II MGA TAGA CORINTO 4
4
1Kaya nga sa pagkakaroon namin ng ministeriong #2 Cor. 3:6. ito, ayon sa aming tinanggap na kaawaan, ay hindi kami nanghihina.
2Bagkus tinanggihan namin ang mga kahiyahiyang bagay na nangatatago, na #2 Cor. 2:17. hindi kami nagsisilakad sa katusuhan, ni nagsisigamit man na may daya ng mga salita ng Dios; kundi sa pagpapahayag ng #2 Cor. 6:7; 7:14. katotohanan ay #2 Cor. 6:4. ipinagtatagubilin ang aming sarili #2 Cor. 5:11; 11:6. sa bawa't budhi ng mga tao sa harapan ng Dios.
3At kung ang aming evangelio ay #2 Cor. 3:7, 14, 18. natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak:
4Na binulag #Juan 12:31. ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, #Col. 1:15; Heb. 1:3. na siyang larawan ng Dios.
5Sapagka't #1 Cor. 1:23. hindi namin ipinangangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus na Panginoon, #1 Cor. 9:19. at kami ay gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo.
6Yamang ang Dios, ang nagsabi, #Gen. 1:3. Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo.
7Nguni't taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, #1 Cor. 2:5. upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag mula sa aming sarili;
8Sa magkabikabila ay #2 Cor. 7:5. nangagigipit kami, gayon ma'y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma'y hindi nangawawalan ng pagasa;
9 #
1 Cor. 4:12. Pinaguusig, gayon ma'y hindi pinababayaan; inilulugmok, gayon ma'y hindi nangasisira;
10Laging saan ma'y #1 Cor. 4:9; 15:31; 2 Cor. 6:9. tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus, #Rom. 6:8; 8:17; 2 Tim. 2:11. upang ang buhay ni Jesus ay mahayag naman sa aming katawan.
11Sapagka't kaming nangabubuhay ay #Rom. 8:36. laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Jesus, upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa aming lamang may kamatayan.
12Kaya nga ang kamatayan ay gumagawa sa amin, datapuwa't ang buhay ay sa inyo.
13Nguni't yamang mayroong gayon ding espiritu ng pananampalataya, na gaya ng nasusulat, #Awit 116:10. Sumampalataya ako, at kaya't nagsalita ako; kami naman ay nagsisisampalataya, at kaya't kami naman ay nangagsasalita;
14Na aming nalalaman na ang bumuhay na maguli sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay na maguli sa amin na kalakip ni Jesus, at ihaharap kaming kasama ninyo.
15Sapagka't ang #1 Cor. 3:21; 2 Cor. 1:6. lahat ng mga bagay ay dahil sa inyo, upang ang biyaya na #2 Cor. 1:11. pinarami sa pamamagitan ng marami, ay siyang magpasagana ng pagpapasalamat sa ikaluluwalhati ng Dios.
16Kaya nga #tal. 1. hindi kami nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni't #Rom. 7:22. ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.
17Sapagka't ang aming magaang kapighatian, #Rom. 8:18; 1 Ped. 5:10. na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;
18Samantalang kami ay nagsisitingin hindi #Rom. 8:24; 2 Cor. 5:7; Heb. 11:13. sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.
Kasalukuyang Napili:
II MGA TAGA CORINTO 4: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982

: