MGA AWIT 81
81
Awit para sa Pagdiriwang
Sa Punong Mang-aawit: ayon sa Ang Gittith. Awit ni Asaf.
1Umawit kayo nang malakas sa Diyos na ating kalakasan;
sumigaw sa Diyos ni Jacob dahil sa kagalakan!
2Umawit kayo at patunugin ninyo ang pandereta,
ang masayang lira at ang alpa.
3Hipan#Bil. 10:10 ninyo ang trumpeta kapag bagong buwan,
sa kabilugan ng buwan, sa ating araw ng pagdiriwang.
4Sapagkat ito ay isang tuntunin para sa Israel,
isang batas ng Diyos ni Jacob.
5Ginawa niya itong patotoo sa Jose,
nang siya'y lumabas sa lupain ng Ehipto.
Ako'y nakarinig ng tinig na hindi ko kilala:
6“Pinagaan ko ang pasan sa iyong balikat;
ang iyong mga kamay ay pinabitiw sa basket.
7Ikaw#Exo. 17:7; Bil. 20:13 ay tumawag nang nasa kaguluhan, at iniligtas kita;
sinagot kita sa lihim na dako ng kulog;
sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah)
8O bayan ko, habang kita'y pinaaalalahanan, ako'y iyong dinggin,
O Israel, kung ikaw sana'y makikinig sa akin!
9Hindi#Exo. 20:2, 3; Deut. 5:6, 7 magkakaroon ng ibang diyos sa inyo;
at huwag kang yuyukod sa ibang diyos.
10Ako ang Panginoon mong Diyos,
na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.
Buksan mo nang maluwang ang iyong bibig, at ito'y aking pupunuin.
11“Ngunit ang aking bayan ay hindi nakinig sa aking tinig;
hindi ako sinunod ng Israel.
12Kaya't ipinaubaya ko sila sa pagmamatigas ng kanilang puso,
upang sumunod sa kanilang sariling mga payo.
13O kung ako sana'y papakinggan ng aking bayan,
ang Israel ay lalakad sa aking mga daan!
14Pasusukuin ko kaagad ang kanilang mga kaaway,
at ibabaling ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kalaban.
15Ang mga napopoot sa Panginoon ay yuyuko sa kanya,
at ang kanilang panahon ay magtatagal kailanman.
16Pakakainin kita ng pinakamabuting trigo,
at bubusugin kita ng pulot na mula sa bato.”
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 81: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: