MGA AWIT 36
36
Sa Punong Mang-aawit. Awit ni David, lingkod ng Panginoon.
1Ang#Ro. 3:18 pagsuway ay nagsasalita ng malalim
sa puso ng masama;
walang pagkatakot sa Diyos
sa kanyang mga mata.
2Sapagkat pinupuri niya ang sarili sa sarili niyang mga mata,
na hindi matatagpuan at kasusuklaman ang kasamaan niya.
3Ang mga salita ng kanyang bibig ay kasamaan at pandaraya,
sa pagkilos na may katalinuhan at sa paggawa ng mabuti ay huminto na siya.
4Siya'y nagbabalak ng kasamaan habang nasa kanyang higaan;
inilalagay niya ang sarili sa hindi mabuting daan;
ang kasamaan ay hindi niya pinakaiiwasan.
5Ang iyong tapat na pag-ibig, O Panginoon, ay abot hanggang sa kalangitan,
hanggang sa mga ulap ang iyong katapatan.
6Gaya ng mga bundok ng Diyos ang iyong katuwiran,
ang iyong mga kahatulan ay gaya ng dakilang kalaliman;
O Panginoon, inililigtas mo ang tao at hayop man.
7Napakahalaga, O Diyos, ng iyong pag-ibig na tapat!
Ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak.
8Sila'y nagpapakabusog sa kasaganaan ng iyong bahay;
at binibigyan mo sila ng inumin mula sa ilog ng iyong kasiyahan.
9Sapagkat nasa iyo ang bukal ng buhay;
sa iyong ilaw nakakakita kami ng liwanag.
10O ipagpatuloy mo ang iyong tapat na pag-ibig sa mga nakakakilala sa iyo,
at ang iyong pagliligtas sa may matuwid na puso!
11Huwag nawang dumating sa akin ang paa ng kapalaluan,
ni ng kamay ng masama ako'y ipagtabuyan.
12Doon ang mga gumagawa ng kasamaan ay nakasubsob,
sila'y nakalugmok, at hindi na kayang bumangon.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 36: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: