APOCALIPSIS 21
21
Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa
1At#Isa. 65:17; 66:22; 2 Ped. 3:13 nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa; sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na, at ang dagat ay wala na.
2At#Isa. 52:1; Apoc. 3:12; Isa. 61:10 nakita ko ang banal na lunsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, na nakahanda na gaya ng isang babaing ikakasal na nagagayakan para sa kanyang asawa.
3At#Ez. 37:27; Lev. 26:11, 12 narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa trono na nagsasabi,
“Masdan ninyo, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao.
Siya'y maninirahang kasama nila,
at sila'y magiging bayan niya.
Ang Diyos mismo ay makakasama nila, at siya'y magiging Diyos nila.#21:3 Sa ibang mga kasulatan ay walang at siya'y magiging Diyos nila.
4At#Isa. 25:8; Isa. 35:10; 65:19 papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata,
at hindi na magkakaroon ng kamatayan;
hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtangis man, o ng kirot man,
sapagkat ang mga unang bagay ay lumipas na.”
5At sinabi ng nakaupo sa trono, “Masdan ninyo, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay.” Sinabi rin niya, “Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at tunay.”
6At#Isa. 55:1 sinabi niya sa akin, “Naganap na! Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinumin nang walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.
7Ang#2 Sam. 7:14; Awit 89:26, 27 magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako'y magiging Diyos niya at siya'y magiging anak ko.
8Ngunit sa mga duwag, sa mga hindi nananampalataya, mga karumaldumal, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa lawa na nagliliyab sa apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”
Ang Bagong Jerusalem
9At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok na punô ng pitong huling salot, at nagsalita sa akin na nagsasabi, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaing ikakasal, ang asawa ng Kordero.”
10At#Ez. 40:2 dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang banal na lunsod ng Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos,
11na may kaluwalhatian ng Diyos, ang kanyang ningning ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng batong jaspe, na malinaw na gaya ng kristal.
12Ito#Ez. 48:30-35 ay mayroong isang malaki at mataas na pader, na may labindalawang pintuan, at sa mga pintuan ay may labindalawang anghel; at sa mga pintuan ay nakasulat ang mga pangalan ng labindalawang lipi ng mga anak ni Israel.
13Sa silangan ay tatlong pintuan, sa hilaga ay tatlong pintuan, sa timog ay tatlong pintuan, at sa kanluran ay tatlong pintuan.
14At ang pader ng lunsod ay may labindalawang saligan, at sa mga ito'y ang labindalawang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.
15At#Ez. 40:3 ang nakipag-usap sa akin ay may gintong panukat upang sukatin ang lunsod at ang mga pintuan at ang pader nito.
16At ang pagkatayo ng lunsod ay parisukat, at ang kanyang haba ay gaya ng kanyang luwang, at sinukat niya ang lunsod ng kanyang panukat, labindalawang libong estadia.#21:16 Humigit kumulang na 2,400 kilometro. Ang haba, luwang at ang taas nito ay magkakasukat.
17Sinukat din niya ang pader nito, isandaan at apatnapu't apat na siko#21:17 Humigit kumulang na 216 talampakan. ang taas, ayon sa sukat ng tao, na siyang ginagamit ng anghel.
18Ang#Isa. 54:11, 12 malaking bahagi ng pader ay jaspe at ang lunsod ay dalisay na ginto, na tulad ng kristal.
19Ang mga saligan ng pader ng lunsod ay ginagayakan ng sari-saring mahahalagang bato. Ang unang saligan ay jaspe, ang ikalawa ay safiro, ang ikatlo ay calcedonia, ang ikaapat ay esmeralda,
20ang ikalima ay onix, ang ikaanim ay sardio, ang ikapito ay crisolito, ang ikawalo ay berilo, ang ikasiyam ay topacio, ang ikasampu ay crisopasio, ang ikalabing-isa ay jacinto, ang ikalabindalawa ay ametista.
21At ang labindalawang pintuan ay labindalawang perlas, at bawat pinto ay yari sa isang perlas, at ang lansangan ng lunsod ay dalisay na ginto, na gaya ng naaaninag na salamin.
22At hindi ako nakakita ng templo roon, sapagkat ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat at ang Kordero ang siyang templo roon.
23At#Isa. 60:19, 20 ang lunsod ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang magbigay-liwanag sa kanya, sapagkat ang liwanag niya ay ang kaluwalhatian ng Diyos, at ang ilaw doon ay ang Kordero.
24Ang#Isa. 60:3 mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito; at ang mga hari sa lupa ay magdadala ng kanilang karangalan sa kanya.
25At#Isa. 60:11 ang mga pintuan niyon ay hindi isasara kailanman sa araw; sapagkat hindi magkakaroon doon ng gabi.
26Dadalhin nila sa loob niyon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa;
27at#Isa. 52:1; Ez. 44:9 hindi makakapasok doon ang anumang bagay na marumi, o ang sinumang gumagawa ng karumaldumal o ng kasinungalingan, kundi sila lamang na nakasulat sa aklat ng buhay ng Kordero.
Kasalukuyang Napili:
APOCALIPSIS 21: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: