Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 1:10-16

MGA KAWIKAAN 1:10-16 ABTAG01

Anak ko, kung ikaw ay akitin ng mga makasalanan, huwag kang pumayag. Kung kanilang sabihin, “Sumama ka sa amin, tayo'y mag-abang upang magpadanak ng dugo, ating tambangan nang walang dahilan ang walang sala; gaya ng Sheol, sila'y lunukin nating buháy, at buo, na gaya ng bumababa sa Hukay. Tayo'y makakasumpong ng lahat ng mamahaling bagay; ating pupunuin ng samsam ang ating mga bahay. Makipagsapalaran kang kasama namin; magkakaroon tayong lahat ng iisang supot”— anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas. Sapagkat ang kanilang mga paa ay tumatakbo sa kasamaan, at sila'y nagmamadali sa pagbububo ng dugo.