Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I PEDRO 1

1
1Si Pedro, na apostol ni Jesucristo, sa mga hinirang na nangingibang bayan #Gawa 2:9; Sant. 1:1. na nasa Pangangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia,
2 # 1 Ped. 2:9. Ayon #Gawa 2:23; Rom. 8:29; 14:2. sa paunang kaalaman ng Dios Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at #Heb. 10:22; 12:24. mangawisikan ng dugo ni Jesucristo: #2 Ped. 1:2. Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo'y sumagana.
3Purihin nawa ang Dios #2 Cor. 1:3; Ef. 1:3. at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli #tal. 23; Juan 3:3. tayo sa isang buhay na pagasa #1 Ped. 3:21. sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay,
4Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, #Mat. 6:20. na inilaan sa langit para sa inyo,
5Na sa kapangyarihan ng Dios #Juan 10:28, 29. ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.
6Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't #1 Ped. 5:10. ngayo'y sa sangdaling panahon, #Sant. 1:2. kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok,
7Upang #Sant. 1:3. ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y #1 Cor. 3:13. sinusubok sa pamamagitan ng apoy, #Rom. 2:7, 10. ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal #1 Ped. 4:13. sa pagpapakahayag ni Jesucristo:
8Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; #Juan 20:29. na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y #Juan 16:22. inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:
9 # Heb. 10:36; 1 Ped. 5:4. Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.
10Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi #Rom. 1:2. ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:
11Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro #2 Ped. 1:11. ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, #Luc. 24:26. nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.
12Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan #Gawa 2:2-4. ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.
13Kaya't #Ef. 6:14. inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, #1 Ped. 4:7; 5:8. na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang #tal. 7. dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo;
14Na gaya ng mga anak na matalimahin, #1 Ped. 4:2, 3. na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na #Gawa 17:30; Ef. 4:18. sa kawalang kaalaman:
15Nguni't yamang banal #2 Cor. 7:1; 1 Tes. 4:7; 2 Ped. 3:11. ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan #tal. 18; Gal. 1:13. ng pamumuhay;
16Sapagka't nasusulat, #Lev. 11:44. Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.
17At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang #Sant. 2:1. walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa #1 Ped. 3:15. takot ang panahon ng inyong #Ef. 4:22. pangingibang bayan:
18Na inyong nalalamang #1 Cor. 6:20. kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na #Gal. 3:13; 4:5. ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;
19Kundi ng mahalagang #Gawa 20:28. dugo, gaya ng sa #Juan 1:29. korderong #Heb. 9:14. walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:
20 # Gawa 2:23; Apoc. 13:8. Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag #Heb. 1:2. sa mga huling panahon dahil sa inyo,
21Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, #Gawa 2:24. na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at #Gawa 3:13; Fil. 2:9. sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.
22Yamang #Gawa 15:9; Sant. 4:8. nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, #Heb. 13:1; 1 Ped. 2:17; 3:8. sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng #1 Tim. 1:5. buong ningas ng inyong puso sa isa't isa:
23 # tal. 3. Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, #Sant. 1:18. sa pamamagitan #Gawa 10:36, 37. ng salita ng Dios #Heb. 4:12. na nabubuhay at namamalagi.
24Sapagka't,
# Is. 40:6, 8. Ang lahat ng laman ay gaya ng damo,
At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo.
Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta:
25 # Awit 119:89; Mat. 24:35. Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man.
At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.

Kasalukuyang Napili:

I PEDRO 1: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in