FILIPOS 2
2
Tularan ang Pagpapakumbaba ni Cristo
1Kaya nga kung mayroong anumang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anumang kaaliwan ng pag-ibig, kung mayroong anumang pakikisama ng Espiritu, kung mayroong anumang pagkagiliw at habag,
2ay lubusin ninyo ang aking tuwa sa pagkakaroon ng gayunding pag-iisip, magtaglay ng gayunding pag-ibig, na magkaisa ng diwa, at may isa lamang pag-iisip.
3Huwag ninyong gawin ang anuman sa pagpapaligsahan o pagmamataas, kundi sa kababaan, ituring na ang iba ay higit na mabuti kaysa inyong sarili.
4Huwag tingnan ng bawat isa sa inyo ang kanyang sariling kapakanan, kundi ang kapakanan ng iba.
5Magkaroon kayo sa inyo ng ganitong pag-iisip na na kay Cristo Jesus din naman,
6na siya, bagama't nasa anyo ng Diyos,
ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan
ang pagiging kapantay ng Diyos,
7kundi hinubaran niya ang kanyang sarili
at kinuha ang anyong alipin
na naging katulad ng tao.
8At palibhasa'y natagpuan sa anyo ng tao,
siya'y nagpakababa sa kanyang sarili,
at naging masunurin hanggang sa kamatayan,
maging sa kamatayan man sa krus.
9Kaya siya naman ay itinaas ng Diyos,
at siya'y binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan;
10upang#Isa. 45:23 (LXX) sa pangalan ni Jesus
ay lumuhod ang bawat tuhod,
sa langit at sa lupa, at sa ilalim ng lupa,
11at ipahayag ng bawat dila
na si Jesu-Cristo ay Panginoon,
sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Magsilbing Ilaw sa Sanlibutan
12Kaya nga, mga minamahal ko, kung paanong lagi ninyo akong sinusunod, hindi lamang sa harapan ko, kundi higit ngayon na ako'y hindi ninyo kasama, ay isagawa ninyo ang inyong sariling kaligtasan na may takot at panginginig;
13sapagkat Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanais at sa paggawa, para sa kanyang mabuting kalooban.
14Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang pabulong-bulong at pagtatalo,
15upang#Deut. 32:5 kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang salinlahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad ng mga ilaw sa sanlibutan,
16na nanghahawakan sa salita ng buhay upang may ipagkapuri ako sa araw ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan.
17Oo, kahit ako'y ibuhos bilang inuming handog sa ibabaw ng alay at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y natutuwa at nakikigalak sa inyong lahat.
18At sa gayunding paraan kayo'y natutuwa at nakikigalak sa akin.
Sina Timoteo at Epafrodito
19Ngunit umaasa ako sa Panginoong Jesus na suguin kaagad sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag sa pagkaalam ko ng mga bagay tungkol sa inyo.
20Sapagkat wala akong sinuman na katulad niya na tunay na magmamalasakit sa inyong kapakanan.
21Sapagkat pinagsisikapan nilang lahat ang para sa kanilang sariling kapakanan, hindi ang mga bagay ni Jesu-Cristo.
22Ngunit nalalaman ninyong subok na si Timoteo,#2:22 Sa Griyego ay siya. kung paanong naglilingkod ang anak sa ama ay kasama ko siyang naglingkod sa ebanghelyo.
23Siya nga ang aking inaasahang suguin kaagad, kapag nakita ko kung ano ang mangyayari sa akin.
24At nagtitiwala ako sa Panginoon na di-magtatagal at makakarating din naman ako.
25Ngunit iniisip kong kailangan pa ring isugo sa inyo si Epafrodito, na aking kapatid, kamanggagawa, at kapwa kawal, ang inyong sugo at lingkod para sa aking pangangailangan.
26Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat at siya'y namanglaw, sapagkat inyong nabalitaan na siya'y nagkasakit.
27Totoo ngang nagkasakit siya na malapit nang mamatay. Ngunit kinahabagan siya ng Diyos; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng patung-patong na kalungkutan.#2:27 Sa Griyego ay lungkot sa ibabaw ng kalungkutan.
28Kaya't higit akong masigasig na suguin siya, upang, pagkakitang muli ninyo sa kanya, kayo'y magalak at mabawasan ang aking kalungkutan.
29Kaya tanggapin ninyo siya sa Panginoon nang buong galak; at ang gayong mga tao ay parangalan ninyo,
30sapagkat dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nabingit siya sa kamatayan, na isinusuong sa panganib ang kanyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin.
Kasalukuyang Napili:
FILIPOS 2: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: