OBADIAS 1
1
Ang Pagmamataas ng Edom ay Ibababa
1Ang#Isa. 34:5-17; 63:1-6; Jer. 49:7-22; Ez. 25:12-14; 35:1-15; Amos 1:11, 12; Mal. 1:2-5 pangitain ni Obadias.
Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos tungkol sa Edom:
Kami ay nakarinig ng mga balita mula sa Panginoon,
at isang sugo ang ipinadala sa mga bansa:
“Bumangon kayo! Tumindig tayo laban sa kanya sa pakikipagdigma!”
2Narito, gagawin kitang maliit sa mga bansa;
ikaw ay lubhang hinahamak.
3Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso,
ikaw na naninirahan sa mga bitak ng bato,
na ang tahanan ay matayog
na nagsasabi sa iyong puso, “Sinong magbababa sa akin sa lupa?”
4Bagaman ikaw ay nagtatayo nang mataas na parang agila,
bagaman inilalagay mo ang iyong pugad na kasama ng mga bituin,
aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.
5Kung ang mga magnanakaw ay pumaroon sa iyo,
kung ang mga manloloob sa gabi—
gaano ka winasak!—
di ba sila'y magnanakaw lamang ng sapat sa kanila?
Kung ang mga mamimitas ng ubas ay pumaroon sa iyo,
di ba sila'y mag-iiwan ng laglag na ubas?
6O paanong si Esau ay nilooban,
hinanap ang kanyang mga kayamanan!
7Lahat ng lalaking iyong kakampi ay dadalhin ka sa hangganan;
ang mga kasamahan mo na kasunod mo ay dadayain ka at dadaigin ka.
Ang mga kumakain ng iyong tinapay ay tatambangan ka—
walang pagkaunawa sa kanya.
8Di ko ba lilipulin sa araw na iyon, sabi ng Panginoon,
ang mga taong pantas mula sa Edom,
at ang pagkaunawa mula sa bundok ng Esau?
9At ang iyong mga makapangyarihang tao ay mababalisa, O Teman,
upang ang bawat tao ay maalis sa bundok ng Esau sa pamamagitan ng pagkatay.
Bakit pa Pinarusahan ang Edom
10Dahil sa karahasang ginawa sa iyong kapatid na Jacob
ay kahihiyan ang tatakip sa iyo,
at ikaw ay aalisin magpakailanman.
11Nang araw na ikaw ay tumayo sa malayo,
nang araw na dalhin ng mga dayuhan ang kanyang kayamanan,
at pumasok ang mga dayuhan sa kanyang mga pintuan
at pinagpalabunutan ang Jerusalem,
ikaw ay naging gaya ng isa sa kanila.
12Huwag ka ngang matuwa sa araw ng iyong kapatid
sa araw ng kanyang kapahamakan,
huwag kang magalak dahil sa mga anak ni Juda,
sa araw ng kanilang pagkawasak;
hindi ka sana nagmalaki sa araw ng pagkabalisa.
13Huwag kang pumasok sa pintuan ng aking bayan
sa araw ng kanilang kapahamakan;
oo, huwag kang matuwa sa kanyang pagkapahamak
sa araw ng kanilang kasakunaan,
huwag kang magnakaw ng kanilang kayamanan
sa araw ng kanilang kapahamakan.
14Huwag kang tumayo sa mga sangandaan
upang puksain ang kanyang mga takas;
huwag ibilanggo ang kanyang mga nalabi
sa araw ng kabalisahan.
Ang Paghatol sa mga Bansa
15Sapagkat ang araw ng Panginoon ay malapit na laban sa lahat ng mga bansa.
Kung ano ang iyong ginawa, ay siyang gagawin sa iyo;
ang iyong gawa ay babalik sa iyong sariling ulo.
16Sapagkat kung paanong kayo'y uminom sa aking banal na bundok,
gayon iinom ang lahat ng mga bansa sa palibot,
sila'y iinom, at magpapasuray-suray,
at magiging wari bang sila'y hindi nabuhay.
Ang Tagumpay ng Israel
17Ngunit sa bundok ng Zion ay doroon ang mga nakatakas,
at ito ay magiging banal;
at aangkinin ng sambahayan ni Jacob ang kanilang sariling ari-arian.
18At ang sambahayan ni Jacob ay magiging isang apoy,
ang sambahayan ni Jose ay isang liyab,
ang sambahayan ni Esau ay dayami,
at sila'y kanilang susunugin, at sila'y tutupukin;
at walang malalabi sa sambahayan ni Esau; sapagkat sinabi ng Panginoon.
19Silang nasa Negeb ay mag-aangkin ng Bundok ng Esau,
at silang nasa Shefela ay ang lupain ng mga Filisteo;
at kanilang aangkinin ang lupain ng Efraim, at ang lupain ng Samaria;
at aangkinin ng Benjamin ang Gilead.
20Ang mga bihag sa Hala na kabilang sa bayan ng Israel
ay mag-aangkin ng Fenicia hanggang sa Zarefta;
at ang mga bihag ng Jerusalem na nasa Sefarad
ay aangkinin ang mga bayan ng Negeb.
21At ang mga tagapagligtas ay aahon sa Bundok ng Zion
upang hatulan ang bundok ng Esau;
at ang kaharian ay magiging sa Panginoon.
Kasalukuyang Napili:
OBADIAS 1: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: