APOCALIPSIS 5
5
Ang Aklat at ang Kordero
1At#Ez. 2:9, 10; Isa. 29:11 nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang aklat#5:1 o balumbon. na may sulat sa loob at sa likod, na tinatakan ng pitong tatak.
2At nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na nagpapahayag sa malakas na tinig, “Sino ang karapat-dapat magbukas ng aklat at magtanggal ng mga tatak nito?”
3At walang sinuman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ang makapagbukas ng aklat o makatingin man sa loob nito.
4Ako'y labis na umiyak, sapagkat walang natagpuang sinuman na karapat-dapat magbukas ng aklat, o tumingin sa loob nito.
5At#Gen. 49:9; Isa. 11:1, 10 sinabi sa akin ng isa sa matatanda, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo, ang Leon sa lipi ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang mabuksan niya ang aklat at ang pitong tatak nito.”
6Pagkatapos#Isa. 53:7; Zac. 4:10 ay nakita ko sa gitna ng trono at ng apat na nilalang na buháy at sa gitna ng matatanda ang isang Korderong nakatayo, na tulad sa isang pinaslang, na may pitong sungay at pitong mata na siyang pitong Espiritu ng Diyos, na sinugo sa buong daigdig.
7Siya'y lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay ng nakaluklok sa trono.
8Pagkakuha#Awit 141:2 niya sa aklat, ang apat na nilalang na buháy at ang dalawampu't apat na matatanda ay nagpatirapa sa harapan ng Kordero, na ang bawat isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na punô ng insenso, na siyang mga panalangin ng mga banal.
9At#Awit 33:3; 98:1; Isa. 42:10 sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit, na nagsasabi,
“Ikaw ay karapat-dapat na kumuha sa aklat
at magbukas ng mga tatak nito,
sapagkat ikaw ay pinatay, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay binili mo para sa Diyos
ang mga tao mula sa bawat lipi, wika, bayan, at bansa.
10At#Exo. 19:6; Apoc. 1:6 sila'y iyong ginawang isang kaharian at mga pari para sa aming Diyos;
at sila'y maghahari sa ibabaw ng lupa.”
11Nakita#Dan. 7:10 ko at narinig ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng trono at ng mga nilalang na buháy at ng matatanda; at ang bilang nila ay milyun-milyon at libu-libo,
12na nagsasabi ng may malakas na tinig,
“Ang Kordero na pinaslang ay karapat-dapat
tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian, at kapurihan.”
13At ang bawat bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito ay narinig kong nagsasabi,
“Sa kanya na nakaupo sa trono at sa Kordero
ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan, magpakailanpaman.
14At ang apat na nilalang na buháy ay nagsabi, “Amen!” At ang matatanda ay nagpatirapa at sumamba.
Kasalukuyang Napili:
APOCALIPSIS 5: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: