon.
29At sa ikaanim na araw ay walong toro, dalawang lalaking tupa, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang at walang kapintasan,
30kasama ang handog na butil at mga handog na inumin para sa mga toro, sa mga lalaking tupa at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa tuntunin;
31at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, sa handog na butil niyon, at sa mga inuming handog niyon.
32Sa ikapitong araw ay pitong toro, dalawampung tupang lalaki, labing-apat na korderong lalaki na isang taong gulang at walang kapintasan,
33kasama ang handog na butil ng mga iyon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa tuntunin;
34at isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, sa handog na butil niyon, at sa inuming handog niyon.
35Sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng isang taimtim na pagpupulong; huwag kayong gagawa ng anumang mabigat na gawain,
36kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na sinusunog, isang handog na pinaraan sa apoy na mabangong samyo sa Panginoon: isang toro, isang lalaking tupa, pitong korderong lalaki na isang taong gulang, walang kapintasan.
37Ang handog na butil ng mga iyon at ang mga inuming handog para sa toro, sa lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang alinsunod sa tuntunin;
38isang kambing na lalaki na handog pangkasalanan; bukod pa sa palagiang handog na sinusunog, at sa handog na butil niyon, at sa inuming handog niyon.
39“Ang mga ito ay inyong ihahandog sa Panginoon sa inyong mga takdang kapistahan, bukod pa sa inyong mga ipinangakong handog, at sa inyong mga kusang handog, para sa inyong mga handog na sinusunog, mga handog na butil, at mga inuming handog, at mga handog pangkapayapaan.
40At sinabi ni Moises sa mga anak ni Israel ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
Kasalukuyang Napili:
MGA BILANG 29: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: