Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

AMOS 6

6
Ang pagmamasagwa at ang di pagbabanal ay parurusahan.
1 # Amos 4:1; Zef. 1:12; Luc. 6:24. Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel!
2Magsidaan kayo sa #Is. 10:9. Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay magsiparoon kayo sa #2 Hari 18:34. Hamath na malaki; kung magkagayo'y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo: #Nah. 3:8. magaling baga sila kay sa mga kahariang ito? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan?
3Kayong #Ezek. 12:27; Amos 9:10. nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan;
4Na nangahihiga sa mga higaang garing, at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan, at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan, at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan;
5Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola; na #1 Cron. 23:5; 2 Cron. 29:26. nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David;
6Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok, at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango; nguni't hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose.
7 # Amos 7:11, 17. Sila nga ngayo'y magsisiyaong bihag na kasama ng unang nagsiyaong bihag, at ang kasayahan nila na nagsisihiga ay mapaparam.
8Ang Panginoong Dios ay sumumpa #Jer. 51:14; Gawa 6:13, 17. sa kaniyang sarili, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo: Aking kinayayamutan #Awit 47:4; Ezek. 24:21; Amos 8:7. ang karilagan ng Jacob, at aking kinapopootan ang kaniyang mga palacio; kaya't aking ibibigay ang bayan sangpu ng lahat na nandoon.
9At mangyayari, kung may matirang sangpung tao sa isang bahay, na pawang mangamamatay.
10At pagka itataas siya ng amain, sa makatuwid baga'y ng #1 Sam. 31:12. sumusunog sa kaniya, upang ilabas ang mga buto sa bahay, at sasabihin doon sa nasa #Awit 128:3. pinakaloob ng bahagi ng bahay, May kasama ka pa bagang sinoman? at kaniyang sasabihin: Wala; kung magkagayo'y kaniyang sasabihin: Tumahimik ka; sapagka't hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon.
11Sapagka't narito, naguutos ang Panginoon, at ang malaking bahay ay magkakasira, at ang munting bahay ay magkakabutas.
12Tatakbo baga ang mga kabayo sa malaking bato? magaararo baga roon ang sino man sa pamamagitan ng mga toro? inyo ngang #Amos 5:7. ginagawang kapaitan ang #Os. 10:4. katarungan, at ajenjo ang bunga ng katuwiran,
13Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng #Deut. 33:17; 1 Hari 22:11. mga sungay sa pamamagitan ng aming sariling kalakasan?
14Sapagka't, narito, aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo; at kanilang pagdadalamhatiin kayo mula #1 Hari 8:65; 2 Hari 14:25. sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Araba.

Kasalukuyang Napili:

AMOS 6: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in