MGA KAWIKAAN 29
29
1Ang madalas na sawayin ngunit ang ulo ay matigas,
ay biglang mababali, at wala nang lunas.
2Kapag ang matutuwid ay namamahala, ang bayan ay nagsasaya,
ngunit kapag ang masama ay namumuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.
3Ang umiibig sa karunungan ay nagpapasaya sa kanyang ama;
ngunit ang nakikisama sa upahang babae#29:3 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw. ay sumisira ng kayamanan niya.
4Pinatatatag ng hari ang lupain sa pamamagitan ng katarungan;
ngunit ginigiba ito ng humihingi ng suhol na sapilitan.
5Ang taong kunwari'y pumupuri sa kanyang kapwa,
ay naglalatag ng lambat sa kanyang mga paa.
6Ang masamang tao'y nasisilo sa kanyang pagsalangsang,
ngunit ang taong matuwid ay umaawit at nagdiriwang.
7Alam ng matuwid ang karapatan ng dukha;
ngunit ang gayong kaalaman ay di nauunawaan ng masama.
8Ang mga manlilibak ang sa isang lunsod ay tumutupok,
ngunit ang matatalinong tao ay nag-aalis ng poot.
9Kung ang pantas ay magkaroon ng pakikipagtalo sa isang hangal,
magagalit lamang o tatawa ang hangal, at hindi magkakaroon ng katahimikan.
10Ang mga taong uhaw sa dugo ay namumuhi sa walang sala,
at ang buhay ng matuwid ay hinahabol nila.
11Inihihinga ng hangal ang kanyang buong galit,
ngunit ang matalino ay nagpipigil nang tahimik.
12Kung ang pinuno ay nakikinig sa kasinungalingan,
magiging masasama ang lahat niyang tauhan.
13Ang dukha at ang nang-aapi ay nagkakasalubong,
ang mga mata nilang pareho ay pinagliliwanag ng Panginoon.
14Kung ang hari ay humahatol sa dukha nang may katarungan,
ang kanyang trono ay matatatag magpakailanman.
15Ang pamalo at saway ay nagbibigay ng karunungan,
ngunit ang batang pinababayaan, sa kanyang ina ay nagbibigay-kahihiyan.
16Kapag ang masama ay nanunungkulan, dumarami ang pagsalangsang,
ngunit pagmamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal.
17Supilin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan;
ang iyong puso ay bibigyan niya ng kasiyahan.
18Kung saan walang pangitain, nagpapabaya ang taong-bayan,
ngunit mapalad ang sumusunod sa kautusan.
19Ang alipin ay hindi masasaway ng mga salita lamang,
sapagkat kahit nauunawaan niya ay hindi niya papakinggan.
20Nakikita mo ba ang tao na padalus-dalos sa kanyang mga salita?
May pag-asa pa ang hangal kaysa kanya.
21Siyang nag-aaruga sa kanyang lingkod mula sa pagkabata,
sa bandang huli ay magiging kanyang tagapagmana.
22Ang taong magagalitin ay lumilikha ng away,
at ang mainitin ang ulo ay sanhi ng maraming pagsuway.
23Ang kapalaluan ng tao ang sa kanya'y magpapababa,
ngunit magtatamo ng karangalan ang may mapagpakumbabang diwa.
24Ang kasamahan ng magnanakaw ay namumuhi sa kanyang buhay;
naririnig niya ang sumpa, ngunit walang ipinaaalam.
25Ang takot sa tao ay naglalatag ng bitag,
ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay maliligtas.
26Marami ang humahanap ng lingap ng isang tagapamahala,
ngunit ang katarungan ay sa Panginoon makukuha.
27Ang masamang tao ay karumaldumal sa matuwid;
at ang matuwid sa kanyang lakad ay karumaldumal sa masama.
Kasalukuyang Napili:
MGA KAWIKAAN 29: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: