Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA TAGA TESALONICA 5

5
1Datapuwa't tungkol sa #Gawa 1:7. mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, #1 Tes. 4:9. hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.
2Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating #Mat. 24:43. ng kaarawan ng Panginoon ay #Luc. 17:24. gaya ng magnanakaw sa gabi.
3Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y #Luc. 21:34. darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.
4Nguni't kayo, #Rom. 13:12, 13. mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:
5Sapagka't kayong lahat #Luc. 16:8. ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;
6 # Mat. 25:5; Rom. 13:11. Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi #1 Ped. 5:8. tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.
7Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; #Rom. 13:13; Ef. 5:18. at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.
8Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, #Is. 59:17; Ef. 6:14, 16, 17. na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.
9Sapagka't tayo'y #Rom. 5:9; 9:22; 1 Tes. 2:16. hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,
10Na #Rom. 14:9. namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.
11Dahil dito #1 Tes. 5:11. kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.
12Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, #1 Cor. 16:18. na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at #1 Tim. 5:17. nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;
13At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. #Mar. 9:50. Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.
14At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, #Rom. 15:1; Gal. 6:1, 2. alalayan ang mga mahihina, #1 Cor. 13:4; Gal. 5:22. at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.
15 # Mat. 5:39. Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.
16 # Rom. 12:12; Fil. 3:1. Mangagalak kayong lagi;
17Magsipanalangin kayong #Luc. 18:1. walang patid;
18Sa lahat ng mga bagay ay #Ef. 5:20; Col. 4:2. magpasalamat kayo; sapagka't ito #1 Tes. 4:3. ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
19Huwag ninyong patayin #Ef. 4:30; 2 Tim. 1:6. ang ningas ng Espiritu;
20Huwag ninyong hamakin #1 Cor. 14:1, 39. ang mga panghuhula;
21Subukin ninyo ang #1 Juan 4:1. lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;
22Layuan ninyo ang #1 Tes. 4:12. bawa't anyo ng masama.
23At pakabanalin #1 Tes. 3:13. kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong #Heb. 4:12. espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan #1 Tes. 2:19. sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.
24 # Deut. 7:9. Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.
25Mga kapatid, #2 Tes. 3:1. idalangin ninyo kami.
26Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng #Rom. 16:16. banal na halik.
27Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid #Col. 4:16. ang sulat na ito.
28Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

Kasalukuyang Napili:

I MGA TAGA TESALONICA 5: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in