MGA BILANG 7
7
Alay ng mga Pinuno
1Nang araw na matapos itayo ni Moises ang tabernakulo, at mabuhusan ng langis at maitalaga, pati ang lahat ng kasangkapan niyon, ang dambana at ang lahat na kasangkapan niyon, at mabuhusan ng langis at maitalaga ang mga iyon,
2ang mga pinuno ng Israel, ang mga pinuno ng mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ang mga pinuno sa mga lipi, na mga namamahala roon sa nabilang ay naghandog.
3Kanilang dinala ang kanilang handog sa harap ng Panginoon, anim na karitong may takip, at labindalawang baka; isang kariton sa bawat dalawa sa mga pinuno, at sa bawat isa'y isang baka; at kanilang inihandog ang mga iyon sa harapan ng tabernakulo.
4At nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
5“Tanggapin mo ang mga ito mula sa kanila, upang ang mga ito'y magamit sa paglilingkod sa toldang tipanan, at ibigay mo sa mga Levita, sa bawat lalaki ang ayon sa kanya-kanyang paglilingkod.”
6At tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka at ibinigay sa mga Levita.
7Dalawang kariton at apat na baka ang ibinigay niya sa mga anak ni Gershon, ayon sa kanilang paglilingkod.
8Apat na kariton at walong baka ang kanyang ibinigay sa mga anak ni Merari, ayon sa kanilang paglilingkod, sa ilalim ng pamamahala ni Itamar na anak ng paring si Aaron.
9Ngunit sa mga anak ni Kohat ay wala siyang ibinigay, sapagkat iniatas sa kanila ang pangangalaga sa mga banal na bagay na kailangang pasanin sa kanilang mga balikat.
10Ang mga pinuno ay naghandog rin ng mga alay para sa pagtatalaga ng dambana nang araw na ito ay buhusan ng langis; ang mga pinuno ay naghandog ng kanilang alay sa harap ng dambana.
11Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sila'y maghahandog ng kanilang alay, isang pinuno bawat araw para sa pagtatalaga ng dambana.”
12At ang naghandog ng kanyang alay nang unang araw ay si Naashon na anak ni Aminadab sa lipi ni Juda.
13Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na gawa sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo ayon sa siklo ng santuwaryo; parehong punô ng piling butil na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;
14isang gintong sandok na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso,
15isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;
16isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
17At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang tupang lalaki, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Naashon na anak ni Aminadab.
18Nang ikalawang araw, si Natanael na anak ni Suar, na pinuno ng Isacar ay naghandog.
19Ang kanyang inihandog na alay ay isang pinggang yari sa pilak na ang bigat ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;
20isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;
21isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;
22isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
23At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Natanael na anak ni Suar.
24Nang ikatlong araw ay si Eliab na anak ni Helon, na pinuno sa mga anak ni Zebulon.
25Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo na parehong punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;
26isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;
27isang batang toro, isang tupang lalaki, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;
28isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
29At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang tupang lalaki, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon.
30Nang ikaapat na araw ay si Elisur na anak ni Sedeur, na pinuno sa mga anak ni Ruben.
31Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;
32isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;
33isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;
34isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
35At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang tupang lalaki, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Elisur na anak ni Sedeur.
36Nang ikalimang araw ay si Selumiel na anak ni Zurishadai, na pinuno sa mga anak ni Simeon.
37Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na butil;
38isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;
39isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;
40isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
41At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Selumiel na anak ni Zurishadai.
42Nang ikaanim na araw ay si Eliasaf na anak ni Deuel, na pinuno sa mga anak ni Gad.
43Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis bilang handog na butil;
44isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;
45isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;
46isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
47At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Eliasaf na anak ni Deuel.
48Nang ikapitong araw ay si Elisama na anak ni Amihud, na pinuno sa mga anak ni Efraim.
49Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis bilang handog na butil;
50isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;
51isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang na handog na sinusunog;
52isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
53At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Elisama na anak ni Amihud.
54Nang ikawalong araw ay si Gamaliel na anak ni Pedasur, na pinuno sa mga anak ni Manases.
55Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;
56isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;
57isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;
58isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
59At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedasur.
60Nang ikasiyam na araw ay si Abidan, na anak ni Gideoni, na pinuno sa mga anak ni Benjamin.
61Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;
62isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;
63isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;
64isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
65At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Abidan na anak ni Gideoni.
66Nang ikasampung araw ay si Ahiezer na anak ni Amisadai, na pinuno sa mga anak ni Dan.
67Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;
68isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;
69isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;
70isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
71At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Amisadai.
72Nang ikalabing-isang araw ay si Pagiel na anak ni Ocran, na pinuno sa mga anak ni Aser.
73Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;
74isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;
75isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;
76isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
77At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Pagiel na anak ni Ocran.
78Nang ikalabindalawang araw ay si Ahira na anak ni Enan, na pinuno sa mga anak ni Neftali.
79Ang kanyang alay ay isang pinggang yari sa pilak, na ang bigat niyon ay isandaan at tatlumpung siklo, isang mangkok na yari sa pilak na ang bigat ay pitumpung siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo; kapwa punô ng piling harina na hinaluan ng langis, bilang handog na butil;
80isang sandok na yari sa ginto na ang bigat ay sampung siklo, na punô ng insenso;
81isang batang toro, isang lalaking tupa, isang korderong lalaki na isang taong gulang, na handog na sinusunog;
82isang lalaki sa mga kambing na handog pangkasalanan.
83At para sa hain na mga handog pangkapayapaan ay dalawang baka, limang lalaking tupa, limang kambing na lalaki, at limang korderong lalaki na isang taong gulang. Ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan.
84Ito ang handog para sa pagtatalaga ng dambana nang araw na ito'y buhusan ng langis ng mga pinuno sa Israel: labindalawang pinggang pilak, labindalawang mangkok na yari sa pilak, labindalawang sandok na ginto,
85na bawat pinggang yari sa pilak ay isandaan at tatlumpung siklo ang bigat, at bawat mangkok ay pitumpu. Lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo at apatnaraang siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo,
86ang labindalawang sandok na yari sa ginto, punô ng insenso na ang bigat ay sampung siklo bawat isa, ayon sa siklo ng santuwaryo; lahat ng ginto ng mga sandok ay isandaan at dalawampung siklo.
87Lahat ng mga baka na handog na sinusunog ay labindalawang toro, ang mga lalaking tupa ay labindalawa, ang mga korderong lalaki na isang taon ay labindalawa, at ang mga handog na harina niyon; at ang mga kambing na lalaki na handog pangkasalanan ay labindalawa.
88Lahat ng mga baka na mga handog pangkapayapaan ay dalawampu't apat na toro, ang mga lalaking tupa ay animnapu, ang mga kambing na lalaki ay animnapu, ang mga korderong lalaki na isang taon ay animnapu. Ito ang alay para sa pagtatalaga sa dambana pagkatapos na mabuhusan ito ng langis.
89Nang si Moises ay pumasok sa toldang tipanan upang makipag-usap sa Panginoon, narinig niya ang tinig na nagsasalita sa kanya mula sa itaas ng trono ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na nasa gitna ng dalawang kerubin; gayon ito nagsalita sa kanya.
Kasalukuyang Napili:
MGA BILANG 7: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: