APOCALIPSIS 3
3
Ang Mensahe sa Sardis
1“At sa anghel ng iglesya sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Diyos at may pitong bituin:
“Alam ko ang iyong mga gawa, sa pangalan ikaw ay nabubuhay, ngunit ikaw ay patay.
2Gumising ka, at palakasin mo ang mga bagay na natitira, na malapit nang mamatay, sapagkat hindi ko natagpuang ganap ang iyong mga gawa sa harapan ng aking Diyos.
3Kaya't#Mt. 24:43, 44; Lu. 12:39, 40; Apoc. 16:15 alalahanin mo kung paano mo ito tinanggap at narinig; tuparin mo ito at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka gigising, darating akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong oras ako darating sa iyo.
4Ngunit mayroon ka pang ilan sa Sardis#3:4 Sa Griyego ay ilang pangalan sa Sardis. na hindi dinungisan ang kanilang mga damit; at sila'y kasama kong lalakad na nakaputi, sapagkat sila'y karapat-dapat.
5Ang#Exo. 32:32, 33; Awit 69:28; Apoc. 20:12; Mt. 10:32; Lu. 12:8 magtagumpay ay bibihisang gayon ng mapuputing damit; at hindi ko kailanman papawiin ang kanyang pangalan sa aklat ng buhay. At ipahahayag ko ang kanyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kanyang mga anghel.
6Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
Ang Mensahe sa Filadelfia
7“At#Isa. 22:22; Job 12:14 sa anghel ng iglesya sa Filadelfia ay isulat mo:
“Ang mga bagay na ito ang sinasabi ng banal, ng totoo,
na may susi ni David,
na nagbubukas at hindi maisasara ng sinuman, na nagsasara at walang makakapagbukas.
8“Alam ko ang iyong mga gawa. Tingnan mo, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintong bukas, na hindi maisasara ng sinuman. Alam kong ikaw ay may kaunting kapangyarihan, ngunit tinupad mo ang aking salita, at hindi mo itinakuwil ang aking pangalan.
9Ibinibigay#Isa. 49:23; 60:14; Isa. 43:4 ko sa mga sinagoga ni Satanas na nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nagsisinungaling: sila'y aking papupuntahin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at malalaman nilang ikaw ay aking inibig.
10Sapagkat tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa oras ng pagsubok na darating sa buong daigdig, upang subukin ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa.
11Ako'y dumarating na madali; panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang walang makaagaw ng iyong korona.
12Ang#Apoc. 21:2; Isa. 62:2; 65:15 magtagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa roon, at isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na bumababa buhat sa langit, mula sa aking Diyos, at ang aking sariling bagong pangalan.
13Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
Ang Mensahe sa Laodicea
14“At#Kaw. 8:22 sa anghel ng iglesya sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Amen, ng saksing tapat at totoo, nang pasimula ng paglalang ng Diyos:
15“Alam ko ang iyong mga gawa; ikaw ay hindi malamig o mainit man. Ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit.
16Kaya, dahil ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita mula sa aking bibig.
17Sapagkat sinasabi mo, ‘Ako'y mayaman, at naging mariwasa at hindi ako nangangailangan ng anuman.’ Hindi mo nalalamang ikaw ay aba, kahabag-habag, maralita, bulag at hubad.
18Ipinapayo ko sa iyo na bumili ka sa akin ng gintong dinalisay ng apoy upang ikaw ay yumaman, at ng mapuputing damit upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran, at ng pampahid na ilalagay sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.
19Ang#Kaw. 3:12; Heb. 12:6 lahat na aking iniibig ay aking sinasaway at dinidisiplina. Ikaw nga'y magsikap, at magsisi.
20Makinig ka! Ako'y nakatayo sa may pintuan at tumutuktok; kung diringgin ng sinuman ang aking tinig at buksan ang pinto, ako'y papasok sa kanya, at kakaing kasalo niya, at siya'y kasalo ko.
21Ang magtagumpay ay pagkakalooban ko na umupong kasama ko sa aking trono, gaya ko naman na nagtagumpay at umupong kasama ng aking Ama sa kanyang trono.
22Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.”
Kasalukuyang Napili:
APOCALIPSIS 3: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: